Naging tahimik na ang byahe naming mula noon hanggang sa maka rating kami ng Pampanga. Hindi ko nan ga kinulit si Siege at hinayaan nya na din ako na manahimik. Dahil na din siguro doon kaya naka tulog ako. Nagising nalang ako sa dahan dahan na pagtap sa braso ko. “Cali, wake up andito na tayo.” Rinig kong sabi ni Siege. “Hmm,” sagot ko sa kanya at dahan dahan na idinilat ang mga mata. Napansin ko na andito na pala kami sa camp. “Gising na andito na tayo,” sabi ni Siege sa akin. Seryoso syang naka tingin sakin ng wala manlang bakas ng ngiti sa labi nya. “Ahh oo salamat,” sagot ko naman at saka mabilis na naginat inat at nagayos ng bahagya ng sarili. Paglabas naming ng sasakyan agad na kaming pumunta sa registration. “Yo, Calistar!” bat isa akin mula sa likod. Paglingon ko

