Nang masiguro ko na mahimbing na ang tulog ng mga bata ay dahan-dahan akong bumangon saka walang ingay na lumabas ng pinto. Katahimikan ang bumungad sa akin nang makarating ako sa living room. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan na naglakad patungo sa kitchen para uminom ng malamig na tubig. Bahagya akong napaigtad nang pagsara ko ng pinto ng fridge ay makita ko si Bae na nakaupo sa round dining table. Hindi ko siya napansin kaninang pagpasok ko dahil madilim ang paligid. Nakaharap ito sa laptop niya at seryosong nag-ta-type ng kung ano. Binuksan ko ang bottled water na hawak ko at inisang lagok iyon saka tinapon ito sa trashbin. Huminga ako ng malalim at sandaling nag-isip. Nagdadalawang-isip ako kung lalapitin ko ba siya at kakausapin o hindi na lang. Gusto ko kasing malaman

