Chapter Five - Gab Vs. Xiv

1897 Words
(Ace's POV) Nandito na kami sa tambayan ngayon ang tagal na naming naghihintay pero wala parin talaga si Jae. San na naman kaya napadpad yung loko-loko na yun? "Tawagan nyo na nga si Jae! Ang tagal nya! Gusto ko nang uminom ng beer eh!" inip na sabi ni Xiv "Cool ka lang dyan Xiv. Baka naman pinag-aagawan pa yun ng mga babae dun kaya matagal" sabi naman ni Max "Tss, baka hinabol na ng aso kasi napagkamalan na butong naglalakad" natatawang sabi ni Ken "Tama na nga kayo dyan! Baka naman natagalan lang talaga. Wala kayong tyaga sa paghihintay eh!" saway ko sa kanila. Pagkalipas din naman ng 20 minutes ay dumating na din si Jae. "Oh ayan na pala si Jae eh! Pero teka sino yung kasama nya? Babae ba yun?" tanong ni Max habang tinatanaw si Jae "Oo yata, aba may nabihag na naman si Jae ah! Pero maganda kaya?" -Ken "Tumigil na nga kayo!" sigaw ni Xiv "Hello guys!" bati ni Jae samin "Hello din! Jae sino yang kasama mo? Teka! Sya yung --" natigilan si Max sa sinasabi "Oo sya nga yun! Sinama ko sya dito ang kulet eh! Tsaka gusto nya daw kayong makilala" "At bakit naman?" singit ni Xiv "Wala lang, bakit masama na ba ngayon ang makipagkaibigan?" sagot nung babae "Aba, tibay mong sumagot ah!" singhal ni Xiv "Syempre nagtatanong ka eh! Kaya sinagot lang kita, wag tanga!" angas na sabi nung babae "Tang--" Di na natuloy ni Xiv ang sasabihin nya kasi hinawi ko na sya ng kamay ko. Mainitin ang ulo eh! "Hmm, Miss ano ba ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya "Name ko? Hmm, Glaizel Ashiville Brixie. GAB for short" "Ahh, miss Gab, kilala mo ba kami?" tanong ni Ken kay Gab "Nope, wala akong alam tungkol sa inyo" straight forward na sabi nitong babae "Hindi mo talaga kami kilala?" singit naman ni Max "Hindi nga! Ang kulet ng lahi nyo? What's the big deal?" taas kilay naman nyang tanong na halatang walang alam sa pinapasok nya "Tss, hindi mo alam kung ano ang pinasok mo" sagot ko sa kanya "Alam ko ang pinapasok ko" mataray nyang sagot "Alam mo ba na pwede kang mamatay sa ginagawa mo?" seryosong sabi ni Ken "Hahaha, as if naman na mamamatay ako noh! Kayo? Alam nyo ba na pwede ko kayong patayin ngayon?" angas na tanong nung Gab "Really? Mukha ngang weak type ka eh!" sabi ni Xiv "Talaga? Haha, tignan natin kung may ipapalag kayo! Sample ba ang gusto nyo? Sinong gustong mauna?" Ang tapang ng babaeng toh ah! Di ba nya talaga kilala ang kinakalaban nya? "Ako!" sabi ni Xiv sabay taas ng kamay nya "Sige, you go first!" sabay lahad ng kamay ni Gab "Magsisisi ka!" paninigurado ni Xiv (Gab's POV) Tss, nandito ako ngayon sa lugar ng mga gangster! Oh ano ngayon kung gangster sila? Takot ko naman diba? Walang mga laban tong mga toh. Hahaha, sisiw lang sila sakin lalo na yung mayabang na leader nila. Magsisisi daw ako? Weh? Seryoso? Baka naman sya ang magsisi dahil kinalaban nya ako. Nakakainis yung yabang! "Ano Xiv? Ikaw na daw ang mauna" sigaw nung isa yung mukhang chickboy? Max yata name nun eh? "Hoy Gab! Sigurado kang ako ang mauuna?" tanong nung mayabang na Xiv sakin "Ayaw mo pa? Binibigyan ka na nga ng chance" pang-aasar ko sa kanya "Haha, talaga lang huh?" Nagsimula na syang sumuntok, sumipa, sumuntok, sumipa. Halos pare-pareho lang ang ginagawa nya. Haaay, ang boring naman nito. "Ano Xiv? Walang tumatama sakin?" pang aasar ko "Sinuswerte ka lang babae!" angas nyang sabi Kitang-kita sa mukha nya na inis na inis na sya sa mga sinasabi ko. Haha, kaya naman mas binilisan nya ang pag suntok at pagsipa nya sakin pero mas nya ... wala parin talagang natama sakin. "Haha, sinuswerte lang ba talaga ako o sadyang duling ka lang?" asar ko pa sa kanya. Halata na sa mukha nya na naaasar sya. Tss, totoo naman kasi eh! Duling sumuntok kala ko ba leader nila toh? Wala palang binatbat sakin eh! Tuloy-tuloy lang ang ginagawa nya. Ano to? Exercise nya? "Wala talagang epekto Xiv!" nakangisi kong sabi "Hoy! Xiv babae lang yan! Di mo pa mapatumba?" Yung lalaking may hawak na beer. Si Jae yun? "Wag ka ngang magulo! Ako ang bahala dito!" sigaw ni Xiv Haaay, kawawang gangster walang sinabi sa babae! Di na ko makapagpigil kaya gaganti na ko. Gusto ko na rin matapos to dahil sayang lang sa oras. "Nakakadami ka na ng try Xiv, it's my turn!" Sinuntok ko sya ng isa at lahat sila nagulat sa ginawa ko at napatayo sa kanya-kanya nilang upuan. "Oh nasan na ang kalaban ko?" tanong ko sa kanila "Ayun!" sabay turo nila kay Xiv Haha, tumawa ako ng tumawa hanggang manakit ang tyan ko. Isang suntok napatumba ko? Kawawa naman talaga! Tsk. Tsk. "Who's next?" nakangisi kong tanong. Pero walang nasagot sa kanila. So, anong gagawin ko? Uwi na lang ako "Wala na? Okay, sige! Babye! Uuwi na ako!" paalam ko sa kanila "Wait lang! Sino ka ba talaga?" tanong sakin nung Ace "Huh? Ako? Hmm, ako lang naman si Gab. Ang leader ng mga babaeng tinalikuran nyo kanina. So, kilala nyo na ngayon ang kinakalaban nyo? Sabihin nyo sa leader nyong lampa pagkagising nya na wag na wag na nyang ipapakita ang mukha nya sakin baka kasi pag nakita ko pa ang mukha nya! Nyo! Ay mapatay ko na, okay? I warned you!" Pagkasabi ko nun ay naglakad na ako pauwi. Medyo pagod na din kasi ako eh! Ikaw ba naman makipaglaban. Tss, ngayon na lang ulit toh ah! Minsan nga isasama ko si Ria para naman may back-up ako. Pagkauwi ko kay sinalubong agad nila ako. "Hi Gab! San ka galing?" tanong ni Nix "Ah, naglakad-lakad lang nainip ako eh!" sabay hilata ko sa sofa "Liar! Nakikita ko sa vision ko na may iba ka pang ginawa" sabi ni Myx. Nako naman! Yan na naman sya! "Ano naman? Tsaka malay mo mali lang ang vision mo diba?" sabay iwas ko ng tingin "Umamin ka nga Gab. Ano ang ginawa mo sa labas?" tanong sakin ni Ria "Wala nga kasi! Nagpahangin lang! Bakit ba ang kulit nyo?" "Hey girls! Anong problem?" singit ni JN "Walang problema. Sige na! Balik kana sa pagluluto!" sabi ni Jem "Okay sige!" "Okay, back to our topic. San ka nga galing Gab?" mataray na tanong ni Ria "Sa labas, nagpahangin nga!" "Talaga lang huh? Okay, Myx ano ang nakita mo sa vision mo?" tanong ni Ria kay Myx. Okay! Pinagtutulungan na nila ako. Patay! "Hmm, wait lang! Nakikita ko si Gab na nakikipag-away sa mga lalaki! Pero di ko makita ang mga mukha eh! Basta lalaki sila" sabi ni Myx "Yan ba ang nagpahangin? Nakikipag-away?" sarkastikong tanong ni Ria "Pero Ria. Wala lang yun! Hehe, nagpractice lang ako" nagpa-cute ako para maniwala sila. Hehe. "Nako Gab! Dapat sinama mo ko" sabay pout ni Ria "Isa ka pa eh!" sita samin ni Myx "Tama na nga yan! Sa susunod, walang maglilihim satin huh?" sabi ni Nix na naghihintay sa pagsang-ayon namin "Oo nga! Agree ako dyan!" taas kamay na sabi ni Jem "Okay!" sagot naming lahat Buti naman at di na nila ako tinadtad ng madaming tanong. Baka kasi masabi ko sa kanila eh! Magwala pa yung mga yun! Okay nang nakapaghiganti ako sa mga gangster na yun. Especially dun sa gago nilang leader na si Xiv. Mukang tuskal! Hahaha, tutang kalye. Kawawa ang itsura nya nung mabugbog ko sya eh! Actually hindi bugbog kasi isang suntok lang naman eh! Nagmukha lang syang dalmatian kasi yun left eye nya ay may black eye. Ang bait ko talaga, di parin pala nawawala ang galing ko sa pakikipaglaban .. (Ken's POV) Hindi parin talaga ako makamove-on dun sa Gab kanina. Akalain nyo yun napatumba nya si Xiv? Grabe naman ang lakas nung babaeng yun! Parang di kapani-paniwala. Kami nga hindi matalo si Xiv eh! Sya pa kaya? Grabe lang talaga! Nandito na kami ngayon sa bahay nila Xiv, inuwi na namin sya eh! Kawawa na kasi ang itsura nito .. "Ano uwi na ba tayo? Iwan na natin si Xiv?" tanong ni Jae "Kung iiwan natin yan, patay tayo!" -Max "Tss, kasalanan nya naman eh! Dapat di na nya pinatulan yung Gab na yun kanina!" iritadong sabi ni Ace "Tama nga naman! Pero di natin pwedeng iwan toh! Kawawa ang mukha eh!" sabi ko sa kanila "So, anong gagawin natin? Stay tayo dito sa bahay nito?" tanong ni Max "Hintayin lang natin yang magising" -Jae "Tapos? Uwi na tayo?" tanong ni Max. Atat umuwi tong mga toh eh! "Oo. Uuwi na tayo!" -Ace Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay nagising din si Xiv at hawak hawak ang ulo nya alam kong masakit. Ikaw ba naman suntukin sa mukha eh. "Oh mga pre! Aray! Ang sakit ng mata ko, anong nangyari? Nasan na yung Gab?" tanong ni Xiv habang tumatayo sa pagkakahiga "Haha pre! Talo ka kay Gab! Isang suntok nya lang sayo bagsak kana!" pang-aasar ni Jae. Bumanat na naman tong si Jae nang pang-aasar "WHAAATT?!? Ako ba niloloko nyo? Babae? Matatalo ako? Tss, imposible yun!" sigaw ni Xiv "Oo pre! Totoo yun! Kitang-kita namin kung paano ka natalo, bagsak ka nga eh!" -Ace "Hindi totoo yan! Mga gago ba kayo? Wag nyo akong pagtripan!" galit na sabi ni Xiv "Haha, hindi ka namin pinagtitripan. Talagang nangyari yun! Grabe, nagulat kami dun sa babaeng yun huh? Ganon pala sya kalakas! Sa isang suntok napabagsak ka nya! Unbelieveable!" pang-aasar ni Max "Tumigil na kayo dyan! Sige na Xiv, aalis na kami! May mga pupuntahan pa kami eh!" paalam ko "San naman kayo pupunta?" asar na tanong ni Xiv "May date ako" -Max "Aalis kami ng sis ko" -Jae "Maghahanap ako ng mababasa" -Ace "Hmm, hehe may gagawin ako sa room ko. Eh. Ah. Lilinisin ko! Tama lilinisin ko nga!" palusot ko "Tss, wag ka ng magsinungaling! Halata kasi eh! Kung yan ang gusto nyo, sige iwan nyo na ako!" Pagkasabi ni Xiv nun ay nagkanya-kanya na kami ng labas. Baka kasi mabugbog pa kami ni Xiv eh XD Nakakatamad lang kasi kaya gumawa kami ng paraan para makalusot sa kanya, baka kasi kami pa ang mapagtripan nito dahil kay Gab este sa ginawa ni Gab. (Xiv's POV) Nakakagago lang yung mga kasama ko. Iniwan ako mag-isa dito sa bahay! Alam naman nila na wala akong kasama ngayon. Tss, tsaka anong sabi nila? Natalo ako nung Gab na yun? Yung babaeng yun? Talaga lang huh? Baka naman sinuswerte lang talaga yung babaeng yun, hindi pwedeng matalo ang leader ng gangster! Makikita ng babaeng yun! Gaganti ako sa kanya. Sa kanila ng mga kasama nya, hindi na sila sisikatan pa ng araw. Tatawagan ko yung isa kong kaibigan. Papaman-manan ko yung Gab na yun pati na din yung mga kasamahan nya, sayang sila eh! Magaganda pa naman! Kaso masasayang lang ang ganda nila kasi pagtitripan ko na sila! Napupuno na ko sa kanila lalo na sa Gab na yun! Calling Dylan ... "Xiv, napatawag ka? Anong meron?" tanong sakin ni Dylan "Kailangan kita! May iuutos ako sayo, importante toh! Pumunta ka na ngayon dito sa bahay!" utos ko sa kanya at tsaka ibinaba ang tawag Oh diba bastusing bata ako? Ganyan talaga ako, ayoko kasi ng madaming tanong. Haha, patay na yung mga babaeng yun sakin. Nakakainis yung ginawa ng leader nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD