CHAPTER 4: THE PRESENTATION

2950 Words
Walang ginawa si Malliah kundi ireview ng ireview ang presentation niya. Kahit nga nasa CR siya ay panay ang practice nito on how to deliver that presentation well. The way she pronounce every words ay talagang minamaster nito,ayaw naman niyang mapahiya kay Brent and it is a great opportunity for her as a newby .Not to impress everyone lalo na ang mga boss nito but to prove herself na kaya niya. Alam niyang bago palang siya sa trabaho,kaya marami pa siyang matututunan as days goes by. Good thing,kaibigan nito sa Brent na siyang dahilan upang makapasok ito sa trabaho. Alam niyang malaki ang maitutulong ng presentation na ito sa kanyang trabaho.That's why she's trying everything, giving all her best, puyat dito,puyat doon.She is really committed, and nilalagay niya ang puso sa trabaho. "What makes you so busy these past few days,Malliah?" Leslie asked her ,napapansin na kasi nito na hindi na rin sila masyadong nagsasabay kumain .Naiiwan lang ito sa desk niya at panay ang laptop nito."May biniglay bang trabaho sayo si Ma'am Amaya?Tell me baka matulungan kita."Leslie insisted."Thanks by the way, sir Brent asked me to help him kaya nirereview ko lang itong mga files na ito."Malliah answered."Ah"Leslie nodded. "Basta if you need something just don't be shy to ask for help,okay?Tayo tayo lang din naman ang magtutulungan ,hindi ba?" dagdag ni Leslie sa kanya. "Thank you,Les.Don't worry after this presentation.I'll make it up to you . "Malliah smiled.Mabait si Leslie magaan ang loob niya rito. Ginugol ulit ang oras sa pagrereview,tapos narin kasi niya ang mga dapat gawin sa department nila. "Malliah,tawag para sa iyo si ma'am Amaya." sabay abot ni Ace sa telepono. "Malliah,can you come to my office now!" wika ng nasa kabilang linya. " agad namang sumugod si Malliah sa opisina ng boss .Pagpasok sa loob ay agad bumungad sa kanya ang sandamakmak na files na bitbit ng sekretarya niya at iniabot ito sa kanya. "Check all does files and consolidate it.I need that tomorrow afternoon."Wika ni Amaya na nakapameywang pa. "Yes,ma'am." Malliah answered and left Amaya's office immeddiately. "Oh! ano yang mga yan?"ani Leslie sa kanya at agad na tinulungan si Malliah sa pagbaba ng mga hawak nitong files. "Icoconsolidate ko daw and she need this tomorrow afternoon."tugon nito. "What?If I know pinapahirapan ka lang nung tigreng iyon.Eh tapos na tong reports na to eh,don't worry meron sa desktop ko yung mga reports nito and consolidated na lahat, yang presentation mo nalang ang pagtuunan mo ng pansin." pagmamalasakit sa kanya ni Leslie. "Thank you,Les next day na din kasi ang presentation ko I need to master this one,nakakahiya sa kumpanya."wika nito. Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Sandamakmak na files ang iniabot sa kanya ,hindi man alam ang gagawin, kanina'y walang alinlangang kinuha iyon at hindi rin alam kung paano sana sisimulan ,mabuti na lang at andiyan si Leslie upang tulungan siya. Ano bang trip ni Amaya sa kanya? May nagawa ba siyang mali rito? Hindi man mahulaan ang tamang dahilan ay minabuti nalang nitong iwaglit sa kanyang isipan at itinuon ang lahat ng oras sa pagrereview ng kanyang presentation. Abala si Zeus sa kanyang opisina ,tumawag kasi sa kanya si Mr. Chan ,isang business ambassador mula Japan, isang bilyonaryong nais bumili ng townhouses dito sa Pilipinas at kung papalarin ay mag-iinvest ito ng malaki sa kanila.Isang malaking opportunity nanaman sa company nila kung makukuha niya ang deal na yun. Mr. Chan already set the date which is 2 days from now and sa Saturday na yun .Tulad ng dati ang Vergara's Realty Group nanaman ang kasama nito sa pagpipilian at sa araw na iyon ay magsasabay silang magpresent ng katunggaling kumpanya.Kaya naman ginugol nito ang lahat ng oras para sila ang manalo sa araw na yon. "Peter, cancel all my appointments today until tomorrow we need to focus on this." wika niya sa kanyang PA. Sa kabilang dako,hindi naman akalain ni Malliah na malaking responsibilidad pala ang nakaatang sa kanyang balikat. Tinawagan siya ni Brent at pinaalam nito na hindi lang pala simpleng townhouse lang ang habol ng client nila kundi nais nitong mag-invest dito sa Pilipinas sa kung sinong papalaring kumpanya ang matipuhan nito. Si Mr. Chan ay hindi basta-basta,isa siyang business ambassador sa Japan,isang bilyonaryong nagkainteres mag-invest sa bansa .At hindi rin basta-basta ang ipapasok nitong pera sa kumpanya kung saka-sakali. Sa pagkakataong ito hindi na naitago ni Brent ang tungkol dito sa CEO ng kumpanya.Agad silang pinatawag sa office nito. "Brent!you're in charge about this,right?" pagsisimula ni Don Manalo "Yes,sir!" Brent answered for formality sake sa uncle nito. "At bakit ang baguhang empleyada natin ang hinayaan mong humawak ng proposal na ito!"pasigaw nitong sabi. "I'm sorry,sir ngkaproblema kasi ang PA ko and there's nothing to worry about dahil kaya naman po ni Malliah ihandle ang lahat."paliwanag nito. "Can you hear what you are saying!ni walang experience itong si Malliah!!you're putting the company to such shame Brent!"galit nitong sabi nakayuko lamang si Malliah para siyang lalamunin ng buo ng opisinang kanyang kinaroroonan. Tila ba isang batang paslit na inaaway at wala itong magawa upang ipagtanggol ang sarili. Wala siyang ginawa kundi bulungan ang Panginoon na patatagin siya sa sitwasyong ito. "Hindi ba pwedeng ipagpaliban mo nalang ang schedule mo that day for this matter ,Brent!"bulyaw sa kanya ni Don Manolo. "I can't sir ,our company is set to sign a contract with Ms. Grande and she asked me personally to come dahil mayroon siyang mahalagang sasabihin."isa ito sa mga bigating investor nila or should I say pinakabigating investor kaya naman hindi talaga maaaring balewalin ito."Kapag pumalpak ka rito sa desisyon mong ito ,Brent!Hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ka sa posisyon mo!"lalo pang lumakas na sigaw ni Don Manolo.Nagmistulang impiyerno tuloy ang buong opisina , ang init ay nakakadarang!ang sigaw sa loob ay nakakabingi.Buti na lang at may emergency si Amaya at kelangan nitong pumunta sa Korea ng wala sa oras dahil bigla umanong sinugod sa hospital ang lola nito na doon na nakatira,dahil sa mayroon din silang business doon.Kung hindi ay mas lalo nanaman sanang iinit ang sitwasyon."And you,Malliah the company expect you to be at your best!wala na akong magagawa sa ngayon kundi ang iasa sa iyo ang kumpanya!"baling nito sa kanya na galit na galit pa rin. "Yes,sir!I will do my best ."Huwag mong sabihin, gawin mo!" agad na sigaw ni Don Manolo sa kanya. "Ano pa nga bang magagawa ko nandito na tayo" dagdag pa nito. Tahimik lamang na nikikinig si Malliah,nabibigla man sa ganitong scenario ay alam niyang masasanay rin siya.Hindi naman niya masisisi si Don Manolo na magreact ng ganito ka-intense. Lumabas na sila ni Brent sa opisina. "Malliah,I'm sorry for putting you into so much trouble,it's my fault."nahihiyang wika sa kanya ni Brent."It's okay Brent,I understand.Wala ka namang masamang intensiyon." sabay buntong-hininga ." Just do your best!I know hindi ako nagkamali sa desisyon ko." "Sana nga." wika niMalliah,yun na lamang at bumalik na sila sa kani-kanilang opisina. "Ano,magreresign kana?" salubong sa kanya ni Leslie .Halata kasi sa kanyang mukha ang bigat ng nararamdaman nito."Sira! Kaya ko to!" pagpapatatag sa sarili. "Yan tayo eh!"nakangiting wika naman ni Leslie. Alas sais na ng makauwi siya sa apartment, ginugol nito lahat ng oras sa pagrereview ng mga files at sa presentation nito at mga istratehiyang gagawin upang makuha ang deal kay Mr. Chan. Dati nung bata siya bago sila magtinda ng kakanin ng kanyang nanay ay ganoon ang kanyang ginagawa ,bago aalis ng bahay ay mag-iisip muna siya ng pakulo kunwari sasayaw o kakanta upang lalong dumami ang bumili sa paninda nila ,magaling rin siya magsales talk.Naaaliw nga ang kanyang ina dahil napakabibo nitong bata,walang kaarte-arte sa katawan. "Over time ,girl?pinapahirapan ka naman ata masyado ng kumpanya ninyo." salubong sa kanya ni Abi ng dumating siya sa kanilang apartment. "May tinapos lang ako." agad naman niyang wika."Kain na tayo ,para maaga tayong makapagpahinga ,medyo badtrip din kasi si sir Zeus ngayon sa opisina dahil may nalalapit siyang business proposal sa isang bilyonaryong business ambassador mula Japan. " sabi ni Abi at kunwari'y hindi niya nalang ito pinagtuunan ng pansin para hindi rin mahalatang yun ang pinoproblema niya. Dumating ang araw ng sabado, maaga siyang nag-almusal at nagbihis upang hindi malate ngayong araw ,ito ang matagal na niyang pinakahihintay hindi man alam ang kahihinatnan ng lahat ay hindi naman siya gaanong kinakabahan dahil na rin siguro sa patuloy nitong pagdarasal sa Diyos. "Anything you ask in prayers,you will receive if you have faith.-Matthew 21:22" ito ang paborito niyang verse .At dahil sa faith na yan ay mas lalo siyang tumatatag. Isang black lace turtleneck ang kanyang suot long sleeve ito na above the knee ang haba .Nagsuot siya ng 3 inches black high heels na lalong bumagay sa maputi at makinis nitong kutis.Lalo siyang sumeksi sa damit nito. Maayos niyang pinusod ang mahaba nitong buhok,nagpulbo at nag-liptint lang siya na bumagay sa kanyang mga labi ,hindi na din naman niya kailangang mag-ayos pa ng kilay dahil ang kilay nito'y natural na maayos na. Nang makuntento na sa kanyang awra ay bumaba na siya sa kanyang kwarto hindi na niya ginising pa si Abi dahil mahimbing pang natutulog ito. Pumara siya ng isang taxi at agad nagtungo sa hotel na tinext sa kanya ni Brent . Tinanong sa receptionist kung saan gaganapin ang presentation with Mr.Chan ngayong araw.Magalang naman nitong tinuro ang venue. Dahil sa sobrang aga ay siya palang ang naroroon maliban sa mga crew ng hotel na inaayos pa lang ang venue. Habang hinihintay ang mga kasama'y umupo muna siya sa isa sa mga upuan na nasa harap ng isang long table.Ilang saglit pa'y naisipang tumayo sa harap ng malaking projector na kunwari'y nagprepresent upang maibsan ng kahit konti ang nabubuong tensyon sa loob nito. Maya-maya pa'y isa-isa ng nagsidatingan ang mga kasama .Halos sabay na dumating si Mr.Chan at ang mga tiga-EMPI . Laking gulat ni Malliah ng maglandas ang mga mata nila ni Zeus. Mga matang nagtatanong,mga matang halatang gulat na gulat,sa sitwasyon.Naririnig nito ang bawat t***k ng kanyang puso.Mga t***k na wari'y pabilis ng pabilis .Tumigil ang takbo ng oras.Hindi alam kung ano ang mararamdaman. "Good morning!"masayang bati ni Mr. Chan bigla namang nahimasmasan ang kanyang guni-guni. "Ah ,eh g-good morning po." nauutal nitong bati. "I'm Malliah Gonzales from Vergara's Realty Group,sir nice meeting you po." pakilala nito sa sarili at nakipagkamay na kay Mr. Chan, senior citizen na ang bilyonaryong matanda pero malakas parin ito base na rin sa tindig nito. "Nice meeting you,Malliah." wika nito sa kanya. "Good morning,Mr.Chan nice meeting you I'm Zeus Peterson from EMPI's Real Estate Property." pagpapakilala naman ni Zeus kay Mr. Chan.Lalong nabigla si Malliah ,hindi niya kasi akalaing ang boss lang pala ni Abi ang lalakeng napapanaginipan nito sa likod ng pangalang Zyke."What a small world." wika niya sa sarili. Napapansin niyang patingin-tingin ito sa kanya .Paano na kaya siya makapagprepresent ng maayos gayong andito na sa mismong harapan niya ang lalakeng gabi-gabi niyang kinasasabikang makita,ang lalakeng rason sa mahihimbing niyang tulog,ang lalakeng unti-unting bumibihag sa kanyang puso. "Good morning,Mr. Peterson!nice meeting you!" baling ni Mr. Chan kay Zeus.Inilahad din nito ang kanyang kamay sa dalagang makapagreact ay wagas. Bakit ganon na lamang ang kanyang titig , bakit parang sa pagkakatitig nito'y kilalang-kilala siya ni Malliah."O baka naman napogihan lang siya sa akin." confident na sigaw ng utak "Sabagay maganda naman siya,ay mali sobrang ganda niya."Ano bang sinasabi ng kanyang utak andito siya to get that deal hindi makipaglandian o makipagtitigan sa magandang dilag na ngayo'y nasa kanyang harapan."Since ,everyone is already here now can we start the presentation immediately?" Nakangiting wika ni Mr. Chan.Nagmamadali kasi ito dahil sa may importante rin itong lakad.Naunang nagpresent ang EMPI ,Zeus really a smart man the way he talks,ang mga tindig nito na napaka-professional , hindi maikakaila ang katalinuhan nito. Hindi naman mapakali si Malliah habang pinapanood ang gwapong nagsasalita sa harap. Kahit ilang ulit niya itong titigan ay hindi nakakauyam ang kagwapuhan nito lalo pa itong gumwagwapo sa paningin niya. Ang mga labi niyang kay sarap sigurong halikan. "Ano bang iniisip ko,Lord please help me!" dasal nito ."Not this time,kung sinuswerte ka nga naman!" sigaw ng kalooban. Kelangan niyang iwaksi ang nararamdaman,maging ang presence ng binata. Kung hindi ay kapwa silang malilintikan ni Brent kay Don Manolo. Biglang bumalik sa isip niya ang reaksiyon ni Don Manolo, nung galit na galit sa loob ng kanyang opisina.Ang banta kay Brent maging ang pagsigaw nito sa kanya. Huminga siya ng malalim kailangan niyang paglabanan ang nararamdaman . Natapos si Zeus sa kanyang presentation na wala ata ni isa ang kanyang naunawaan o narinig man lamang dahil abala ang kanyang isipan sa pag-iisip ng kung ano-ano ."Nice presentation!" wika ni Mr. Chan sabay palakpak. Hudyat naman na upang siya naman ang tumayo sa harap at magpresent. Huminga ulit siya ng malalim. Kailangan niyang iiwas ang mga mata kay Zeus upang hindi siya mautal-utal mamaya at madistract.Wala na siyang magagawa whether she like it or not kailangan na niyang ipagpatuloy ang nasimulan at patatagin pa lalo ang kalooban. Malliah ,stand there as if she knows everything, sobrang galing nitong magpresent yung tipong boses palang ay makukuha na nito agad ang atensiyon mo, Kahit si Zeus ay hindi maipagkakailang bumilib a dalaga,lalo tuloy netong nakuha ang atensiyon niya. She's really a smart girl. "Our company has a lot to offer but most importantly it has a heart that is willing to serve."yun lang at natapos na ni Malliah ang kanyang presentation ng maayos. Tumayo ang lahat after her presentation maging si Zeus ay napatayo rin ng di inaasahan. "That one is impressive!" bati ni Mr . Chan. "I guess , I'll set some other time to sign for a contract to your company,Ms. Gonzales." nagulat naman siya sa sinabi ng matanda,walang mapaglagyan ang kasiyahang nadarama,everyone congratulated her even Zeus did. Nang maglandas ang ulit ang kanilang palad ay may kung anong koryente ang dumaan mula sa kanyang palad papunta sa kanyang puso na nagdulot ng kakaibang pakiramdam. Matagal ang pagkakahawak na iyon habang kapwa silang nakatitig sa isa't isa. "Mr.Peterson,can we talk." singit ni Mr . Chan ,nagulat pa silang dalawa kaya naman bigla silang napabitaw . "I'm sorry for rejecting your offer,but i'll recommend you to my friend because your company is excellent too,just like me he's willing to invest here in the Philippines."wika nito. "Oh,thank you Mr. Chan!"hindi na rin masama na hindi nila nakuha ang deal na ito dahil si Mr. Chan na mismo ang magrerecommend sa kanila for another deal."Good morning,Mr.Chan nice meeting you and i'm very sorry for being late." sabi ni Don Manolo na kararating pa lamang."Mr. Vergara,nice meeting you! There's nothing to worry about you got your smartest employee here. You're very lucky for having such a beautiful,witty and impressive employee like her."proud at nakangiting wika nito sabay tingin kay Malliah. "Congratulations!" dagdag pa nito sabay shake hands ang dalawang matanda. Nilapitan nito si Malliah "Good job!" nakangiting sabi nito. Maamong maamo na ang itsura nito ngayon kumpara noong isang araw na akala mo'y mangangain na ng tao sa sobrang bagsik. "Thank you po,sir." wika naman ni Malliah. Nang lingunin ang kinaroroonan kanina ni Zeus ay wala na ito. Maya-maya pa'y nagpaalam na rin si Mr. Chan ,babalik nalang daw ito next week sa kanilang kumpanya for the cotract signing. Bigla naman siyang nagutom at hindi iyon maitatanggi ng tunog ng kanyang tiyan. Napatawa naman ng bahagya si Don Manolo "Hungry?" tanong nito."Okay,lang po sir uuwi nalang po ako at doon sa bahay kakain. "sagot naman nito. "No!you deserve a treat." wika naman ng matanda. Sumakay sila sa kotse ni Don Manolo,sa tabi ng driver siya umupo. Bago pinaharurot ang sasakyan ay pinatugtog muna ng driver ang paborito nitong mga kanta ng The Beatles na paborito rin nila ng kanyang ina . Sa isang sikat na Steak House sila nagtungo upang kumain ,nahihiya man ay pinagbigyan na rin niya ang boss nito. "What do you like to order,Malliah?" tanong nito."Kayo nalang po ang umorder,sir." nahihiya nitong wika. Tahimik lang siya habang hinihintay ang pagkaing inorder ni Don Manolo. "By the way,I'm sorry for how I reacted before and how I underestimate you." pagpapakumbaba ni Don Manolo."Okay lang po,sir." sagot naman nito na nakangiti. Alam naman niya na may kabaitan talagang itinatago itong si Don Manolo,hindi lang siguro makita ng nakakarami dahil na rin sa araw-araw mainit ang ulo nito lalo na pag nasa opisina siya.Tahimik silang kumain at nang matapos na ay agad na silang umuwi hindi na siya sumabay pauwi dahil sinabi nitong susunduin siya ng kaibigan pero ang totoo ay nahihiya lang siyang magpahatid rito.Sumakay ulit siya ng taxi pauwi.Nagring naman ang kanyang cellphone.Brent is calling,oo nga pala nakalimutan na niyang balitaan si Brent kanina."Guess what!"masayang bungad nito "What!" agad tanong ni Brent ."We got the deal!" sigaw nito. "Hooo!I told you! congratulations!"wika ni Brent sa kanya na para namang nanalo sa lotto sa tuwa. "Thank you,Brent!" baling naman nito. "Let's celebrate tomorrow!My treat!" masayang sabi ni Brent ."Okay,sasabihin ko mamaya kay Abi,bye.!" masayang tugon naman nito bago pinatay ang tawag. Ano kaya ang magiging reaksiyon mamaya ng kanyang best friend. Excited tuloy siyang umuwi ,nang biglang maalala si Zyke na si Zeus pala sa totoong buhay.Maniniwala kaya si Abi? Ang gwapo talaga nito. Ang mga mata niyang punong puno ng emosyon, ang ilong nitong perpekto ang hugis at ang labi nitong mapupula na hindi niya siguro kailanman pagsasawaang halikan . Ano nanaman ba ang tumatakbo sa isip niya. Pilit niyang iwinaglit ang sarili na isipin yon ,napadako naman ang mga mata nito sa kanyang palad,mga palad na kanina lang hawak ni Zeus. Nababaliw na ba siya? Paano ba niya mapaglalabanan ang nararamdaman ,ni hindi man lang kilala ng lubusan ang lalakeng kinahuhumalingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD