Matapos i-check ni Ace ang itim na van ay agad siyang bumalik sa amin saka kinausap si Bae. Sandali silang nag-usap bago sumenyas si Bae. Agad naman na nagsunuran ang mga pinsan ko at naglakad patungo doon. Humawak sa akin si Aya at sabay kami na naglakad patungo sa van. Pinauna akong sumakay kasunod ni Aya tapos si Selene na ngayon ay hawak si Ali saka si Ina na hawak na si Brooke. Karga-karga ko pa rin ang tulog na tulog na si Chandler. Naupo naman sa likod namin ang tatlo kong pinsan saka si Ace. Nasa front seat si Bae habang nasa driver's seat si Knight habang si Calum at Rick naman ay sa ibang sasakyan nagpunta. "Let's go," dinig kong sabi ni Bae. Ilang sandali pa ay umandar na ang van at katahimikan na ang sunod na namayani sa pagitan namin. Tumingin ako sa labas ng bintana at n

