(Ria's POV)
Medyo maayos na din naman ang pamilya namin, pero si Jem? Ganon padin sya sakin lagi nya pa rin akong sinusungitan. Si Nix naman parang nabawasan na yata ang galit sa akin. Eh si JN? Kamusta na kaya sya?
"Movie Marathon tayo! Eto oh. Mga horror movies" sabi ni Gab sabay pakita ng mga cd's
"Geh!" sang-ayon ni Myx
"Ako na ang maghahanda ng snacks natin" pumunta naman si Nix sa kusina.
Haaayy. Sana maibalik namin yung dati naming samahan. Namimiss ko na din kasi yun eh!
*Dingdong*
"Sino yan? May inimbitahan ba kayo?" tanong ni Gab sa amin.
"Wala naman" sagot naming lahat. Wag naman sanang si JN yun at baka magkagulo na naman kaming lahat.
"Myx, pakibukas naman ng pinto" utos ni Gab
Tumayo naman agad si Myx at binuksan ang pinto ... Abang na abang ako kung sino ang iluluwa ng pintuan namin.
"Oh" tanging salita ni Myx. Agad-agad akong sumilip at buti nalang talaga at hind si JN ang bisita namin.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Gab sa kanya
"Bakit? Masama ba?"
"Nasan na si Chichi ko?" tanong ni Ace. Oo, si Ace nga!
"Chichi? Teka, Ace. Naligaw ka yata, walang Chichi dito" taka namang sagot sa kanya ni Myx
"Hahaha, patawa ka talaga. Teka, di nyo pa ba alam? Si Nix, nasaan?" tanong nya ulit
"Sa kusina" sagot namin at tsaka naman syang prenteng nagtungo sa kusina namin
Okay? Anong meron? Bakit nandito si Ace? Bakit nya tinatawag na 'Chichi' si Nix? At higit sa lahat, anong relasyon nya kay Nix?
"Jem, anong alam mo?" tanong ni Gab
"Ha? Hala, bakit?"
"Anong meron sa dalawa" naniningkit na tanong ni Gab
"Hmm, ano .. Sila?"
"Ano?!" sabay-sabay naming sabi
"Oh? Anong nakakagulat dun?" tanong ni Jem, anong ano ang nakakagulat? Eh hindi man lang namin alam na may boyfriend na si Nix! At ang malala pa dun, isa pa sa mga pesteng prisipe kuno.
"May alam ka dito?" tanong ko sa kanya
"Oo"
"At bakit hindi mo sinabi sa amin?"
"Bakit pa? Kailangan ba ng permiso nyo bago mag-boyfriend si Nix? Hindi naman diba? Nanay kaba ni Nix?" tss, umariba na naman ang pagiging maldita ng isang toh.
"Pero dapat sinabi mo parin sa amin" mahinahon kong sabi
"Ayoko lang kasing pangunahan si Nix. Okay? Tsaka .. Ria, wag mo nang aagawin si Ace huh? Kasi masaya si Nix sa kanya! Malaman ko lang na inaahas mo si Ace. hindi ko alam kung mapapatawad pa kita!" tumayo sya at pumunta na din ng kusina. So ganon pala ang tingin nya sakin? Ahas? Grabe naman sya sakin! Hindi naman ako ganon eh, nagmahal lang ako.
Biglang nagring yung phone ko.
**1 message received**
from: JN <3
-aalis nga pala ako ngayon. Nandito na ko sa airport. Lalayo na muna ako, thankyou dahil sa nakilala ko kayo :) Pakisabi na din sa Girls. Mahal na mahal kita Ria Shin <3
**End**
So aalis na pala sya? Bakit hindi man lang sya nagpaalam ng personal? Bakit sa text lang?
Nakabalik na si Jem, Nix at Ace galing kusina dala ang isang bucket ng cheese stick, am I going to tell them? Parang ayoko .. pero kailangan din naman kasi nilang malaman eh.
"Girls, Wala na si JN. He's Leaving."
"Saan sya pupunta?" agad na tanong ni Nix
"Hindi ko din alam eh! Lalayo na daw muna sya at babalik na lang daw sya pag ayos na ang lahat"
"Buti naman! Mabuti nang lumayo na muna sya!" sabi ni Jem
"Tama na nga! Kumain at manood na lang tayo" sabi ni Gab. So, wala eh! Kailangang tanggapin na aalis na sya. Haayyss ..
(Nix's POV)
Aalis na pala si JN? Siguro masyado din syang naapektuhan sa mga nangyari. Kasalanan ko toh eh! Si Ria naman kasi ang mahal nya eh! Sana pala hinayaan ko na lang sila. Ang tanga ko.
"Chichi? May problema ba?" tanong sakin ni Ace, isa pa toh! Bakit nandito toh? Hindi ko naman sya pinapunta dito ah! Tss. Oo Ace may problema! Ikaw! Ikaw ang problema ko. Letche ka!
"Wala namang problema, may naalala lang ako"
"Opps. Teka lang! Masalang nga muna kayong dalawa sa Hot Seat" sabi ni Gab. Anong problema nito?
"Ano yun Gab?" tanong ko sa kanya
"Totoo ba na boyfriend mo na si Ace?" halos mabuga ko yung kinakain kong cheese stick dahil sa tanong nya
"Ha? Ah. Teka sino nagsabi?"
"Si Jem." sabi ni Myx
"Hehe. Peace tayow Nix!" sabay nagpeace sign si Jem, Ay naman talaga! Ang daldal talaga ni Jem kahit kailan!
"Ah yeah. Boyfriend ko na sya. May problema ba?" mahinahon kong tanong sa kanila
"Wala naman, I'm just asking" nakangiting sabi ni Gab
"Hoy Ace! Wag mong lolokohin yang kaibigan namin huh? Yan pa naman ang bunso sa barkadahan namin! Kasi kapag niloko mo yan, malalagot ka talaga sa amin" sabi ni Ria. Ahahaha nakakatawa talaga sila!
"Opo. Hindi ko sasaktan si Nix. Mamahalin ko sya ng buong puso!" sagot ni Ace
"Good!"
Totoo nga kayang mahal ako ni Ace? Pero alam ko naman sa sarili ko na niloloko lang ako ng isang toh eh! Si Ace? Ang 5th prince? Papatol sa isang Nix? Eh ang dami kayang magaganda sa school namin! Kahit saang lupalop merong maganda eh! Kaya hindi ako magtitiwala sa isang toh! Mahirap na. Baka masaktan lang ako.
By the way. Bakit ganon? Hindi ko na naaalala si JN? Siguro nga crush ko lang talaga sya at wala talaga akong feelings sa kanya. Goodbye kay Jay North! Basta, parang nakamove-on agad ako. Tsaka maganda ang plano namin ngayon. Break the heart of the Prince's . Nagsisimula na ko kay Ace. Kaya sasakyan ko ang mga pakulo nya. Tignan natin kung sino ang unang mahuhulog.
(JN's POV)
On the way na ko sa planetang pupuntahan ko :/ Di pa ko handa eh! Pero kailangan talaga eh! So? paano ba yan? Matagal-tagal din yata akong hindi makakapagparamdam! Pero sana guys, hindi nyo ko makalimutan huh? Mahal na mahal ko kayo ..
to: Ria<3
-aalis nga pala ako ngayon. Nandito na ko sa airport. Lalayo na muna ako, thankyou dahil sa nakilala ko kayo :) Pakisabi na din sa Girls. Mahal na mahal kita Ria Shin <3
**Sent**
Sana naman sa pagbalik ko maayos na ang lahat. Sana magkabati na sila .. Nabalik lang ako sa realidad ng marinig ko na yung nagvvoice over sa airport.
"all the passenger ek-ek" blah-- blah-- blah--