THIRD PERSON’S POV “Paanong may nakakabit na bomba doon sa sasakyan nila Mayu, Denver?” Mariin na napapikit si Denver nang marinig ang tanong ni Detective Ace Earheart. Inis na ginulo niya ang buhok niya at mula sa pagkakaupo sa upuan ay tumayo siya at hinarap ito. “Hindi ko alam. Bigla na lang may nagbigay sa akin ng maliit na papel kung saan nakalagay ‘yong plate number ng sasakyan nila Mayu at nong pina-check ko kay Reb ay may bomba nga na nakakabit sa ilalim ng hood ng sasakyan. Ilang beses naming na chineck iyong sasakyan bago ibigay ang susi kaya hindi ko talaga alam. May mga iniwan din kami na magbabantay sa parking lot habang nasa loob kami ng hospital kaya hindi ko talaga alam!” paliwanag niya. Napabuntong hininga si Denver at tumalikod saka ginulo muli ang buhok.

