Isinandal ni Nate ang kanyang likod sa semento upang maramdaman ang lamig. Pinaikot-ikot nito ang kanyang kanang hita at sapatos habang nagyoyosi—paraang kanyang alam upang mapanumbalik ang kapayapaan sa kanyang puso. Sumasabay ang hithit-buga ng yosi nito sa pintig ng kanyang dibdib. Hinahanapan niya ng rason kung bakit kakaiba ang kanyang nararamdaman ngunit mailap ang kasagutan. Ibinalik niya sa pagkakaayos ang kanyang salamin at dahan-dahang ipinikit ang mga mata upang hayaang dumaloy ang malamig na haplos ng hamog sa kanyang mga pisngi.
Tumingin siya sa paligid at nagpasalamat dahil gaya ng dati, siya lang ang taong nagyoyosi sa isa sa mga paboritong taguan nito sa 5th floor ng kanilang gusali—ang balkonahe na nakaharap sa araw. Dalawa ang balkonahe ng bawat palapag ng kanilang building ngunit mas binibisita ng mga teachers ang kabilang balkonahe tuwing break time para magpahinga, magyosi or kaya naman ay makipagkulitan sa kapwa mga guro. Malamig doon at hindi nasisinagan ng araw. Pero para kay Nate, ang tahimik na balkonaheng ito ang nakakapag-ibsan ng kanyang kalungkutan. Nakakalimutan niya ang masalimuot na daloy ng buhay kapag nakikita nito ang mala-tanawin na ayos ng mga bahay sa paanan ng bundok. Para itong mga tiklado ng piano na naglalabas ng iba’t ibang kulay kapag tinatamaan ng sikat ng araw.
Huminga siya ng malalim at muling lumatag sa kanyang isipan ang mukha ni Caleb. Hindi nito mawari kung bakit sa tuwing masisilayan nito ang mga mata ng estudyante ay parang hinihila ito papalapit sa kanya at nakakaramdam ito ng kakaibang init sa kanyang mga kalamnan. Lumapit ito sa grills ang balkonahe at pinisil ang stainless na hawakan ng mahigpit.
“Get a grip, Nathaniel.” Bulong nito sa kanyang sarili.
Nang naubos ang upos ng kanyang yosi ay tumalikod ito sa balkonahe at tumungo sa public toilet upang mag-toothbrush bago pumasok sa klase ni Caleb.
---
Kinakagat-kagat niya ang bukong-bukong sa dulo ng kanyang hinlalaki habang may pag-aalinlangan siyang gumawi sa kanyang klase. Hindi nito nakikilala ang kanyang bagong sarili na dati’y punung-puno ng kumpyansa sa bawat galaw at salitang kanyang binibitawan. Tumigil siya sa paglalakad at tinignang muli ang kanyang relo. Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa pag-aalalang limang minuto na lamang at tutunog na ang bell ng eskewalahan.
“Why, why, why, why, why, why…..” Paulit-ulit na sambit ni Nate.
“Why may laway ka sa baba at bula sa pisngi?” Malakas na boses na tugon naman ng isang babae sa likod nito.
Hinarapan ito ni Nate at nakita niya ang kanyang dalawang matalik na kaibigan na mga guro—sina Teachers Reden at Sheena na natatawa sa kanilang nakita.
Pinahid ni Nate ang pisngi nito sa kanyang pulsuhan para matanggal ang bula. Sa pagkabalisa nito ay hindi na niya namalayan na hindi niya ito natanggal noong nagtoothbrush siya. Inakbayan siya ni Reden at inalok ang kapeng nasa styro cup na kanyang dala-dala. Agad namang humigop si Nate dito at bahagyang kumalma. Hinagkan ni Sheena ang kanang braso ni Nate at tinanong kung anong nangyari. Sinabi ni Nate na bigla siyang kinabahan sa unang klase niya.
“Ukis ti saba (expression ng mga Ilokano), Nate. Dalawang taon ka ng nagtuturo. Student Manager nga dumaan na sa palad mo. Ngayon ka pa ba kakabahan?”
Tumawa ang dalawang lalaki. Paborito niya si Teacher Sheena dahil kabisado nito kung papaano siya mapakalma. Muli silang naglakad patungo sa hallway habang inaayos-ayos ni Sheena ang lukot na kuwelyo ni Nate.
“Kalma lang, ading (‘nakababatang kapatid’ sa salitang Ilokano). Tignan mo, nawawala ang kagwapuhan mo. Bagay na bagay pa man din tong sky blue mo na polo sa kutis mo. Sa susunod mag-sando ka ha. Bakat ang mga u***g mo. Pa-fall ka na naman sa mga estudyante.”
Nilukot ni Nate ang kanyang mga balikat at isinara ang pangalawang butones ng kanyang polo. Tumawa silang lahat sa sinabi ni Sheena.
Tinahak ni Nate ang daan patungo sa kanyang klase ng kalmado. Habang hinihintay naman ng mga estudyante si Nate ay nag-usap-usap sila hinggil sa kanilang mga magiging guro.
“I heard from the old students that our teacher in this class is very good. Both in teaching and looks,” sabi ni Pearl kina Stella at Rinsey.
“O jin-jja (‘talaga’ sa salitang Korean)? The teacher in the bus terminal? Uhh, very lucky!” nasasabik na sambit naman ni Rinsey habang hinahaplos ng dalawang palad nito ang kanyang mga pisngi.
“Omo omo! He’s here!” sabi naman ni Stella.
Napanganga ang tatlong babaeng estudyante ni Nate ng makita nila itong papalapit sa pintuan. Dumaan si Nate sa glass window at nakita nila ang gilid ng mukha ni Nate. Tinamaan ng sinag ng araw mula sa nakabukas na bintana ng koridor ang kanyang maamong mukha na mas nagpatingkad sa mamula-mula niyang pisngi at matangos na ilong. Binuksan niya ang glass door at nakita niya ang kanyang apat na estudyante na nakatulala sa kanya, pero ang isa ay nakayuko at nagbabasa.
“O jin-ja jal-saeng gyeosseo ('Oh, very handsome' sa salitang Korean)." Mabagal na sabi ni Seven, isa sa dalawang lalaking estudyante ni Nate.
Nang marinig ni Caleb ang katabi ay dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mga mata upang tignan ang tinutukoy nito. Dumaan si Caleb sa kanyang harapan patungo sa glass board. Tinitigan niya ang kanyang guro at namilog ang mga mata nito sa mapinong tubo ng patilya nito pababa malapit sa kanyang baba. Nakita niya ang mabagal na paggalaw ng kanyang Adam’s apple at naglakbay ang kanyang paningin hanggang sa mga bibilunging n*****s ng kanyang guro na nakabakat sa polong suot nito. Napalunok si Caleb at tiniklop ang kanyang mga palad upang mapigilan ang pagnanasang mahawakan nito ang mukha ni Nate.
Nang marating ni Nate ang glass board ay tumayo ang limang estudyante at yumuko para i-greet ang kanilang bagong guro.
“You may sit down, everyone. I am Teacher Nathaniel. You can call me Nate and I will be your Conversational English mentor for this term.”
Nginitian ni Nate ang kanyang mga estudyante at nagpatuloy na nagsalita. “I wanna know many things about my students before we formally start our class. How about we begin the introduction from you?” Sabay iminuwestra ang kanyang palad kay Seven na nakaupo malapit sa pintuan.
Mabilis na tumugon si Seven at tumayo.
“Teacher, it is nice to meet you. I am Park Jong-min. My English name is Seven. I am 26 years old and a graduating student of Busan Institute of Science and Technology. Before studying here, I spent six months in Australia working as a…”
Nang marinig ni Nate ang bansang Australia ay biglang nawala ang atensyon nito sa sinasabi ni Seven. Tinignan niya ang School ID ni Seven at nakita niyang Level 6 ang classification nito. Advance English ang grado ng kanyang mga estudyante kaya mabilis siyang nag-isip kung ano ang magiging istilo nito sa pagtuturo para maging mas interesante ang kanyang klase. Habang abalang gumagawa ng outline of activities sa isip si Nate ay hindi niya namalayan na umikot na pala ang pagpapakilala sa iba pang mga estudyante.
Hindi naman makapag-focus si Caleb sa mga sinasabi ng kanyang mga kaklase dahil hindi niya matanggal ang tingin nito sa maamong mukha ng kanyang guro ng makita na niya ito ng malapitan. Dumagdag din ang kanyang pagnanais na sulyapan ng mabilis ang pumupukaw sa peripheral vision nito na para bang nakaumbok na bagay sa pantalon ng kanyang guro. Nakatayo si Nate sa harapan at nagkataong nakaupo ito malapit sa kanya kaya kitang-kita nito ng malapitan ang features ng kanyang mentor.
Bumalik sa reyalidad si Caleb nang sikuhin ito ni Seven para sabihing pagkakataon na niyang magpakilala. Tumingin ito sa kanyang teacher at nagsalita habang nakaupo.
“My name is Kim Gyo-hyun but you can call me Caleb. I am taking up Chinese Language and Literature at Seoul National University…”
Pinutol ni Caleb ang kanyang pagsasalita nang mapansin niyang nakatingin pa rin sa ID ni Seven ang kanyang guro at hindi nakikinig. Hinawakan niya ang nakapatong na kamao ni Nate sa mesa para makuha nito ang kanyang atensyon.
Tinakpan ng dalawang palad ni Rinsey ang kanyang mukha dahil sa magkahalong hiya at kilig sa kanyang nakita.
“Otto ke (‘paano na’to’ sa salitang Korean) … two handsome men holding hands…” sabi ni Stella sabay hawak sa kamay ni Pearl at tumingin naman sa malayo si Seven at tila natatawa at nandidiri sa nakita.
Sabay na tinignan nina Nate at Caleb ang naging reaksyon ng ibang estudyante at nagkatinginan pagkatapos. Nang maramdaman ni Nate ang kuryenteng dumaloy sa kanyang kalamnan mula na malambot na palad ni Caleb na nakapatong sa kanyang kamao ay bigla niya itong binawi. Uminit ang kanyang pisngi at tuluyan itong namula sa init.
Nakita ito ng kanyang mga estudyante at nasabi ni Pearl, “Jin jja gwiyo wo… (“really cute” sa salitang Korean).
Bumalik sa katinuan si Nate at napalunok.
“Class, I know you are all new students. But you have to remember that English is the only allowed language to be used within the vicinity of the campus. I apologize Caleb, but could you repeat what you have said?”
Saglit na tinitigan ni Caleb si Nate.
“I said that I am studying at Seoul National University…”
“Oh…”
“Teacher, that is the top school in South Korea.” Ani ni Stella.
“I know. Wow. You are a bright student, Caleb.” Tugon naman ni Nate.
Tumikom ng maliit ang bibig ni Caleb na para bang hindi kumbinsido sa sinabi ng kanyang guro. Ibinalik nito ang tanong kay Nate.
“How about you, teacher? Where did you study?”
Mabilis na sinuyod ni Nate ang mga mukha ng kanyang estudyante at nakita niyang silang lahat ay interesadong malaman ito.
“I graduated at the University of the Philippines with a degree of…”
“Is that also the best school?” Mabilis na tugon ni Caleb.
Tumabang bigla ang pakiramdam ni Nate sa tinuran ni Caleb. Tila umakyat ang sikmura nito sa mayabang na dating ng pananalita nito. Itinuwid niya ang kanyang pagkakatayo at sinagot ang buong klase.
“It’s for you to find out. Let’s talk about the good qualities of your schools and the reasons why you chose your courses next meeting.”
“But teacher we still have six minut…” Tugon ni Seven.
“That would be all. Thank you.” Sabi naman ni Nate at naunang lumabas ng kuwarto sa inis.
“What a cool teacher. He’s so perfect,” sabi ni Pearl kay Stella.
“Favorite teacher, favorite class.” Sabi naman ni Rinsey sabay nakipag-apir kay Seven at isa-isang silang nagsilabasan sa klase.
Binalot si Caleb ng pagsisisi sa kanyang mga nabitawang salita. Kinagat-kagat nito ang kanyang labi sa naramdamang pagkabigong ipaliwanag ang nais niyang iparating. Ngunit dahil sa language barrier, hindi na niya naipaliwanag pa kung ano ang nais niyang sambitin. Nais niyang habulin si Nate at kausapin ngunit hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Gusto niyang sundan ang kanyang guro ngunit batid nitong naungusan na siya ng pagkakataon. Kaya naman tumayo na ito upang ayusin ang kanyang mga libro. Bago umalis, lumingon muli ito sa kaninang kinatatayuan ng kanyang guro, at napansing naiwan nito ang kanyang eyeglasses.