“Surprise!” “Mayu? Anong ibig sabihin nito?” naguguluhan na tanong ni Zendaya nang tanggalin ko ang sako na nakatakip sa ulo niya. Matamis ko siyang nginitian saka tinitigan sa mga mata. Nanatili ako na nakatayo sa harapan nito habang may hawak na baril. Kasalukuyan na mahigpit na nakatali sa upuan ang childhood friend ko kasama ng kamay at paa nito. Mahina akong natawa nang makita ang takot sa mga mata niya matapos ilibot ang paningin sa lugar kung nasaan kami. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. “Mayu?” tawag pa nito sa akin. “Who would have thought that you’re going to betray us just for the sake of money and power?” sabi ko dito. Zendaya became part of the Black Organization dahil may napangasawa ito sa America na matandang mayaman na dating miyembro ng na

