“Gusto mo bang mapahamak Cali?! Hindi ganyan ang tamang paraan ng pagpapakamatay! Hindi mo naman sigurado kung andyan ba talaga si Siegfried. Bumalik na tayo at saka tayo humingi ng tulong. Hindi natin pwedeng sagupain yung tubig!” nagagalit na sagot sa akin ni Elliot. Rinig na rinig ko na din yung ragasa ng tubig. “No, no hindi ako aalis dito kung gusto mo umalis ka na ako hahanapin ko si Siege kasi sinamahan nya lang ako! Naiintindihan mob a ako ha Elliot? Sinamahan lang ako dito ni Siege kasi walang ibang sasama sa akin tapos gusto mong iwanan ko yung tao? Seryoso ka ba ha!?” Nafu-frustrate na sagot ko sa kanya. Hinding hindi ko gagawin yun kay Siege. “Hindi ko naman sinabi na pababayaan mo sya Cali, we just have to go back to the safer place and by then we will find a way to mak

