Kabanata IV: Char Glass

1996 Words
Pagpatak ng alas-onse ng umaga ay tinakbo ni Caleb ang kabilang building kung saan matatagpuan ang bulletin board na naglalaman ng schedule ng lahat ng mga guro at estudyante. Hindi nito inalintana ang mamasa-masang sementong nag-uugnay sa dalawang gusali at ang daang sinukuban ng makapal na hamog sa pagnanais na malaman ang kinaroroonan ni Nate. Hindi nito mawari kung saan nanggagaling ang kanyang masidhing pagnanasang masilayang muli ng malapitan ang kanyang guro ngunit natitiyak nitong ang pagbigay ng personal sa kanyang salamin ay isang pagkakataong hindi niya dapat palampasin. Nang makita nito ang classroom number ng kanyang guro ay dumiretso ito sa hagdanan upang akyatin ang 6th floor. Tinakbo ni Caleb ang malalapad na baitang ng hagdan at ilang iglap lamang ay narating nito ang naturang palapag. Doo’y nakita niya si Nate na patungo na sa kanyang susunod na klase. Huminay ang agos ng oras ng mapagmasdan niya ang likuran nito na naglalakad sa gitna ng mga humahawing mga estudyante. Tanging paghanga ang naramdaman nito sa nasaksihan niyang mapino ngunit matikas na paglalakad ni Nate. Hiningal siya sa pagod mula sa pagtakbo at napahawak sa railings ng hagdan ng biglang bumukas ang elevator sa tabi nito. Bumungad sa kanya ang matipuno at matangkad na lalaki na nakasuot ng charcoal gray na coat at royal blue na denim pants. Sabay silang lumingon sa isa’t isa at nagkatitigan. Si Student Manager Henry. --- Nag-uunahang inip at pananabik ang nararamdaman ni Henry habang tinititigan ang unti-unting pagbaba ng floor number sa elevator. Hindi mapakaling tinatapik-tapik ng sapatos nito ang sahig na tila nakakatulong itong mapabilis ang galaw ng elevator. “604…604…” ang naglalarong numero sa isip nito. Nang bumukas ang elevator ay kaagad niyang nakita si Nate papunta sa kanyang classroom. Humakbang ito palabas ng elevator at napansin niyang may isang lalaking nakatitig din sa guro. Ibinaling niya ang kanyang paningin sa lalaking ito at sila’y nagkatinginan. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin kina Nate at sa estudyante at biglang nakaramdam ito ng bahagyang paninikip ng dibdib. Bago pa ito makapag-isip kung ano ang susunod na gagawin ay nadiktahan na ng pagkabalisa ang galaw ng kanyang bibig at nasambit ang pangalan ni Nate. “Teacher Nate!” Malakas na tawag nito sa kanyang kaibigan ng may bakas ng pagmamadali. Lumingon si Nate at nakita ang roommate nito. Ngumiti ito at lumapit. --- Sinukuban ng pag-aalinglangan si Caleb sa kanyang nasaksihan. Sa kaibuturan nito, nais niyang siya ang naroon sa kinalalagyan ni Henry dahil sa kaligayahang kanyang naaaninag sa mukha ni Nate habang kausap ang Student Manager. Bahagya itong napaurong pababa ng hagdan ngunit nang siya ay tatalikod na ay nabigla sa presensya ni Teacher Sheena na nakatayo sa likod nito. “Good morning. If I am not mistaken, the owner of that ‘char’ glass is a teacher.” Nalito si Caleb sa sinabi ng guro. “…Char’ glass?” “Yes, ‘char’ glass. You know, ‘eme’ glass? Uhm… like a fake pair of eyeglasses. For aesthetic purposes only.” Natatawang sagot ni Teacher Sheena. “Ah… Yes, teacher. It’s Teacher Nate’s eyeglasses. I am about to give to him but… but…” “It’s okay, you can give it to me. I’ll just hand it over to him. He’s my friend.” Muntikan ng hindi mabitawan ni Caleb ang salamin dahil ito lang ang nag-iisang chansa niyang makausap ang kanyang guro ngunit nahiya itong tumanggi kay Teacher Sheena. Dahan-dahan nitong iniabot sa guro at yumuko bilang pasasalamat. Sinabayan ng malamlam na pagaspas ng malamig na hangin ang kanyang nararamdaman habang naglalakad ito pabalik sa kanyang building. Saglit itong umupo sa malaking bato sa pocket park na katabi ng kanilang gusali at tumingin sa langit. Itinaas niya ang kanyang mukha at nagsumikap na kumapkap ng kakarampot na haplos ng init ng araw na natatakpan sa makakapal na ulap. Nagbaka-sakali itong mapunan ng init ang kanyang nanlalamig na puso. Sinisigaw ng isip niya na kailangan niyang lubayan ang maling nararamdaman dahil hindi katanggap-tanggap ang magkaroon ng ganoong klase ng pagsinta sa kapwa lalaki. Ngunit sadyang kay ganda ng klima ng araw na iyon at hindi ito nakatulong sa pagbaon nito sa sumisidhi niyang damdamin. Umiling-iling ito at tumayo ng mabilis sa pagkakaupo. Naglakad na lamang ito pabalik sa kanyang building at hinanap ang kanyang roommate upang makalimot. --- “What can you say about your new students, Teacher?” Tanong ni Henry kay Nate habang sila ay nakapila at mabagal na umuusad para sa free lunch ng kanilang eskwelahan. “They’re good. I mean, the management has given me two classes with high levels. So I am looking forward to a more interactive discussion with them… No clue about my students later. I have three classes in the afternoon but I heard they have another orientation with Student Manager Killian. So my afternoon is free today.” Sagot naman ni Nate ng mailapag nito ng maayos ang mangkok ng seaweed soup sa gilid ng buffet table para maka-sandok ng kanin. “… Were there any students that you think are interesting?” Usisa naman ni Henry. “I am not following you, hyoung nim. What do you mean?” Inalalayan ni Henry si Nate sa kanyang bitbit na tray ng pagkain habang inaayos ng guro ang kanilang mga upuan at mesang napili. “I mean… uhm. Were there any students that caught your attention? Like… e-hem… (namalat ang boses) Those who are intelligent… special…or attractive…?” Tinignan ni Nate si Henry ng may kakaibang paniningkit ng mata dahil hindi pa rin nito maintindihan ang sinasambit ng kasama. “Hyoung, I’m pretty sure I haven’t seen anyone as attractive as you for the past couple of years.” Pagbibiro ni Nate kay Henry. Nabilaukan si Henry sa hinihigop niyang sabaw dahil sa bugso ng nabitawang mga salita ni Nate. Napatayo ito at natamaan ang mesa na lumikha ng malakas na tunog. Itinukod ni Nate ang kanang kamay niyang may hawak na chopstick sa noo at yumuko para itago ang kanyang pagtawa. Pinagpag ni Henry ang kaunting basa sa kanyang pantalon at nilingon ang mga estudyanteng kumakain na nabigla rin sa kanyang ikinilos. Sinuklian niya ang mga matang nakatutok sa kanila ng kaunting tango at ngiti para humingi ng pasensya at bumalik sa kanyang pagkakaupo. “Don’t ever say that again.” Seryosong sabi ni Henry. “Aw, very cute. Look at you with your red face. I bet you liked hearing that.” Patawang tugon ni Nate. “Shut up.” Mabilis na sagot ni Henry habang tinatago ang kakaibang kilig na kanyang nararamdaman. --- “How was your class? Were your teachers good?” Tanong ni Luke sa roommate niyang si Caleb habang sila ay kumakain sa dining hall kasama ang dalawang kaklase ni Luke. “I didn’t know you have a handsome roommate,” sabi ng isang kaklase ni Luke. Iwinagayway ni Caleb ang dalawa niyang kamay at tumawa para itanggi ang tinuran ng isang estudyante. Pagkatapos ay sumubo ito ng egg roll at sinagot si Luke. “I have a nice and intelligent teacher in my first class. But my afternoon class will resume tomorrow. No new books available for us said Student Manager Killian.” “We have a cute teacher in our class. But when she entered the class, her hair was wet. I don’t understand Filipino culture.” Nakangising tugon ni Luke kay Caleb ng may halong timpla ng panunuya. “Anyway, I heard one teacher, very very handsome. There. Eating with Student Manager,” sabay turo sa kinaroroonan nina Nate at Henry ng isa pa nilang kasama. “I don’t understand your style.” Tugon naman ni Luke. “He’s just normal looking. And not tall.” Saglit na sinulyapan ni Caleb ang puwesto nina Nate at tumutok ulit sa kinakain dahil sa bahagyang kurot sa dibdib na kanyang naramdaman ng makita ang dalawa. Tinuloy ni Luke ang kanyang pagsasalita. “Filipinos are shorter than us and darker. I think only that teacher is a bit wh—” Blaaag! Napalingon ang apat sa mesa nina Nate at Henry. Tumigil ang mga sari-saring pag-uusap ng mga nakapaligid na mga estudyante at guro at tinignan ang mga ito. Napabuntung-hininga ng malalim si Caleb ng masulyapan nitong palihim na tumatawa at masaya si Nate dahil kay Henry. Bigla itong nawalan ng ganang kumain at binagsak ang steel chopstick sa kanyang school tray. Nagulat ang tatlo niyang kasama sa kanyang ginawa. “I am sorry. I have to go. I forgot something in the classroom.” Magalang na sagot ni Caleb sa kanyang mga kasama sa mesa at nagtuloy-tuloy sa kitchen section para ibigay ang kanyang tray. Lumabas ito sa school building at nag-unat-unat para ma-relax ang isipan. Naglakad ito patungo sa isang Korean-Filipino store at bumili ng Melona ice pop. Sumandal ito sa pader at hinayaang lumangoy sa kawalan ang kanyang isipan. Pagkatapos ng sampung minuto, naglakad-lakad ito ng mabagal upang ikutan ang paligid ng kanilang akademiya. --- Pagkatapos kumain ay nagpasya sina Nate at Henry na maghiwalay dahil kailangan ni Henry na tapusin ang kanyang mga gawain. Dumiretso naman si Nate sa gilid ng building at bumaba sa hagdan upang mapuntahan ang mini café ng eskwelahan na nakapuwesto sa gitna ng mga pine trees. “San Mig nga dyan, kuya.” Panunukso ni Nate sa nakatalikod na tao sa mini café. Humarap si Joel, ang tagabantay ng puwesto at ngumiti. “One San Mig, coming up!” Pagkatapos ay iniabot ni Joel kay Nate ang isang styro cup at isang sachet ng San Miguel Coffee. Sinabayan naman ito ng bayad ni Nate at nagtanong, “Kuya may tao sa dulo?” “Wala ading. Alam mo naman ‘pag ganitong oras, nasa klase ang mga bata.” “Ayos!” “Salamat, ‘ding!” Pinindot ni Nate ang ‘hot button’ sa water dispenser para punan ng mainit na tubig ang kape nito. Pagkatapos ay tumungo ito pababa ng paanan ng burol sa likod ng kanilang akademiya. Nakaramdam ng kapanatagan ng loob si Nate sa mga pine trees na kanyang nadadaanan at sa nakakapreskong samyo ng mga naglalakihang mga punong ito. Sa dulo ng burol ay may isang malapad na bangkong yari sa kahoy na nakaharap sa tanawing kinulayan ng kulay luntian mula sa malagong kumpol ng mga puno ng pine trees. Hinawakan nito ang backrest ng upuan at dumampot ng tissue sa kanyang bag upang punasan ang mamasa-masang tabla ng upuan mula sa hamog. Inilapag nito ang hawak niyang kape at itinaas ang dalawang kamay sa himpapawid para mag-unat. --- Sa pagmamasid ni Nate sa mga amenities ng kanilang paaralan ay biglang sumagi sa isip nito ang isang mini café na nakita niya sa kanilang school pamphlet. Inalala nito ang lokasyon at lumakad ng mabilis para marating ito. Akmang baba na siya sa hagdan papunta sa mini café nang maaninag niya ang pamilyar na likod ng isang lalaki doon. Napasinghap siya at napatigil sa paglalakad ng matiyak niya kung sino ang taong iyon—si Teacher Nate. Saglit siyang nag-alinlangan kung tutungo ito sa lugar, ngunit muli niyang naisip na pagkakataon na niya ito para makausap ang guro. Isinubo niya ang kanyang ice pop para matanggal ang pumapatak dito at sinundan ang daan patungo sa kanyang guro. --- Lumiyad ng konti si Caleb at hinawakan ang kanyang balakang para mag-unat at itinaas ang mga kamay sa langit. “Teacher Nate.” Nagulat si Nate ng marinig niya ang kanyang pangalan. Napabalikwas ito at tumama ang kanyang sapatos sa paanan ng bangko. Hindi nito naabot ang braso ng upuan at biglang nawalan ng balanse. Nakita ni Caleb ang unti-unti pagtumba ng kanyang guro kaya sinikap nitong abutin ang balikat ni Nate ngunit ang nahablot lang niya ay ang kuwelyo ng polo nito. Nang mahila nito ang kanyang guro ay sinapo ng kanyang kaliwang braso at palad ang likod ni Nate. Kinabig niya ito sa kanyang mga bisig at tuluyang nagdikit ang kanilang mga katawan. Namilog ang mga mata ni Nate sa mga pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD