Pagkatapos ng hindi inaasahang pagtatagpo nina Nate and Caleb sa mini cafe ay tuluyan ng nawala ang alinlangan nila sa isa't isa. Sa ilang linggong kanilang pinagsaluhan sa klase ay masasabing malaya na silang nakakapagbiruan kasama ng iba pang mga estudyante sa kanilang asignatura. Akala ni Nate ay lubos na mababaon na sa limot ang nakaw na sandali nila ni Caleb hanggang sa muli silang pagtagpuin ng tadhana. Sampung minuto bago magsimula ang 2nd morning class ni Nate ay mabilis nitong tinungo ang balcony para makapagyosi. Habang paroon ito ay kinalkal niya ang kanyang lighter sa bag. Nang mahugot nito ang lighter ay kaagad niyang isinubo ang isang stick ng Marlboro Lights. Akmang sisindihan na niya ito nang maaninag niyang may ibang taong nakatayo sa kanyang paboritong tambayan. Dahan-

