“Mayu dumudugo ‘yong sugat mo!” Kakasakay lang namin sa malaking barko at kakaupo lang nang biglang mag-ingay na naman si Ina. Napatingin ako sa balikat ko at marahan na hinawakan iyon, agad kong naramdaman ang malapot na dugo. Hindi ito halata nong una dahil kulay pula ang pajama na suot ko. Siguro ay napansin ito ni Ina dahil magkatabi na kaming nakaupo ngayon malapit sa railings. Kanina ko pa nararamdaman ang pagkirot nito even before kami umalis sa hotel pero hindi ko na lang pinansin kasi mas importante ang kaligtasan namin. Pati ang binti ko makirot din pero kaya ko naman ang pain. “Paano ‘yan wala pa naman tayong first aid kit,” sabi pa ni Ina. “Okay lang. Hindi naman ganoon kasakit,” nakangiti na sagot ko dito. Napailing si Ina na para bang hindi siya sumasang-ayon

