Kabanata II: Sulyap

1969 Words
“Pogi Nate get up! Wake up, sleepyhead! Pogi Nate get up! Wake up, sleepyhead…” Paulit-ulit na tumutunog ang alarm clock ng cellphone ni Henry na nakalagay sa study table malapit sa kama ni Nate. Kumunot ang noo ni Nate dahil sa pagkayamot sa maagang pang-aalaska ng kaibigan ngunit batid nitong kailangan na din niyang gumising dahil sa morning class nito. “Hyuuuung niiiiiim!!!!! (‘Kuya’ sa salitang Korean)” Sigaw ni Nate upang maiparating sa kanyang roommate ang kunwaring pagkainis niya sa kanyang kasama sa unit. Narinig ni Nate na may tumatawa sa banyo at ito ay napangiti. Dahan-dahang iniangat ni Nate ang kanyang katawan at kinusot-kusot ang mga mata. Binuksan ni Nate ang isa nyang mata upang makapag-adjust sa liwanag ng kuwarto at napansin niyang may nakahanda ng almusal at mainit na kape sa dalawang tasa na nakapatong sa mesang malapit sa kanilang TV set. Napangiti si Nate sa kanyang nakita kahit na sanay naman ito sa ganoong set-up nilang dalawa ni Henry. “Always thoughtful big bro…” Mahinang sambit ni Nate. --- Unang nagkakilala sina Henry at Nate dalawang taon ang nakalipas noong nag-uumpisa pa lamang sa akademya si Nate. Dahil part-timer si Nate noon dulot ng pagsasabay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho, binigyan muna siya ng pagkakataong makapagturo ng man-to-man classes. Sakto naman ay bagong dating din si Henry sa academy noong mga panahong iyon. Si Henry ay anak ng kaibigan ng may-ari ng Pines City International Academy. May kaya ang pamilya nito dahil hawak nila ang isa sa mga nangungunang manufacturing businesses ng skin care products sa South Korea. Sa kabila ng masaganang pamumuhay, iminulat ni Henry ang kanyang mga magulang na ang kanilang negosyo ay mas akma sa kanyang nakakatandang kapatid. Kaya naman pinahintulutan siya na pumunta ng Pilipinas ng kanyang mga magulang upang pag-aralan ang pamamalakad sa mga international schools dahil ito ang kanyang kinagigiliwang uri ng negosyo. Nag-enroll si Henry sa akademiya ng kaibigan ng kanyang ama upang masiguro ang kaligtasan nito pagdating sa bansa. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at pinagtagpo silang dalawa ni Nate. Si Nate ang unang naging guro ni Henry, samantalang ang kauna-unahang estudyante naman nito ay si Henry na naging kanyang matalik na kaibigan. Naging mahirap sa dalawa ang mga unang araw nila sa pag-aaral sapagkat pareho silang lalaki. Seryosong magturo si Nate sa kanya at siya naman ay asiwang magtanong tungkol sa mga personal na bagay ng kanyang guro sapagkat hindi nito kabisado ang kultura ng mga Pinoy at kung ano ang pag-uugali ng mga lalaking Filipino. Naputol lamang ang kanilang alinlangan sa isa’t isa ng may pagkakataong antok na antok si Henry sa klase at hindi niya napigilang bumagsak ang noo nito sa mesa habang nakatalikod si Nate na nagsusulat sa glass board. “Omo! (‘Oh, my!’ sa salitang Korean)” bulalas ni Henry at sabay na bumalikwas sa kanyang pagkaka-upo. Nagulat si Nate sa reaksyon ni Henry. Ilang saglit silang napatahimik at sabay tumawa sa nangyari. “Dimples! Teacher you have dimples!” Natutuwang sabi ni Henry habang tinuturo nito ang mga biloy ni Nate. Nakaramdam ng hiya si Nate at bigla nitong sinara ang bibig at yumuko. “Don’t hide them, teacher. Those are your attractive qualities!” Sabi naman ni Henry para tuluyan na nyang mabasag ang pagkailang nila sa isa’t isa. Sinubukang malumanay sa sayawin ni Nate si Henry at pinaalalahanang ipagpatuloy ang kanilang pinag-aaralan ngunit sadyang nakakahawa ang ngiti ng kanyang estudyante dahil sa napakaganda at pantay-pantay na ayos ng ngipin nito. “Teacher, can we please stop the grammar lessons and let’s just talk about anything under the sun?” “We can’t, Henry. We have a course outline to follow.” “Teacher, I know you know that I no longer need those lessons. I came here to the Philippines with another purpose. And I need someone to talk to because I really feel lonely here.” “We are talking right now” Umirap ng bahagya si Henry. “I mean I need a real convo. A real friend.” “But I am your teacher.” “I am older than you.” “I am still your teacher.” “In Korea, I am your older brother. Your hyung nim.” “But you are in the Philippines.” “And you are working in a Korean academy.” Napatigil si Nate at hindi agad nakasagot. Muli silang natawa at tuluyan ng umupo si Nate sa harap ni Henry. Naging seryoso ang pakiusap ni Nate sa kanya. “Henry. As much as I want to be your friend, I can’t. I am studying and working at the same time. I can’t afford to break the policies and lose this job because I am the only one who can support myself to graduate.” Napabuntung-hininga si Henry sa naturan ni Nate. Batid ni Henry ang personal na pinagdadaanan ng kanyang guro sapagkat bago pa ito mag-enroll sa klase, napagkasunduan ng mga magulang niya at ng may-ari ng akademiya na magtatrabaho din siya doon bilang Student Manager pagkatapos ng tatlong buwan, kaya naman ginawaran siya ng access sa mga personal profile and recorded interviews ng lahat ng mga nagtatrabaho sa akademiya upang lubusan niyang makilala ang mga titser at estudyante. Tumahimik sandali Henry at pinagdikit ang kanyang mga kamao. Tinignan niya ng tuwiran si Nate at muling nagsalita. “How about this? I told the Administrator that I needed a personal tutor who could stay in my room starting next week, and he agreed because as you know, the owner of this academy is our family friend. How about you stay with me and in return, you can tutor me at night when needed? This way you’ll no longer need to stay out and rent a dorm room. You can stay here. Free of charge.” Napakagat sa labi si Nate sa napakabuti at napakagandang alok ni Henry sa kanya. Ngunit daglian din siyang umiling at sumagot. “Thank you… so much, Henry. But that’s too much…” Tinitigan ni Henry si Nate na parang nakikiusap. Lumalaban ang nosyong maging propesyonal si Nate ngunit hindi niya mapigilan ang puso nitong tanggapin ang kanyang alok dahil sa sinseridad at nakabibighaning singkit na mga mata ni Henry. “Teacher, there are so many stay-in teachers here who choose to stay with Korean students. Please accept the offer and help me…” “…Okay. But please, please make sure that this will not become an issue in my employment. Please.” “I promise I will take care of that. Don’t worry.” Napabutung-hininga si Nate. “How can I thank you?” “Start by calling me hyung nim.” Nakangising tugon ni Henry. “Alright. Can we proceed to the lesson now… hyoung nim?” Humagikgik ng tahimik si Henry at sabay na pinagkrus ang kanyang maskuladong mga braso sa kanyang harapan at pagkatapos ay itinuro niya sa guro ang glass board bilang hudyat na maaari na silang magpatuloy. --- “Get out there, hyung nim! It’s already 7:20 in the morning! I also need to take a shower!” “Comiiing!” Humigop ng kape si Nate sa isa sa mga tasang inihanda ni Henry at nagpasalamat ito sa kanya sa kanyang isipan dahil sa loob ng dalawang taon nilang mag-roommate, walang mintis ang kanyang pagpa-prepara ng almusal para sa kanilang dalawa. Ilang beses din niyang sinubukang maunang gumising at maghanda ng makakainan ngunit laging nauunanahan siya ni Henry dahil maagang nagjo-jogging ang roommate nito. Bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas ang steam sa loob nito dulot siguro ng hot shower at init ng katawan ni Henry pagkatapos maligo. Bumagal ang oras at nasaksihan ni Nate ang dahan-dahang paglitaw mula sa usok ni Henry habang kinukuskos nito ang likod ng kanyang buhok. Unti-unting binaba ni Nate ang kanyang kape at kahit araw-araw na nito itong nasasaksihan, paghanga ang tanging nararamdaman nito sa mga malalaking dibdib ni Henry at sa maliliit ngunit malalagong buhok nito sa kili-kili. Walang abs si Henry pero ang kaunting buhok na tumubo na kitang-kita sa maputi niyang balat mula sa kanyang pusod patungo sa kanyang malaking kargada na tila nakatayo ng patagilid sa loob ng kanyang boxer brief ay tunay na kapansin-pansin. Inilipat ni Nate ang kanyang tingin sa bintana at nagsabing, “Thank you for the meal but we have to eat now. And please, don’t go out like that. Our windows are open!” Sabay turo sa bintana. “What? This? Who cares about the window? Our room is on the 8th floor.” Panunukso ni Henry kay Nate habang sumasayaw ito sa tuwalyang inipit niya sa pagitan ng kanyang malulusog na hita. “Stop it!” “Why? I know you like seeing this.” Natatawang sabi ni Henry kay Nate. Nakabukas ang bibig ni Nate na natatawa sa akto ng kanyang kaibigan dahil talaga namang kapansin-pansin ang haba ng kanyang sandata na tumatalon-talon habang ito ay sumasayaw. “And wh… why do you always have that… that… morning flagpole every day??? Pervert.” “Of course, I am a man. It’s a man thing. I’ve seen yours, too. Don’t worry.” Hagikgik na tugon ni Henry kay Nate. Tumayo si Nate at itinulak ang kanyang kaibigan papunta sa mesa. “Come on, let’s eat. We start working at nine. Don’t waste time.” “Alright, alright.” Tugon naman ni Nate at itinaas ang kanyang dalawang palad, sensyales na siya’y titigil na. --- Sabay na bumaba sa building sina Nate at Henry at naghiwalay sa koridor dahil tutungo si Nate sa mga classrooms at si Henry naman ay sa Office of the Administrator. Habang nilalakad ni Nate ang hallway patungo sa kanyang classroom ay naaninag niya ang kumpol ng mga estudyante at mga teacher na pasikretong sumisilip sa loob ng kanyang klase. Tinignan nito ang suot na relo at nalamang 8:40 pa lang ng umaga. Ang morning class niya ay mag-uumpisa pa lamang ng alas-nuwebe, bagay na pinagtataka niya kung may tao na ba ng ganoong kaaga sa kanyang classroom o kung ano ang nangyayari sa loob nito. Nang malapit na si Nate sa mga tao ay narinig niya ang ilang mga guro na nagsasabing, “Ay beh! Siya na talaga! Jusko, ang yummy!” Hinawakan niya ang balikat ng isa sa mga kilala niyang guro doon at nagulat sila sa kanyang presenya. “Ay Teach, emeged puwede ba tayong magpalit ng class? Sige na. Kasi hindi na si Student Manager Henry ang flavor of the year. Siya na.” Itinuro niya yung estudyante sa loob ng kanyang classroom. Sinuklian naman niya ng ngiti ang biro ng guro at tinignan kung sino ang kanilang tinututukoy. Nakita niya ang isang estudyante na isa-isang nilalabas ang mga libro sa kanyang leather cross bag. Tinitigan niya ito at napansin ang kakaibang ayos ng kanyang buhok kumpara sa unang pagkakataon niya itong makita. Nakataas na ang ayos ng kanyang buhok at nakasuot na ito ng pair of eye glasses. Kitang-kita niya ang mga nangungusap nitong mga mata na tumatagos sa kanyang suot na eye glasses na nakapatong sa matangos nitong ilong. Unti-unting naging slow motion ang mga galaw nito mula sa kagyat na pagsubo nito sa kanyang hinlalaki upang basain ng laway na dumaan sa kanyang mga labing kulay rosas, pababa sa kanyang mga dibdib na bahagyang nakabakat sa royal blue na V-neck t-shirt nito. Pagkatapos ay ginamit niya ang basang hinlalaki upang buksan ang mga pahina sa libro ngunit biglang nakaagaw sa pansin ni Nate ang tila nakabakat na sandata nito sa kanyang gray-colored jogging pants na bahagyang nakapatong sa mesa malapit sa libro sapagkat siya ay nakatayo. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Nate at naramdaman ang init na gumapang mula sa kanyang paa patungo sa kanyang lalamunan. “That’s… Caleb…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD