Kabanata X: Sheena

1055 Words

Sinilip-silip ni Nate ang kinaroonan ng kanyang dalawang kaibigan pagkatapos ng teaching sessions ng lahat ng mga guro. Nagtungo ito sa mini café at bumili ng kape dahil sa lamig na dulot ng pagbaba ng hamog sa kanilang campus. Nang makita niya ang kamay ni Reden na kumakaway sa dulo ng espasyo ng kapehan ay kaagad na tumungo ito dito. Nadatnan niya si Sheena na naka-de-kuwatro ang pag-upo at nakahalukipkip ang mga kamay sa kanyang harapan. Sumenyas si Reden kay Nate na parang nagtatanong kung ano ang naging problema. Nagkibit-balikat si Nate at tumabi kay Sheena. Inalok niya ito ng kape ngunit saglit lamang niya itong sinulyapan at muling tumingin sa malayo. Huminga ng malalim si Sheena at nagtanong kay Nate. “Gaano kayo ka-close ni Henry, kabsat (‘kapatid’ sa salitang Ilokano)? Tumingi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD