Chapter Twenty Two - I Met Him Again

1962 Words
(Jem's POV) Patapos na ang school hour namin. Medyo pagod na rin ako. Pagod sa pakikinig. Nakakabored naman kasi yung mga lecture eh! Parang always naman yata akong tinatamad eh! Si Nix, ang tahimik yata ngayon? "Nix?" tawag ko sa kanya "Yep? May kailangan ka?" "Ah, Nothing" "Hmm, okay" walang buhay nyang sabi Seryoso pala sya sa pakikinig. Buti sya, hindi nabobored sa pakikinig. Ako kasi, bored na bored na kanina pa. Pipikit na sana ako kaso may biglang bumato sakin. What the heck? Papel? Teka? Saan galing to?! Binuklat ko yung papel tapos binasa yung nakasulat. **Jem, punta ka sa puno ng balete dun sa may court. Hihintaying kita. So? Kanino naman kaya galing to? Tsaka parang kilala ko yung sulat ah. Di kaya? Hmpt, malabo naman yata na sya to. Asa pa! "Okay, class dismiss!" Nakahinga naman kami ng maluwag. Hehe, tapos na kasi ang klase namin.. So, uwian na! "Tara na girls!" aya ni Gab "Mauna na kayo guys, may hihiramin pa kong book sa library" sabi ko sa kanila "Samahan na kita!" alok ni Nix "Nako Nix, wag na! Kaya ko sarili ko. Mauna na kayo. Susunod na ako" "Sige! Babye!" pagpapaalam nila. Nang makaalis na sila, agad akong nagpunta dun sa may court. Sino naman kaya ang naghihintay sakin dun? Dahan dahan akong naglakad medyo creepy kasi dito, may puno kasi ng balete pero okay lang naman. Curious lang talaga ako kung sino yung nagbato nung papel sakin. Parang wala naman yata dito yung naghihintay sakin eh! Baka niloloko lang ako nun. Makaalis na nga. "Jem, teka! Saglit lang" Narinig kong may nagsalita sa likod ko, teka --- Dahan-dahan akong lumingon. Tapos si .. si .. Max? Tama! Si Max ang nakita ko. "I-ikaw? Ikaw yung nagbato ng papel? Ikaw yung nagpapunta sakin? Ikaw yung naghihintay sakin?" tanong ko sa kanya, para kasing nananaginip lang ako eh "Yes, ako nga. Ako nga yung nagbato sayo ng papel" "Ano na naman ba huh? Guguluhin mo na naman ba ang buhay ko ha?" galit kong sigaw sa kanya "Teka. Hindi ganon yun Jem!" "Anong hindi ganon? Ginawa mo na nga dati diba? Nung nasa mini-store tayo! Nung araw na bumili ako ng coke in can! Pinahiya mo na ko nun diba? Ano pa ba ang gusto mo ha? Ano na naman ba?" inis kong sabi sa kanya, pinipigil ko yung luha na gustong pumatak sa mga mata ko "Gusto lang kitang makausap" "At bakit?" "Magpapaliwanag lang ako sayo. Please, hear me out Jem. Kahit ilang minuto lang. Pakinggan mo naman ako" nagmamakaawa nyang sabi "No need to explain Max! Nakamove-on na ko! Tama na! Masakit na nga eh! Kaya nga every time na makikita kita tinuturing na kitang stranger! Kaya please lang? Wala ka ng halaga sa buhay ko! Wag mo na kong guluhin" Shet! Bakit ako naluluha? Di pwede to! "Jem! Let me explain. Please, ngayon lang" Iniwan ko na sya at hindi na pinakinggan pa ang mga sasabihin nya. Ayoko nang marinig ang mga kasinungalingan nya. Masakit. Oo, masakit kasi akala ko nakamove-on na ko. Hindi parin pala. Nandito parin pala yung sakit every time na makikita ko sya bumabalik ang lahat sa isip ko. Lahat ng ginawa nya sakin dati .. na hinding hindi ko nakakalimutan. FLASHBACK >> Valentines ngayon, nasa grade school palang kami nila Gab. Grade Six to be exact. Lahat sila inaasahang may magreregalo, except me! Sanay na naman kasi ako na hindi nabibigyan ng gifts every Valentines eh. Anong bago? "Sino kaya ang magbibigay sakin?" tanong ni Nix "Madaming magbibigay sayo Nix! Ikaw pa? Maganda ka kaya!" sabi ni Ria "Maganda naman tayong lahat eh! Ano ba kayo" -gab "Ang tahimik mo yata Jem? Bakit?" tanong sakin ni Myx "Wala. Kasi kayo may magreregalo sa inyo. Sakin? Wala? Anyway, sanay na naman ako eh! Anong bago? Lagi namang ganito eh!" "Meron yan! Hindi kami papayag na walang magbigay sayo ng Gift." sabi ni Ria Nagtawanan lang kami. Walang klase, kasi nga Valentines. So? Punta na muna ako dun sa Library. Babasahin ko muna yung favorite kong Libro :) "Guys, una na muna ako huh? Dun muna ako sa Library. Magbabasa lang ako" paalam ko sa kanila Um-oo naman silang lahat kaya tumungo na ko sa Library. Kinuha ko na yung Favorite kong Libro at nagsimulang magbasa. Tawa lang ako ng tawa, nakakatawa kasi yung binabasa ko eh. "Miss, bawal po mag-ingay sa Library" sabi sakin nung isang lalaki "Alam ko" "Eh bakit ang ingay mo? Alam mo naman palang bawal ang maingay" seryoso nyang tanong "O edi sorry. Okay na?" mataray kong turan Tss. Pakialamero talaga! Ano bang pakialam nya? Eh wala naman dito ang librarian kaya pwedeng tumawa. Bumalik na ulit ako sa pagbabasa pero yung lalaki hindi padin sya umaalis sa may tabi ko. Anong problema nito? "Miss?" tawag nya "O? Hindi na naman ako nag-iingay ah! Ano pang problema mo sakin?" mataray kong sabi "Eto naman, makikipagfriend lang ako sayo." "Makikipagfriend ka? Tapos pag close na tayo, magiging bestfriend na kita. Pagkatapos nun liligawan mo ko at ano? Magiging tayo? Yun ba?" inis kong tanong, para naman tantanan na ko nito. Istorbo. "Hahaha, ang prangka mo! Ganyan ang gusto ko sa babae, hindi plastik! By the way, my name is Max" "Jem nga pala. Okay, sige payag na kong maging friends tayo pero hayaan mo na muna akong magbasa ngayon ha? Pwede?" "Ah, hehehe. Sige magbasa na muna tayo." Nagbasa lang kami, mahilig din sya sa pagbabasa, ang galing naman! Ang gwapo din nya. May girlfriend na kaya sya? "Saglit lang Jem huh?" "Saan ka pupunta?" "May kukuhain lang ako, pero saglit lang naman eh!" paalam nya sakin "Ah, okay sige" Naiwan akong mag-isa dun. Ano kayang kukuhain nya? Siguro papakilala nya sakin yung girlfriend nya. Hmm~ Makaraan ang ilang segundo, bumalik na ulit sya. "Jem, oh! Valentines Gift nga pala" tapos binigay nya yung Pink bear. Ang cute naman! Teka? Bakit nya ko niregaluhan "Max, kakakilala lang natin tapos nagbigay ka agad ng gift?" nagtataka kong tanong sa kanya "Hahaha. Ikaw kakakilala mo lang sakin. Pero ako matagal na kitang sinusubay-bayan" "Ah, Hehe" So, stalker pala sya .. END OF FLASHBACK > We're now an Official Couple. Ang saya ko talaga ngayon. Pero kami lang ang nakakaalam ni Nix eh! Bawal kasing sabihin kila Gab. Alam ko kasing papagalitan ako ng mga yun eh! Bawal pa daw kasi .. Hello? Ilang years na kaya kaming namumuhay! Tapos bawal padin? Grabe naman! Pero si Nix, suportado nya ko. Tsaka may tiwala naman akong hindi nya sasabihin kila Gab eh. "Baby boy ko" tawag ko sa kanya. Haha, cringe naman! Pero ang cute kasi eh. "Yup? Ano yun baby girl?" Ihh. Anebenemen! Kinikilig ako! Ganito pala ang feeling ng may boyfriend no? "Tumigil nga kayo sa lampungan nyo! Naiinggit ako!" sabi ni Nix "Hahaha. Sumagot kana din kasi sa mga manliligaw mo! Para may boyfriend kana" sabi ni Max Inisnob lang yun ni Nix. Nagtuloy-tuloy ang masaya naming relationship ni Max. Nag-aaway kami pero nagkakabati din naman. And then One day .. "Jem, alam mo na ba?" sabi sakin ng isa sa mga kaibigan ni Max "Ang?" curious kong tanong. Anong alam? "Ah. Wala" tapos umalis na sya Weird? Pumunta na ko sa room namin at umupo sa upuan ko. Pero ang weird kasi parang iba ang tingin ni Nix sakin. Ano ba kasing meron? May nagawa ba kong kasalanan? Lumapit ako kay Nix at bumulong "Anong problem?" "Hindi mo pa din pala alam" nag aalala nyang tanong "Ang alin ba? Naccurious na ko ha?" "Tara, sundan mo ko" Hinigit ako papalabas ni Nix at pumunta kami sa CR. So anong meron sa CR? "Bakit tayo nasa CR? Iihi kaba?" tanong ko sa kanya "Jem. May sasabihin ako sayo. Pero wag kang iiyak?" Pagkasabi ni Nix nun, kinabahan agad ako. Ewan ko ba pero parang masamang balita ang sasabihin sakin ni Nix. "Hmm, okay. Ano ba kasi yun?" "He's cheating on you" Ha? Ano daw? He's Cheating on me? Nabibingi na ba ko?! Baka naman mali lang ang dinig ko sa kanya "Ano yun Nix?" "Jem! Di ka ba nakikinig? He's Cheating on you! Niloloko ka nya! May iba syang babae! Hindi mo ba ko naiintindihan ha?" sigaw nya sakin habang inaalog ako "Hahaha. Stop kidding Nix! Di nakakatawa yang biro mo!" inis ko sigaw sa kanya "I'm not kidding Jem! Totoo ang sinasabi ko sayo! Niloloko ka nya!" "Nix! itigil mo na toh kung ayaw mong mag-away tayo" pagbabanta ko sa kanya "Jem! Hindi ako --" "Ano ba Nix! Tigilan mo na nga ang paninira kay Max!" "Pero--" "Tama na!" sigaw ko sa kanya Lumabas ako ng cr at iniwan ko sya dun, nakakainis naman kasi sya eh! Ano bang sinasabi nya! "Jem!" tawag sakin ng isang babae "O ano na naman ba?" "May papakita ako, punta ka ng library, tapos dumiretcho ka dun sa bookshelves ng History book" "Tapos?" "Basta, pumunta kana lang dun. Para maliwanagan ka" utos nya sakin "Okay?" Sinunod ko naman yung babae, ewan ko ba kung bakit ko sinunod yun! Eh hindi ko naman sya kilala. Agad akong pumasok sa library at dumiretcho kung saan nakalagay yung History Books. "Max?" "Jem! Anong ginagawa mo dito?" gulat nyang tanong sakin "Ha? Ah Wala. Teka sino yan?" tanong ko sa kanya "Me? I'm his girlfriend. Mikki nga pala! And who are you?" tanong sakin nung Mikki, di ko lang sya pinansin .. Si Max ang pinagtuunan ko ng pansin "Max, care to explain? Ano to? Totoo ba yung sinasabi ng babaeng yan?" "Jem, teka lang. Magpapaliwanag ako." "You know what? No .. di mo na kailangan mag-explain. Eh kitang-kita naman ng mga mata ko na naghahalikan kayo!" mangiyak ngiyak ko sabi sa kanya. Mahinahon pa ko dahil nandito kami sa library at ayokong may makakita nito. "Hahaha. Sya ba yun Max? Kawawa naman pala yang babaeng yan. Walang alam?" natatawa-tawang sabi nung Mikki. So ano yun? Anong alam nya? "Anong kawawa ha? Anong pinagsasasabi mo?" "Hindi mo talaga alam? Let me tell you!" mataray na sabi nung Mikki "Mikki! Ano ba! Shut up!" sigaw ni Max "Ano kaba Max! Mas maganda nang malaman na nya ang totoo. Para naman hindi sya nagmumukhang tanga! Ikaw babae, makinig ka! Pinagpustahan ka lang nila Max, kasama ang mga kaibigan nya. Within 2 weeks mapapasagot ka nya. It's just a bet. Sineryoso mo naman?! Tanga!" sabi nung Mikki at parang gustong gumuho ng mundo ko. Ha? Di nagsi-sink in sa utak ko. Ako? Pinagpustahan? Ano yun? Pustahan lang ang lahat? "Totoo ba yun? Please, sabihin mo naman sakin na di yun totoo, Max" umiiyak kong tanong kay Max. "Jem~" "Sumagot ka! Totoo ba ha? Totoo bang pinaglaruan mo lang ako? Na .. pinagpustahan nyo lang ako ng mga kaibigan mo?! Ano?" sigaw ko, hindi ko na napigilan ang umiyak. Ang sakit! Sobra! "Oo. totoo" "So ganon pala yun? Pustahan lang pala ang lahat. Salamat ha? Salamat kasi nagpakatanga ako! Salamat kasi ginago mo ko! Masaya kana?!" "Jem. Magpapaliwanag ako" "No need! Di ko na kailangan. Ngayong alam ko na ang lahat, di ko na kailangan pa ng paliwanag mo! Pero pagsisisihan mo ang araw na to!" Pagkasabi ko nun ay umalis na ako nang umiiyak. Pumunta ako kay Nix at umiyak. Umiyak ng umiyak. END OF FLASHBACK << Halos gabi-gabi akong umiiyak ng dahil sa kanya, pero narealize ko na makakapaghiganti pa ko sa kanya sa panggagago nya sakin. Naiiyak padin ako pag inaalala ko yun. Hindi pa pala talaga ako nakakamove-on! Ang tagal na din nun ah, pero di ko pa din nakakalimutan . Kaya nga pag nakikita ko sya parang hindi ko sya kilala eh. Para namang walang makahalata na magkakilala kami before ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD