CHAPTER 4:FIRST DAY OF WORK

3223 Words
Maagang nakauwi sina Malliah galing sa batch reunion na dinaluhan nila. Kaya naman she has more time to rest dahil bukas na magsisimula ang trabaho sa Vergara's Realty Group.She slept early as she could ,ayaw niya namang malate siya bukas because it was her first day of work. She wake up early,agad na siyang naligo at nagbihis.Isang black fitted skirt na may kaunting slit sa likod at tinuck-in ang white sleeveless na top ang kanyang suot, nagsuot din ito ng black office coat, 1 inch black pointed shoes ang gamit nito dahil sa baka hindi niya mailakad ng maayos ang kanyang paa.Bumaba na downstairs to have some breakfast.Gising na din si Abi, at kasalukuyan siyang nagtitimpla ng coffee. "Want some coffee,my beautiful bessy?" alok nito sa kaibigan. "Sure,my one and only sexy bessy." tugon naman nito na nakangiti. It was indeed a great vibe for both of them ,to start a day with full of positivity.God knows how thankful she was for having Abi in her life. Lalo na ngayon na kay hirap maghanap ng tatawaging KAIBIGAN,yung totoong kaibigan ha,hindi yung kaibigang lalapitan ka lang kung may kailangan.Uso na kaya ngayon ang plastikan. "Girl, balita ko maattitude daw ang mga boss niyo."wika ni Abi. "Anyway,I'm doin this for myself ,magtitiis naman ako hangga't kaya ko."wika naman ni Malliah. "That's the spirit,girl." natutuwang sabi naman ni Abi sa kaibigan. "Basta ha,pag may problema ka don't hesitate to call me,okay?" dagdag pa nito. "Thanks ,bes hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko without you." wika naman ni Malliah. "Ano ba yan,kay aga-aga emote nanaman." natatawang tugon naman ni Abi. "Hahaha!"malulutong namang tawa ni Malliah at sinabayan naman siya ng kaibigan. Natapos na silang nagbreakfast and they are now ready to go to work. May sasakyang sarili si Abi and since madadaanan niya ang kumpanya nina Malliah ay sasabay na ito sa kanya. Maaga ang dalawa kaya't hindi pa gaanong traffic. "How's the feeling?" tanong ni Abi sa kaibigan habang nagmamaneho. "Happy,nervous ,ewan ko mixed emotions within." tugon naman nito. "Kaya mo yan,girl!ikaw pa!" pagchecheer-up naman ng kaibigan. Maya-maya pa'y nakarating na sila sa Vergara's Realty Group . "Thank you,bes!wish me luck!" wika ni Malliah kay Abi bago ito bumaba. "Good luck,bes!Aja!" masayang tugon naman nito at nagpaalam na din siya kay Malliah. Isang malaking buntong hininga ang binitawan ni Malliah bago pumasok sa napakalaking kumpanya."I can do this! " bulong nito sa sarili."Good morning ma'am!" magalang na bati ng security guard. "Good morning!" masayang wika rin nito. Dumiretso siya sa accounting department . Mainit naman siyang tinanggap ng mga katrabaho, isa-isang nagpakilala ang mga ito. Pana'y naman ang sulyap sa kaniya at paimpress ng mga kaofficemates na mga lalake. "Boys you're not allowed to court my friend,may nirereto na ako diyan. " Bigla namang nagulantang ang lahat ng biglang nagsalita si Brent na kanina pa pala nagmamasid sa loob."Good morning,sir Brent." bati naman ng lahat. "Good morning everyone!Be nice to Malliah,okay?" nakangiting wika nito sa lahat. "Yes,sir!" tugon naman ng mga kaofficemates ni Malliah. "Hi,Brent thank you for dropping by." wika naman niya sa binata. "I'm just one call away,if you need anything." sabi nito."Thank you once again." pasalamat nito ulit kay Brent. Si Leslie ay isa sa mga kaopisina ni Malliah ,siya ang ngtatrain sakanya since baguhan pa lamang siya but in all fairness kay dali lang niyang turuan,dahil nga sa pinanganak naman itong matalino."Malliah,tawag ka ni Ma'am Amaya punta ka daw sa office niya." wika ni Ace sa kanya kaofficemate niya rin ito. "Okay!thanks,Ace ". tugon naman niya. Agad siyang nagtungo sa office ni Amaya.Ang sekretarya nito ang nabungaran niya. "Pasok kana lang." wika naman ng sekretarya sa kanya. "Good morning,ma'am pinatawag niyo raw po ako. " magalang na sabi ni Malliah sa boss nito. "Just want to tell you personally na trabaho ang pinunta mo rito."pagsisimula nito. "I want you to just work and there's no time for you here para makipaglandian."Hindi man maintindihan ang ibig nitong sabihin but one thing is for sure punong puno ito ng insecurities gaya ng sabi ni Brent sa kanya. "Yes po,ma'am." magalang pa rin nitong wika. "That's all,you can leave now!" sabi nito . "Pinatawag lang pala ako just to remind me na huwag makipaglandian, as if naman malandi ako no!no way!over my dead beautiful body!"sigaw ng kanyang sarili.Kakalabas palang niya sa opisina ng insecure niyang boss ng mabungaran si Brent sa labas ng office ni Amaya. "Malliah,the CEO of this company wants to talk to you." wika nito na ang tinutukoy ay si Don Manolo.Ibang kaba naman ang naramdaman nito pero kakayanin niya lahat alang-ala sa trabaho."Samahan na kita." alok naman ni Brent. "Huwag ka masyadong kabahan,dahil alam mo ba mabait naman talaga dati si uncle,may mga pangyayari lang na nakapagpabago sa ugali niya ,dala na rin siguro ng katandaan at sa stress sa trabaho." kwento nito on their way to the 50th floor kung nasaan ang opisina ni Don Manolo.Mataman lang siyang nakikinig hanggang sa hindi nila namalayang nasa harap na sila ng opisina ni Don Manolo. "Good morning ,sir Brent."bati ng PA ni Don Manolo na si Terry nasa mid 40's na ito. "Good morning po." Nakangiting bati ni Malliah sa ginang. "Good morning din ma'am." magalang ding bati nito "Just call me Malliah nalang po." nakangiting sambit naman ni Malliah kay Terry."Oh siya ,pasok kana at hinihintay kana ni boss." nakangiting tugon nito. "Good luck,just be yourself." pahabol naman ni Brent sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok. "Good morning,sir ." bati nito sa matanda nakatalikod itong nadatnan niya sa opisina habang nakatingin sa kawalan. Nang lumingon ito ay nabigla siya. Siya kasi ang matandang nakasabayan niya sa mall noong nagshopping siya ,yung nakalaglag ng wallet na isinauli niya,yung matandang nakasabayan sa paborito nitong fast food. Parang hindi naman siya namumukhaan ng matanda."Good morning,have a sit!" wika nito. "Thank you po,sir." tugon nito at umupo ng maayos . "Since you're my nephew's friend , hindi na ako nag-atubiling basahin pa ang requirements that you submitted,there's only one thing I want you to always remember,and that is all about the loyalty you have for this company. " may pagdedemand sa bawat sambit nito ng bawat salita. "Don't worry ,sir since the company chose me to be part of it my loyalty belongs to you alone and to the company itself,sir." confident naman niyang sabi "Mabuti na yung nakakasiguro." sabi naman ni Don Manolo. "I don't want any mess in my company,is that clear?" dagdag pa nito. "Yes po ,sir. " agad namang tugon ni Malliah. "You can go back to you work now!" utos ng matanda at bumalik na siya sa opisina nila. Tama nga siguro ang mga narinig na usap-usapin tungkol sa may ari ng kumpanyang ito.Pareho ngang istrikto ang mag-ama pero mas nakakatakot ata si Amaya kumpara sa matanda. Everything goes well,kakatapos lang nilang maglunch ng mga kasama sa cafeteria ng biglang pinatawag siya ni Brent sa kanyang opisina. Kumatok muna siya bago pumasok,"Hey,what is it Brent?" tanong nito."I'm in trouble now ,Malliah and I know for sure that you can help me with this."sagot naman nito. Naguguluhan man ay tumango-tango naman ang dalaga bilang pagsang-ayon. "I and my PA is suppose to present a business proposal sa mga townhouses sa bago nating client and because I'm busy doing much more important documents than this."sabay bagsak sa lamesa sa hawak-hawak nitong folder,"I let her manage everything and napag-usapan naming siya na ang magpresent dahil na rin sa may nakaschedule din ako na sumakto sa araw ng presentation namin.I can't cancel the presentation kasi yun ang inischedule ng client natin and for sure if uncle or Amaya will know about this baka patalsikin na ako sa pwesto ko hindi pa naman basta-bastang client lang si Mr. Chan."pagpapaliwanag nito. "What do you want me to do then?" agad na tanong ni Malliah "Can you please review all of these."sabay abot sa folder na hawak nito. "Ano ba kasing nangyari sa PA mo?"takang tanong nito. "She asked for a 1 month leave dahil nadisgrasya ang asawa niya at walang mag-aalaga sa anak nila at mag-aalaga na rin syempre sa asawa niya.Sino ba naman ako to say no,family is everything anyway."wika nito.Kahit papano'y naintindihan niya naman ang sitwasyon, pero ano nga ba ang tulong na hinihingi nito sa kanya? "Can you please help me,Malliah?Iuwi mo nalang itong mga documents and you can just even get this laptop kasi andito yung presentation and please ikaw na ang magpresent sa client natin.I know you can do it!you are smart and may tiwala ako sa iyo. " diretsong wika ni Brent sa kanya. "Ha! ni wala pa nga akong experience sa mga yan! and hey!sa accounting department ako." gulat nitong sabi. "I know ,but then I don't have any choice but to choose someone who can help me out and that is you,ONLY YOU please."pagmamakaawa nito. "Okay,kelan ba ang presentation?" tanong nito,since si Brent naman ang dahilan kung bakit siya agad naemploy sa kumpanyang ito ay wala siyang magawa kundi tulungan siya ngayong kailangan nito ng tulong. "4 days from now." tugon nito. "Agad-agad!kaya ko ba?" sabi nito "I trust you,Malliah madali lang naman yan only thing you need to do is to get our client's trust and impress them.Andito naman na lahat ng kakailanganin mong files ireview mo nalang for the presentation."saad nito "Okay!you owe me one ,Brent." sang-ayon nito. "Thank you so much ,Malliah .For sure Abi will be mad at me for doing this to you,in your first day of work pa." medyo nakangiti na nitong sabi ,nabawasan na rin marahil ang stress nito dahil sa pagtulong ni Malliah sa kanya."It's okay,so pano just update me nalang about the presentation later on." sabi nito. "Thanks again!" wika ulit nito kay Malliah bago ito tuluyang umalis ang dalaga sa kanyang opisina. Uwian na ng magtext si Jake sa kanya.He's asking her for a date. "Sorry ,Jake I just started my work today and there's so much things I need to do." reply nito. "I understand.Just let me know when." reply ni Jake sa kanya.Ayaw niya naman talagang hindian ang binata dahil mabait naman ito at maayos naman ang pakikitungo sa kanya,yun nga lang hindi lang maganda ang timing at mapapalaban talaga siya sa matinding puyatan sa pagrereview ng presentation niya. Bigla tuloy siyang nalungkot ,mukhang hindi na ata niya makikita pa si Zyke sa pagtulog. Nasa loob ng sarili niyang opisina si Zeus,nakaupo lamang ito sa kanyang swivel chair kinuha nito ang isang bond paper sa lamesa at lapis at walang ano- ano'y nagsimulang gumuhit ng isang pigura ng babaeng nakatalikod,mahaba at tuwid ang buhok nito ,maganda ang kurba ng katawan .Ilang gabi nabang ginugulo nito ng babae ang kanyang pagtulog. Isang misteryosong babae na basta-basta na lamang pumapasok sa kanyang panaginip pero kahit kailan ay hindi pa nito nakikita ang kanyang mukha. Kinuha niya ang katatapos lang na obra ,tinitigan niya ito na wari'y nagtatanong kung sino ba ang babae sa likod ng kanyang panaginip. Akmang itatabi na niya ang ginuhit ng masagi ng kanyang paningin ang isang file na nasa gilid ng desk niya. Kinuha niya ito.Malliah Bicera Gonzales,kung hindi siya nagkakamali'y ito ang babaeng nakaagaw ng atensiyon niya sa reunion nila kahapon at tama nga ang kanyang hinala ito marahil ang kaibigan ni Abi na nag-aapply sa kanilang kumpanya.Binuksan niya ang file nito. "Very impressive,such a witty girl." wika nito sa sarili ng makita niya ang puro uno nitong grades."The company needs a smart girl like her." dagdag niya sa kanyang sarili.Agad niyang pinatawag si Abi at agad namang pumunta si Abi sa kanyang opisina. "Good morning ,sir!" bati ni Abi sa kanya ."Good morning,Abi!Anyway inform your friend for an interview this afternoon." diretso nitong sabi "Ay,sir sorry po naunahan na po kayo ng Vergara's Realty Group .Actually she didn't submitted any requirements for employment there since mas gusto sana niyang dito magtrabaho pero nung nabanggit ni Brent na may bakante sa kanila she just then grab the opportunity." nahihiyang wika ni Abi. "Okay,just tell her that our company is willing to employ her if she change her mind." yun na lamang ang kanyang nasabi ."Okay,sir!thank you po." sambit naman ni Abi sa boss nito at agad na rin itong umalis dahil mayroon pa siyang naiwang ginagawa kanina bago siya pinatawag ni Zeus.Hindi naman maintindihan ni Zeus ang sarili kung bakit bigla nalang siyang nagkainteres sa dalaga. Sabagay maganda ito at seksi pa. Alas singko na nung palabas na si Malliah sa kumpanya, kakatawag lang din ni Abi at malapit na raw ito. Si Brent naman ay may tinatapos pa sa opisina nito. Maya-maya pa'y dumating na ang kaibigan. "How's your first day,girl?tanong sa kanya ni Abi. "Good!" walang emosyong sagot nito. "Why it seems not to be so good?ang energy,girl naglunch ka ba? pabiro naman nitong sabi sa kaibigan.Ngumiti lang ito ng tipid , hindi niya na rin kwinento sa kaibigan na sinalo niya ang boyfriend nito sa isang problema na ngayon siya na ang namomroblema,it's not really a big deal.Mapag-aaralan naman niya yon and she has still some time to review the presentation na iprepresent niya soon sa client nila."You know what,girl.My boss just told me to call you for an interview kanina sana,but then I told him the truth na employed ka na sa Vergara's Realty Group."sambit ni Abi ng biglang maalala nito ang pagtawag sa kanya ng boss niya. "Talaga ba? Sayang naman di sana iisang company tayo nagwowork pero okay na rin siguro to para hindi ka naman magsawa sa pagmumukha ko." tawang tawa na tugon ni Malliah. "Hahaha!baka ikaw nga diyan ang nagsasawa na sa pagmumukha ko eh." natatawa ring sabi ni Abi sa kanya. "Hindi kaya! itong cute na mukha na ito ang nagpapasaya sa buhay ko."sabay kurot niya sa pisngi ni Abi "Hahaha! cute pala ha!" sabay kiliti naman nito sa kaibigan."Hey!you're driving!harot ka talaga!" tumatawang sabi sa kaibigan. Ganito sila kasaya ,kahit may iniindang problema basta't silang dalawa ay magkasama lahat umaayos ,lahat nagiging okay. Ganyan ang samahan nila walang makakapantay,walang makakasira. Dahil na rin sa dami ng gawain nila sa kani-kanilang trabaho, nagtake out nalang sila ng food for dinner sa isang restaurant malapit sa kanilang apartment. Nang makashower na si Malliah agad na nitong nilabas ang mga files na irereview and ang laptop na binigay ni Brent sa kanya. Nalilibang naman siya sa ginagawa ,since madali lang naman ito intindihin ,iprepresent lang niya ang mga townhouses na nasa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas na pag-aari ng kanilang kumpanya and it's up to the client kung ano ang kanyang bibilhin kung may gusto siya. Super amazed naman siya sa mga townhouses na mayroon sila dahil yayamanin ang mga ito."Ang sarap siguro tumira sa mga ito." wika niya sa sarili while browsing all the photos . Lahat naman ng information na kailangan niya ay provided naman lahat kaya hindi naman pala ganoon ka intense ang problema nito. Only thing she need to do is to boost her confidence para makapagpresent siya ng maayos sa client later on at makuha nito ang matamis nitong OO. "Let's eat ,girl! what makes you so busy?" sabi ni Abi at ni hindi nga nito namalayan na nakapasok na sa loob ng kwarto niya ang kaibigan. Umupo ito sa tabi niya sabay akbay .Agad naman nitong sinara ang laptop at tumayo agad "Wala nirereview ko lang yung mga dapat kong gawin sa office,mahirap na baka matanggal ako agad." nakangiting wika nito. "Ikaw pa!yakang yaka mo yan,girl!" sagot naman ni Abi. "Tara na nga kain na tayo,masyado ka namang bilib sakin."sabay hila kay Abi na nakaupo pa. Masayang kumain ang dalawa panay ang kwento niya sa buong nangyari sa opisina , maliban na lang sa pakiusap ni Brent na pagtulong sa kanya ,saka nalang niya ikukwento kung maganda ang kahihinatnan nito at ang tungkol kay Don Manolo dahil sa tingin niya'y hindi maganda na pagkwentuhan ang buhay ng iba. Alam niyang may pinagdadaanan ang matanda at ayon nga kay Brent ay nag-iba ang ugali nito dahil sa isang pangyayari,kung ano man iyon ay labas na siya at wala rin siyang dahilan upang alamin ito dahil isa lang siyang hamak na empleyedo sa kumpanya ng matanda.Pinalaki kasi siya ng ina na wag manghuhusga ng kapwa ,irespeto ang sinuman bata man o matanda,mahirap man o mayaman dahil sa mata ng Diyos lahat tayo ay pantay-pantay. Nang matapos mailigpit at hugasan ang pinagkainan ay nagtungo na ang dalawa sa kani-kanilang mga silid upang matulog na. Bago tuluyang matulog si Malliah ay nagdasal muna ito at nagpasalamat sa lahat ng biyayang kanyang tinatamasa at gaya ng lagi niyang dalangin na kahit hindi man nakilala ang ama ay gabayan nawa at ilayo ng Panginoon ito sa anumang kapahamakan kung nasaan man ito ngayon. Ni wala kasi siyang alam ni katiting tungkol sa kanyang ama ,ngunit ganun pa man hindi naman nagkulang ang ina sa pag-aalaga at lalong lalo na sa pagmamahal sa kanya. "Baby,always remember how much i love you,okay?daddy will just me here for you no mattet what." sabay hele nito sa hawak nitong baby .Masaya ang repleksiyon ng isang lalake habang hinehele at pinapatulog nito ang isang sanggol.Nagising si Malliah anong ibig sabihin ng panaginip niyang iyon? Maaaring buhay pa kaya ang kanyang ama? Hinahanap kaya siya nito? Bakit ngayon lamang siya nakakapanaginip ng ganoon? Parang bigla siyang nabuhayan ng loob.Ano kaya kung hanapin nito ang ama , kasusuklaman o matatanggap ba siya nito kung sakali? Sa simpleng panaginip na iyon ay biglang nangulila ang kanyang puso, iba pa rin pala ang pakiramdam ng may matawag na ama.Ngayon lang niya napagtanto na ang laki pala ng bahagi ng kanyang pagkatao ang nawawala. Bumangon na siya't agad nagtungo sa kusina upang makapagkape muna upang mahimasmasan. Hindi pa gising si Abi ,kaya naghanda na rin siya ng agahan nilang dalawa. Nagprito siya ng hotdogs at beef tapa , nakapagluto na rin siya ng kanin.Hindi kasi sila sanay ni Abi na hindi kumain ng rice sa breakfast . Pagkatapos magluto ay agad na itong pumunta sa banyo upang maligo. Nang makapagpalit na ay agad nagtungo sa kwarto ng kaibigan upang gisingin sana pero wala na rin ito sa kanyang kwarto nasa baba na rin marahil at nakapagbihis na. Dumiretso na siya sa kusina at naprepare na ni Abi ang niluto niya kaninang agahan nila. "Let's eat ,girl aga nating nagising ah!" bungad sa kanya ni Abi. "Oo nga eh,ewan ko ba kung ano-ano ang napapanaginipan ko."wika naman nito. "Naku!let me guess si Zyke nanaman."pang-aalaska nito. "Not this time.Parang napanaginipan ko ang tatay ko." sabi nito. "Ha?really? bulalas nito. "Strange right? pero I have a feeling na baka buhay pa siya." dagdag pa nito habang nagsasandok na ng kanin sa kanyang pinggan. "What if hanapin natin,kay dali lang naman na maghanap ngayon sa socmed eh." suggestion ni Abi. "Saka na siguro pag handa na ako,you know that feeling of emptiness pero you don't want to get hurt kasi diba parang ang g**o lang ang daming tanong kung bakit niya kami iniwan and so on." Halata naman sa bawat bigkas nito ang bigat na nararamdaman kaya hindi na nangulit pa si Abi. "Don't worry everything happens for a reason and I believe in perfect time masasagot din lahat ng tanong mo just keep your faith to Him." pagpapatatag ni Abi sa kalooban niya. "You're right!" ito na lamang ang naging sagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD