“Tulog na ba ang mga bata?” bungad na tanong ko kay Bae nang pagbuksan niya ako ng pinto. Kakagaling ko lang sa crematory kasama sina Denver na inihatid lang ako dito sa hotel dahil may pupuntahan pa raw sila kasama ni Ace Earheart. Ako at si Selene lang ang umakyat dito sa suite. “Yeah.” matipid na sagot nito saka sinundan ako papasok sa kuwarto. Tinignan ko muna si Selene bago tuluyan na pumasok at tinanguan naman ako nito. Naabutan ko ang triplets na mahimbing ng natutulog katabi si Aya. Napatingin ako sa digital clock na nasa bed side table at nakita na past 10 PM na. “Kumain ka na?” tanong ko muli kay Bae. Tumango ako at naupo sa couch dito sa loob ng kuwarto. Kinuha nito ang laptop nito na nakapatong sa center table. Napabuntong hininga ako saka lumapit sa maleta kung na

