Mabilis akong humiwalay kay Bae nang marinig ang walang tigil na pagtunog ng cellphone ko. Tumingin muna ako sa kanya bago lumapit sa bench kung saan ito nakapatong. Calling Selene Antonette… Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tawag at ilagay sa tapat ng tenga ko. Wala sa sarili akong napatingin kay Bae na ngayon ay naglalakad na palapit sa akin. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay nakikita niya na kabado ako. “Hello Selene?” sabi ko matapos kong sagutin ang tawag. “Mayu wala na sila Mommy Verna!” umiiyak na sabi ni Selene mula sa kabilang linya. “Huh?” naguguluhan na sagot ko dito. Napahigpit ang hawak ko sa phone nang muli siyang umiyak kasunod ng sunod-sunod na putok ng baril. Naririnig ko pa mula

