(Dylan's POV)
Hi! Ako nga pala si Dylan Garcia, isa sa mga kasamahan ni Xiv sa g**g at ako din yung tinawagan nya kanina. Ano kayang meron at tumatawag sakin si Xiv? Siguro babae na naman ang problema nung isang yun. Lagi kasing sakin lumalapit to kapag may problema sa babae eh.
"Xiv, napatawag ka? Anong meron?" tanong ko sa kanya
"Kailangan kita! May iuutos ako sayo, importante toh! Pumunta ka na ngayon dito sa bahay!" sabi nya sabay baba ng telepono
Oh diba bastusan lang? Binabaan agad ako ng phone, di parin talaga nagbabago toh eh! Agad-agad akong nagbihis at nag ayos para pumunta sa kanila
"Oh ano na naman ang problem mo?" bungad na tanong ko sa kanya
"Pwede hinay-hinay lang? Masyado kang excited eh!" inis na sabi ni Xiv
"Okay, so ano ba talaga ang problem? Babae na naman ba?"
"Oo babae nga!" sabay pokerface nya
"Oh anong nangyari?" natatawa kong tanong
"Natalo nya ko"
"Huh? Natalo san?"
"Sa laban namin, tinalo ako ng isang babae. Isang babae lang talaga! How idiot!" inis na singhal nya
"Haha, talaga? Anong klaseng laban?"
"Suntukan, gyerahan, sapakan. Yung ganong laban"
"Natalo ka? Si Xedrell Ian Vincent Castro? Natalo ng isang babae lang sa isang dwelo? Walang halong biro?" natatawa-tawa kong sabi sa kanya
"Nang-aasar ka ba talaga?" sabay tingin nya sakin
"Di ah! Nagtatanong lang naman"
"Sinabi ko na diba? Kailangan ulit-ulitin? Masyado ka naman yatang unli"
"Tss, oh ano nangyari?" tanong ko ulit
"Ayun nga! Natalo nga ako sa dwelo namin, tapos mukha akong dalmatian dahil sa black eye ko na gawa ng Gab na yun!" pasigaw nyang sabi
"Anong gusto mong gawin ko?"
Manmanan mo siya, manmanan mo sila! Sila ng mga kaibigan nya dahil hindi pa ako tapos sa kanila! Kailangan nilang pagbayaran ang mga ginawa nila sakin, este ginawa ni Gab!" sabay evil laugh
"Kala ko ba yung Gab lang ang may kasalanan sayo? Bakit pati ang mga kaibigan nya idadamay mo pa?"
"Kasama na din sila dahil kaibigan nila yung Gab na yun. Malas lang talaga nila dahil nadamay pa sila dahil kay Gab" sabay tawa nya na naman .
Sabihin nyo nga sakin, ano ba talaga ang problema ng isang toh? Baka naman may sayad na toh! Nako, malala na yata toh! Tss, mahirap toh XD
"Xiv, sigurado ka ba?" paninigurado ko
"Oo naman, kailangan kong magantihan ang babaeng yun. So, ano na ang plano?" nakangiti nyang tanong with matching taas baba ng kilay nya.
"Ganito ang plano .. Aalamin ko muna ang lahat sa kanila, para naman may alam ka sa background nila. Malay mo mga dati pala yung lalaki tapos nagpasex change lang para maging babae. Hahahaha" pang aasar ko sa kanya
"Seriously, Dylan. Ano nga ang gagawin?" seryosong tanong nya. Hmm, mukhang malala tong pinasok nito ah!
"Yun nga! Aalamin muna natin ang mga background nila"
"Tapos?"
"Tapos? Hmm, di ko pa alam! Hehe, basta sasabihin ko naman sayo eh! Hintayin mo muna ang resulta ng imbestigasyon ko" suwestiyon ko
"Sige aabangan ko yan, maghintay sila sa paghihiganti ni Xiv! Ang leader ng gangster!"
Baliw na nga yata toh si Xiv. Pero parang nacu-curious din ako sa babaeng sinasabi nito, kasi natalo nya si Xiv? Grabe naman yata ang lakas nun eh kami nga hindi namin matalo-talo si Xiv eh! Medyo exciting din pala ang gagawin ko! Haha, papatulong ako kay Nica! Para naman hindi mahirap diba?
"Pre natahimik ka yata dyan?" tanong ni Xiv
"Ah wala lang toh, iniisip ko lang kung gaano kalakas yung babaeng tumalo sayo. Nagtataka lang talaga ako"
"Yun ba? Tss, mahina lang yun tsaka sinuswerte lang yun nung araw na yun" yabang nyang sabi
"Talaga lang huh? Baka naman malakas talaga yun! Paano pa kaya pag nakalaban nyo na din ang ibang kasamahan nun? Nako Xiv! Patay na kayo"
"Tinatakot mo ba ako? Pwes! Di ako natatakot, mga babae lang yun noh!"
"Hahaha, yun nga eh! Mga babae lang pero malalakas naman, diba? Anong laban nyo dun?" natatawa-tawa kong sabi
"Minamaliit mo ba kami? Kung ikaw kaya ang patayin ko?" banta nyang sabi. Init naman ng ulo nito
"Easy lang Xiv. Haha, iwan na nga kita may gagawin pa ako eh!"
"Ano naman yun?"
"Basta it's none of your monkey business!"
"G@go! Geh lumayas kana! Balitaan mo na lang ako sa plano mo" sabay tulak nya ko palabas ng bahay nya
"Okay, bye na!"
Agad naman akong lumabas ng bahay nya, baka kasi mabugbog ako ng di-oras ng isang yun eh! Hahaha, mainit pa naman ang ulo. Kawawa naman si Xiv mukhang dalmatian ang mata. Hahaha, nakakatawa talaga ang itsura nung mukha nya
(Max's POV)
Magkakasama parin kami nila Jae, Ken at Ace. Nandito kami ngayon sa bar. Haha, kasi naman hanggang ngayon pinagtatawanan parin namin si Xiv. Nakakatawa naman kasi talaga yung nangyari sa mata nya eh!
"Ang lakas ni Gab noh?" -Ken
"Oo nga! Medyo nagtataka lang ako, gangster din ba yun?" tanong ko
"Baka gangster din yun at baka leader din sya!" nag-iisip na sabi ni Ace
"Yung ganong mukha tatanggapin sa pagiging gangster?" takang tanong ni Jae
"Oh bakit naman?" taka naming tanong kay Jae
"Wala lang para kasing weak sya pag tinignan mo. Nagulat din ako na si Xiv? Si Xiv na kinatatakutan ng lahat! At hindi pa natatalo ay natalo ng isang babaeng mukhang wala ng dugo, grabe lang!" sigaw ni Jae, nako! Kung nandito si Xiv at naririnig toh. Siguradong sinapak nya na tong si Jae
"Hahaha. Yun nga ang nakakatawa eh! Akalain nyo yun? May makakatalo din pala sa 1st prince?" natatawa-tawa kong sabi
"Alam nyo kung nandito ngayon si Xiv, siguro nasapak na kayo nun dahil pinagtatawanan nyo sya!" sabi ni Ken
"Kaya nga umalis tayo sa bahay nya eh! Para naman hindi nya marinig ang tawanan natin" natatawang sabi ni Ace
"Tama na nga yan! Nakakaloko na kayo eh! Inom na lang tayo!" aya ni Jae
"Waiter! 8bottles nga ng beer! Pakidala dito, bilisan nyo!" utos ko dun sa waiter
"Alam nyo ang nakakatamad?" nalingon naman kami kay Ace na nagsalita
"Ano?" sabay-sabay naming tanong
"Wala akong magawa sa buhay ko ngayon!"
"Wala kang magawa? Wait lang oorder din ako ng babae! Hahaha, para naman may magawa ka diba? Hiya naman kami sayo" Tatayo na sana ako para kumuha ng babae kaso pinigilan ako ni Ken
"Oh bakit?" tanong ko sa kanya
"Wag ka na ngang kumuha ng babae, mga mukhang linta eh!"
"Grabe ka naman Ken! Makamukhang linta ka ah! Okay lang yan, di naman natin gagawing girlfriend eh! Laruan nga lang diba?" sabay kindat ko
"Ay bahala ka na nga! Do what you want!"
(Third Person's POV)
**Vampire's House
"Okay, tapos na akong magluto!" sigaw ni JN
"Hmm, ang dami naman ng niluto mo at mukhang masarap lahat ah!" sabi ni Nix habang nakatitig sa mga pagkain
"Wag kang hangal! Uma-aura ka lang dyan!" saway ni Jem
"Ayan na naman kayo! Sige magbangayan kayo! Pag-uuntugin ko kayo!" banta ni Ria
"Alam nyo girls? Nakakatawa kayo" natatawa-tawang sabi ni JN
"Bakit naman? Mukha ba kaming clown?" pilosopong tanong ni Gab
"Haha, hindi naman ganon ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko lang sabihin ay .. Hmm, masaya kayo! Tapos parang hindi pa kayo nag-aaway"
"You think?" tanong ni Ria kay JN
"Yeah, nafefeel ko" tugon ni JN
"Haha, lakas pala ng radar mo" biro ni Jem
"Joker ka din noh? Ang dami mong alam na kalokohan eh!" sabi ni JN kay Jem
"Hindi noh! Konti lang!" sabay tawa ni Jem kaya natawa na din ang lahat
"Tanong ko lang JN, masarap ba talaga ang raw foods pag niluto?" tanong ni Myx
"Huh? Ah. Eh. Oo naman" naguguluhang sagot ni JN "Bakit mo naman natanong?" dagdag nya pa
"Ah kasi--"
"MYX!" sigaw nilang lahat
"Ah hehe, wala pala yun JN" nakangiwing sabi ni Myx
"Parang ang weird nyo? May hindi ba ako nalalaman?" tanong ni JN
"Huh? Ah. Eh yung ano! Yun! May naiwan pa dun na pagkain oh! Look!" sigaw ni Nix
Napatingin naman si JN sa tinuro ni Nix at agad namang hinigit ni Gab at Ria si Myx
"Wala naman eh! Nandito na lahat ng pagkain" sabi ni JN
"Ah ganon ba? Kala ko kasi may naiwan pa eh!" sabay kamot ni Nix sa ulo
"Ano Nix, may dandruff lang?" pang-iinis ni Jem
"Wala noh! Pag may nakita ka sa ulo ko papakain ko sayo" sabay irap ni Nix kay Jem
"Oppsss, tama na yan!" saway ni Gab
"Okay na ang lahat ah! Kainan na!" sigaw ni Myx
"Wait lang!" awat ni JN sa kanila
Agad naman silang napatigil sa pagkuha ng pagkain "Anong problema?" tanong nilang lahat
"Hmm, may tanong lang ako! Nainom ba kayo ng beer?"
"Oo naman! Bakit mo natanong?" tanong ni Ria
"Treat ko kayo! Bibili lang ako ng beer!" paalam ni JN
"Talaga? That's good!" puri ni Gab
"Oo nga, gusto ko din ng beer. Damihan mo ah?" sabi naman ni Nix
"Me too!" -Jem
"Bilisan nyo na kaya?" -Myx
"Sige alis na ako!" pagpapaalam ni JN pero bago pa sya makaalis ay sumigaw si Ria
"Wait! Ako ang sasama sayo!"
"Sure ka?" tanong ni JN
"Oo naman!"
"Okay, halika na!"
Umalis na yung dalawa para bumili ng beer at naiwan sila Gab sa bahay.