Ipinatong ni Nate ang kaliwang siko nito sa malaking bato na kanilang sinasandalan at bumuntung- hininga. Matipid ang mga sagot ni Caleb na lalong nag-udyok kay Nate na pahabain pa ang kanilang usapan upang malaman kung may nais pa itong ipahiwatig sa kanya. “So… Maybe you are attracted to one of the teachers. Come on! Tell me. I’m good at keeping secrets.” Pangungumbinsi ni Nate sa kanyang estudyante. Yumuko si Caleb at napatigil bigla si Nate sa pagtatanong at biglang nakapag-isip. “Wait… Are you taken?” “I…” Mabilis na pinutol ni Caleb ang kanyang sagot at napakagat sa labi. Napalunok ito at muling tumitig kay Nate. “No, Teacher. I am single…” Naramdaman ni Nate na tila may itinatago ang kanyang estudyante ngunit hindi nito mawari kung ano ito. Iginilid niya ang kanyang mukha hab

