Napalingon si Nate kay Henry sa binanggit na nakaambang na plano ni Reden. Nagpalitan sila ng tingin at lalong naging interesado sa punto ng guro. “What plan?” Tanong ni Nate. “I was wondering… If we can hang out on Friday. You know, group date?” Sabi ni Reden. Biglang nasamid si Henry sa sinabi ni Reden. Napaubo ito, uminom ng tubig at nagsalita kahit nahihirapan. “Date??? You mean you (sabay turo kina Reden at Sheena) and… (sabay tingin kay Nate)…” “Man, what are you thinking? It’s a group date. In the Philippines, it’s like essentially a casual hangout with friends.” Pagpapaliwanag naman ni Nate kay Henry. Pulang-pula ang pisngi ni Henry sa magkahalong hiya dulot ng kanyang malisyosong pag-iisip at pagkasamid. Palihim na natawa si Reden at yumuko samantalang si Sheena naman ay tum

