Sabi ng mga matatanda, ang bawat sanggol ay ipinanganak na may pulang pisi na nakadikit sa kanilang mga puso. Pinagdudugtong ng mga pising ito ang dalawang itinadhanang magsama habambuhay. Walang pinipiling estado ng pamumuhay, pisikal na anyo o kasarian ang pinagdadaupang palad ng pising ito. Dumaan man ito sa hapugit ng tadhana, balakid o pasakit, kailanman ay hindi ito mapuputol.
Subalit dahil sadyang napakarami ng nag-sasalangsang na mga pisi na dumadaan sa iisang daloy ng buhay, may mga pagkakataong nagkakabuhol-buhol ang mga ito. Dito nagkakaroon ng ilusyon o ng posibilidad na ang isang naghahanap ng makakapareha ay makakatagpo ng isang identidad na maaaring paniwalaan niyang kanyang katadhana. At sa pambihirang pagkakataon, magkakabuhol ang dalawang pisi sa iisang akademiya…
---
Tinanggal ni Henry ang kanyang suot na Gap cap at kinamot ang noo. Nalito na ito sa dami ng mga estudyanteng kailangan niyang tignan kung lahat ba sila ay nasa kanilang night class o self-study rooms. Tumigil ito sa paglalakad sa pasilyo at nilagyan ng check sa listahan ang mga estudyanteng kanya ng nabisitahan. Nang masiguro na nitong tama ang kanyang naitala, nagpatuloy uli itong mag-obserba ng mga estudyante sa mga classroom. Isa-isa niya itong kinakatok at tinitignan kung ano ang ginagawa ng mga ito.
Pagbaba niya sa 2nd floor ay kumatok siya ng dalawang beses ng hindi tumitingin sa loob ng isang makitid na silid-aralan. Pumasok ito at paglingon niya sa estudyante ay nabigla siya sa kanyang nakita. Isang pamilyar na mukha na nagbabasa ng English novel at sinusulat ang mga bokabularyo sa kanyang notebook—si Caleb.
Saglit niya itong tinitigan at tumango sa estudyante ng mabilis para makalabas agad. Bukod sa kilala na niya ito at hindi na kailangang tanungin pa ang kanyang pangalan, sa hindi malamang dahilan ay wala din itong ganang makipag-usap sa kanya. Nang tangkain na niyang isara ang pinto ay biglang hinila ito ni Caleb. Yumuko ito kay Henry para magbigay-galang. Nanatiling blangko naman ang ekspresyon ng mukha ng Student Manager.
“Manager…” Sambit ni Caleb.
Sa halip na sumagot ay iniayos lang niya ang kanyang pagtayo at pinagkrus ang mga braso sa kanyang harapan. Naramdaman ni Caleb ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Ngunit tumayo rin ito ng tuwid at nakipagpalitan ng titig sa manager.
“May I request for a room teacher? I and my roommate would like to practice English even after class.”
“Yes, you may. Just go to the Admin’s office and ask for a form tomorrow. You can also write down the name of the teacher you want and let’s see if he is okay with the setup.”
Tumangong muli si Henry upang magpaalam kay Caleb at tumalikod. Nanatiling nakatayo si Caleb sa labas ng kuwarto at itinuloy ang nais na sabihin.
“I would like to request Teacher Nate to be our room teacher.”
Napatigil sa paglalakad si Henry at tumingin sa kisame. Kumirot ang kanyang mga panga at naglabas ng buntong-hininga upang mapakalma ang sarili. Hinarap niyang muli ang estudyante.
“I am sorry, Caleb. But Teacher Nate already has a roommate.”
“Who?”
Pinalipas ni Henry ang ilang segundo bago tumugon sa tanong ni Caleb. Sa matalim at mababang tono ng boses, kanya itong sinagot.
“ME.”
May kung anong namuong selos sa kaibuturan ni Nate at hindi niya mapigilan ang paghigpit ng kanyang kanang kamao. Isinuksok niya ito sa kanyang bulsa upang itago ang kanyang nararamdaman. Yumuko itong muli sa harapan ni Henry at nagsalita.
“I understand, Manager. Thank you for your information.”
Yumuko rin ng banayad si Henry at itinuloy ang paglalakad patungo sa ibang classroom. Sa hindi malamang dahilan, pareho silang nakaramdamdam ng sugat sa puso.
At selos sa isa’t isa.
---
Mabilis ang pintig ng puso ni Nate habang hawak nito ang boxer brief ni Henry. Tila may kuryenteng dumadaloy sa kanyang mga kalamnan na nag-uudyok sa di-mawaring pagnanasa na ilapit ang kasuotang pangbaba ng roommate nito sa kanyang mga labi. Umiling ito at binitawan ang brief. Pinihit nito ang hot shower at hinayaang hagkan ng mainit na tubig ang kanyang katawan.
Habang unti-unting hinahagkan ng shampoo ang kanyang dibdib na bumababa mula sa kanyang buhok ay biglang umalingawngaw sa kanyang isipan ang tanong ni Teacher Reden kanina.
“Do you find Henry attractive?”
Sa isang iglap ay naalala nito ang minsang kaganapang pilit niyang ibinaon sa limot.
Buwan ng Agosto, mahigit isang taon ang nakakalipas nang umuwi ng hatinggabi si Henry sa kanilang unit. Galing ito sa send-off party ng kanyang naging kaklase na nagtapos ng termino ng pag-aaral sa akademiya pagkatapos ng anim na buwan. Habang nagkakape si Nate upang magising ang diwa at mahintay pa ang kanyang roommate ay narinig niyang may kumatok sa pintuan. Nagtaka ito sapagkat batid nitong halos lahat ng guro at estudyante ay lumalabas tuwing gabi ng Sabado. Imposible ding si Henry ang nasa labas sapagkat kabisado nito ang passcode ng kanilang digital door-lock. Nang buksan ni Nate ang pintuan ay tuluyang sumubsob sa kanya ang lasing na lasing na si Henry. Sa laki ng katawan ni Henry, halos mapaupo si Nate sa pagsalo sa nanlalambot nitong katawan. Nilayo ni Nate ang kanyang mukha habang sinisikap nitong bitbitin ang kasama dahil amoy alak ito.
Nang naihiga na nya ito sa kama ay kumuha ito ng bimpong pamunas para tanggalin ang init ng kanyang katawan. Kahit walang lakas si Henry ay pilit pa rin nitong tinatanggal ang kanyang denim jacket at black t-shirt para maging komportable. Napausog ng kaunti papalayo kay Henry ang guro dahil hindi nito alam ang gagawin. Pareho silang lalaki.
Ngunit naawa si Nate kay Henry sa puntong iyon dahil kahit anong pilit niyang tanggalin ang kanyang t-shirt ay hindi niya ito magawa sapagkat wala itong lakas. Pinikit ni Nate ang kanyang mga mata at kumunot ang noo.
“Tsk…Bahala na.” Pabulong nitong sabi sa kanyang sarili.
Iniangat ng konti ni Nate ang katawan ni Henry at tinanggal ang kanyang pantaas na saplot. Tumambad sa kanya ang maskulado at napakakinis na balat ng manager. Pulang-pula ang dibdib at pisngi nito dahil sa sobrang kalasingan. Sinikap nitong ibaling ang tingin sa sahig para maiwasang masulyapan ang napakagandang hulma ng katawan ng kanyang roommate. Pagkatapos nitong matanggal ang kanyang pang-ibabaw na suot ay napansin din niyang nakasuot pa ang sapatos at pantalon ni Henry habang habol-hiningang nakahiga sa kama.
Napatayo si Nate sa tulugan nito at pumaroo’t parito sa paglalakad ng mabilis.
“No way in hell I’m helping you with that.” Mahinang boses nitong sabi habang dinuduro ang tulog na roommate.
Bumalik sa study table si Nate at pinagpatuloy ang pag-inom ng kanyang kape. Ilang minuto din siyang nakatulala ng bigla siyang paimpit na sumigaw.
“F*ck!”
Tumungo si Nate sa cabinet ni Henry at nagkalkal ng mga damit. Humablot siya ng shorts at manipis na polong pantulog para sa kanyang kaibigan. Binalikan niya si Henry sa higaan at tinanggal ang kanyang mga sapatos at medyas. Nang matuon ang kanyang paningin sa zipper ni Henry ay bigla itong nag-alinlangan. Pinikit niya ang isa niyang mata at tumingin sa bintana habang sinusubukang buksan ang butones at zipper ng kanyang pantalon.
Nanuyo ang kanyang lalamunan ng masilayan niya ang kabuuang hubad na perperktong katawan ni Henry na naiilawan ng tanglaw ng bilog na buwan mula sa nakabukas nilang bintana.
Sa malamlam na liwanag na ito ay kitang-kita niya ang mapinong tubo ng mga pambabang buhok na nakapaligid sa kanyang sandata—ang alaga niyang naninigas at umaabot hanggang pusod. Tila isang larawang ipininta ang kanyang roommate habang nakahiga ito. Nakataas ang kanyang mga bato-batong braso, na biniyayaan ng napakagandang hugis na mga dibdib at mahabang espadang nakatingala sa pagitan ng kanyang malalapad na mga hita.
---
Pinagningas ng masidhing bakas ng ala-alang ito ang kalibugang bumabalot sa katawan ni Nate habang niyayakap siya ng maligamgam na tubig mula sa shower. Kusang gumapang ang kanyang kanang kamay mula sa kanyang mga u***g hanggang sa kanyang tayung-tayong p*********i na naglalabas ng hindi mapigilang likido sa darang. Nilatag nito ang kanyang kamay sa kanyang matigas na ari at hinagod mula taas hanggang ibaba. Napasinghap ito sa sarap at akmang itutuloy na ang kanyang pagpapalabas ng init nang biglang umusad ang mga ala-ala sa kanyang isipan hinggil sa susunod na nangyari noong gabing iyon.
---
Bagamat binuhay ng hubad na katawan ni Henry ang nagkukubli niyang pagnanasa, nanaig pa rin ang kanyang pusong niyakap ng pagsuyo nang mapagmasdan niya ang napakaamong mukha ng kanyang kaibigan habang natutulog. Ang mga mala-guhit nitong mga mata na nakapikit, matangos na ilong at bahagyang nakabukas na matambok na labi ay nag-udyok sa kanya na hawakan ang pisngi ni Henry. Pinigilan niya ang kanyang sarili at sa halip ay ipinahid niyang muli ang basang bimpo sa kanyang noo. Biglang hinawakan ni Henry ang kanyang kamay at ipinatong sa kanyang pisngi na para bang naghahanap ng mainit na palad. Unti-unting umaliwalas ang mukha ni Henry na tila ba nakaramdam ng kapanatagan pagkatapos nitong maramdaman ang mainit na kamay ni Nate.
Napangiti si Nate sa ginawa nito at hinayaan siyang gawin iyon ng ilang minuto. Pagkatapos ay tumayo na siya para bihisan at kumutan ang kanyang matalik na kaibigan.
---
Napaluhod si Nate sa sahig ng shower room sa maling tinakbo ng kanyang isipan. Bagamat pilit na itinatakwil ng kanyang utak ang pagiging espesyal ng pagsasamahan nila, batid nitong higit pa sa makamundong pagnanasa ang pagtingin nito kay Henry. Nagsisi ito sa kanyang ginawa dahil una, lalaki siya. Pangalawa, nakababatang kapatid ang turing nito sa kanya. At pangatlo, nangangamba siyang baka mawala ito sa tabi niya kapag nabigo itong mapigilan ang sarili.
Litong-lito si Nate sa kanyang nararamdaman kaya minabuti niyang lumabas na lamang ng shower room at magbihis. Napagdesisyunan nitong lumabas sa harapan ng eskwelahan upang maglakad-lakad at magpahangin ng mahimasmasan. Pagsara niya sa pintuan ng unit nila ay nabigla ito sa kanyang nakita sa kanyang tabi.
“Late-night snack?”
Nakangiting sabi ni Henry sa kanya habang iwinawagayway sa mukha ni Nate ang plastic bag na naglalaman ng Pringles at dalawang Pocari Sweat bottled water.