“Where have you been?” seryoso na tanong ni Bae. Huminga ako ng malalim saka nag-iwas ng tingin dito. Pinilit kong ipahalata na hindi ako nagulat na makita siya saka muling sinalubong ang mga mata niya. “Sa labas?” sarkastiko na sagot ko dito. Lalong dumilim ang mukha nito dahil sa sinabi ko. Hindi ko iyon pinansin at pumasok sa loob ng elevator. Doon ko lang napansin na kasama niya sina Ace Earheart at Knight Ortencio. Siguro ay lalabas sila para hanapin kami ni Ina. “I am asking you, Mayumi,” seryoso na sabi pa ni Bae. Pumwesto ako sa likuran nila Ace at sumandal sa pader. Bigla akong napagod sa mga ginawa ko ngayong araw. Anong oras na kaya? “Mayu…” nagbabanta na bigkas ni Bae sa pangalan ko. Hindi ko siya pinansin at pumikit na lang. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pangingi

