“Ma’am may mga tao po sa labas na hinahanap po kayo, mga stylist daw po sila sabi po Ma’am pa papasukin po ba namin ma’am?” tanong ni Manang Selya sa akin.
Nagdadalawang isip man ako eh sinabihan ko na din si Manang Selya na papasukin sila at nakakahiya naman na pa alisin pa yung mga tao.
Eto talagang si Lili nako pag di pa to tumigil totompyangin ko na talaga tong babaeng to. Ay nako talaga!
“Hello po Ma’am Cali we meet again po!” masayang bati ni Carla at Lyka sa akin.
Agad akong bumeso sa kanila at ngumiti.
“Hello din nako oo nga pasenysa na kayo kinulit ba kayo ni Lili? Napaka kulit talaga non e pero kung may mga mas importante kayong lakad ha you can go ahead, hindi sa pinapaalis ko kayo its just that sa I know that you guys are really busy and ayoko naman na maka istorbo pa sa inyo.” Sabi ko kaagad sa kanila.
Alam ko kasi na talagang busy din sila, kung hindi ako nagkakamali ay mga professional stylists sila.
“Ay naku! Ma’am Cali! Hinding hindi po kayo makakaistorbo sa amin! Sa totoo nga po yung boss naming papunta na din po kasi personal nya po kayong gusting iguide po sa fashion transformation nyo po gaya nga po ng sabi ni Ms. Lili,” naka ngiti na sabi sa akin ni Lyka.
Hay nako kita mo yung babaeng yon talaga kung ano ano pa ang sinasabi kanila Lyka!
“Nako eh ganun ba hindi naman kaya sya ma abala? Hindi naman ako ganoon ka importante saka isa pa may mga dala naman na ata kayong damit di ba? Dyan nalang siguro ako mamimili at ayos na iyon kesa maabala ko pa kayo,” nag aalalang sabi ko sa kanila.
Umiling naman ang dalawa at ngumiti.
Isang napaka gandang babae naman ang natanaw ko na palapit sa amin.
“Hello Cali dear,” naka ngiti na bati sa akin ng babae at saka mabilis na bumeso sa akin.
“Hello din po,” nagaalangan ang ngiti na sabi ko sa kanya.
“Ma’am Cali, this is Savannah Saavedra po, ang aming head stylist sa Ystilo.” Pakilala ni Lyka sa akin sa babaeng dumating.
Agad ko namang iniabot ang kamay ko sa kanya.
“Hello po, ako po si Calixsha.” Naka ngiti na bati ko sa kanya.
Ngiting ngiti naman sya sa akin na para bang masayang masaya sya na makita ako.
Agad nyang tinanggap ang kamay ko para ishake hands.
Ganon nalang ang nagging gulat ko nang iangat nya ang kamay ako at minotion ako na umikot.
“Haaay! Azrael is really good with women ha! You are very beautiful!” masayang masayang sabi nya nanaman.
Kunot naman ang noo na na pa tingin lang ako sa kanya.
Azrael?
Si Siege?
“Ah nako my bad. I forgot to tell you I am Azrael’s favorite cousin.” Naka ngiti na sabi nya sa akin.
“Si Siege po?” paninigurado ko pa sa kanya.
Tumango tango naman sya.
“Yes sya na nga I guess you guys call him Siegfried hano? To us kasi na very close to him we call him Azrael,” kwento nya.
Tumango tango naman ako at saka ngumiti.
“It’s my pleasure po to meet you po Miss Savannah,” nahihiya pero sincere kong sabi sa kanya.
Ngumiti naman din sya sa akin.
“Nako no, it’s my pleasure! Hindi ko lang din talaga mahintay na ipakilala ka ni Azrael sa amin! Kaya nung nalaman ko na may record kami ng transaction with him naloka tallaga ako! Inalam ko kaagad kung sino kasi I am very sure na hindi sya, but he rarely uses his black card kasi! You know the usual Siegfried Azrael Montreal,” dagdag nya pa.
Nangingiti lang ako sa kanya.
“We are very close, kahit hindi mo na itatanong hano ishare ko lang nako magkasama kami nyang lumaki ni Azi. Napaka sungit at napaka grumpy na bata! I remember when my husband was still courting me! He asked him kung kaya nya ba akong buhayin dahil daw maluho akong tao! Can you imagine!?” natatawang kwento nya pa.
Natawa naman din ako hano the typical Siegfried nga talaga.
Very straight to the point.
Yun yung isang bagay siguro na talagang characteristic ni Siege. He doest sugar coat. Hindi uso sa kanya nya yung ganun, he will say whatever he wants to say.
Kahit pa masaktan ka, pag yun ang tama at yun ang totoo? Sasabihin at sasabihin nya yun sayo.
“Naiimagine ko nga po Miss Savannah hehe medyo prangka po talaga din kasi iyong si Siege.” Sabi ko naman sa kanya.
“Nako ha don’t call me Miss Savannah na! You should call me Ate Vannah nalang hindi ka naman na iba ano k aba.” Sabi nya naman sa akin.
Nahihiya na pa tango ako sa kanya.
“Hehe kung ganon po eh sige po Ate Vannah. By the way baka po may schedule po kayo or something more important that you have to attend to? I really wont mind po Ate. Medyo pasaway lang po kasi ang kaibigan ko, avctually yung isang kaibigan kop o ang nang bud okay Siege dahil may date po sana kami ngayon ni Siege pero hindi naman po totoong date yun,” kwento ko sa kanya.
“What do you mean?” na guguluhang tanong naman nya sa akin.
“Ah eh kasi po naawa po siguro sa akin ang pinsan nyo kahapon po kasi ay umattend po kami ng charity ball sa kasamaang palad eh mga tao po ang iniauction at sa mas kasamaang palad po eh nasama po ako doon. Naawa po sa akin si Siege kaya hayon at nagbid po sya para sa akin.” Nahihiya na kwento ko sa kanya.
Maka hullugan naman syang naka ngiti sa akin.
“Really? So how much did he bid on you then?” tanong nya sa akin.
“Ah eh three million po?” nahihiya na sabi ko sa kanya.
Tawa naman sya ng tawa ng marinig ang sinabi ko.
“Nako dear, believe me hindi naawa ang pinsan ko sayo. He badly wants to go out with you then. Napaka kuripot na tao non unless painting ka na tumataas ang value? Haha! Hay nako I don’t know if you are just naïve or you didn’t really wanna give it a thinking but believe me. My cousin wouldn’t bid three million just for a date. You must really be something Calixsha,” naka ngiti na sabi nya sa akin.
Agad ko namang winagayway ang kamay ko.
“Naku naku mali po kayo ng iniisip ma’am maniwala po kayo magkaibigan lang po kami nung pinsan nyo. Medyo malalapit din po kasi kaming magkakaibigan kung hindi po sya ang nagbid sa akin siguradong yung mga ibang kaibigan ko naman po ang nagbid. Kung mapapansin nyo po kasi hindi po ako ganun ka babaeng babae hehhe pero babae po ako Ate ha, hindi nga lang po yung girly girly type pero babae [po ako,” mahabang paliwanag ko sa kanya.
Masayang masaya naman syang tumawa sa akin.
“Hay nako, do you know how much this clothes costs? Tell her Lyka!” masayang sabi nya kay Miss Lyka.
Na pa tingin naman sa kanya si Miss Lyka.
“Ma’am nako specifically po sinabi ni Mr. Montreal na hindi po sasabihin kung magkano po ang mga damit at service fee po natin sa kanya hehe baka po mademanda po tayo ma’am,” nagaalangan naman na sabi ni Miss Lyka sa kanya.
“Naku Lyka ikaw talaga hindi tayo kakasuhan non hano takot lang nya sa akin. Dali na sabihin mo na kay Cali para maniwala na sya sa sinasabi ko dali na!” tuwang tuwa nanaman na sabi nya kay Miss Lyka.
Nag aalangan man si Miss Lyka ay sinunod pa din sya.
“Bale yung service fee po naming ma’am para po sa pamimili at pagsstyle ng damit nyo po bale eight hundred fifty thousand po ma’am yung consumeable amount nyo naman po para sa mga casual at formal attires nyo po ay five million pesos po for a whole year nap o yun ma’am,” laglag ang panga na napa tingin ako sa kanila.
“Seryoso po ba kayo?” taking taka na sabi ko sa kanila.
Wala naman sa pagmumukha at pagkatao ni Siegfried Azrael Montreal ang gagastos ng ganoon kalaking pera para sa mga damit at isa pa ano naman ang maihita nya don at sa pagtulong sa akin? Sa totoo lang jag lang at guess ayos na ako!
Hindi pa ata ako umuubos ng two million sa isang taon para sa mga gamit at damit ko. Saka lagi lang naman din kasi akong naka pants at saka tshirt kaya bakit ako uubos ng ganun kalaking pera di ba.
“Yes dear, kaya nga sabi ko sayo sa akin ka maniwala okay? There is something with you. Kilala ko si Azi. He will not take this much effort for a girl kung hindi importante. O sya let’s get started? Dahil may date ata kayo ngayon anong oras ang date nyo?” tanong pa nya s aakin.
“Ah eh hindi ko nga po alam ate eh hehehe sabi nya lanng po sa akin gumayak nap o ako,” nagaalangan na sagot ko sa kanya.
“WHAAAT?! NAKO EH GUMAYAK KA NA GIRL! Team! Kilos na!” mabilis nyang sabi sa kanila.
Iniakyat na nila sa kwarto ko lahat ng damit at gamit na dala dala nila.
May mga make ups, hair equipment tools at saka maraming sets ng damit din silang dala parang good for one month na ata yung dala nila na damit kasi ang dami din.
“What look do you prefer ba?” tanong nya sa akin.
Hindi naman ako naka sagot agad dhail hindi naman ako maalam alam sa mga look look na sinasabi ni ate Savannah pero nagisip pa din ako.
“Hmm sa totoo lang po ate Savannah wala po akong alam sa mga looks looks nga po pero kung ako po ang tatanungin nyo ang gusto ko pong itsura ay yung simple lang po wala pong masyadong makapal na makeup, tapos sa damit naman po ay yung sakto lang din po. Hindi po sana yung mga maiikli po at medyo revealing ang chest part,” dirediretsong sinabi ko sa kanya.
SInabi ko na kaagad ang mga sa palagay ko ay magiging komportable ako, mas okay kasi na komportable ka sa suot at sa itsura mo kaysa sa sobrang ganda mo nga pero bihis na bihis ka naman kaagad kasi hindi ka komportable sa suot at itsura mo.
“You know what I like you, now I kinda know why my cousin is interested in you. You are indeed special Cali,” naka ngiti na sabi nya sa akin.
At sa pagkakangiti nya parang may biglang bumalik na ala alas a akin.
Alam ko na kung bakit pakiramdam ko kilala ko sya at kung bakit nong nakita ko sya kanina ay napaka pamilyar nya sa akin.
“Ahm Ate Savannah? I hope you don’t mind me asking po pero may kapatid po ba kayo?” hndi ko mapigilang itanong sa kanya.
Na pa hinto sya sandal sa pagpipili ng mga damit na susuotin ko at dahan dahan na lumingon at ngumiti sa akin.
“Yes, but she passed away already.” Sabi nya sa akin.
I knew it.
“Kapatid nyo po si Selene?” hindi ko mapigilang itanong sa kanya.
Pamilyar na pamilyar sya sa akin kasi yung paraan ng pagngiti nya, yung postura at pananalita nya kamukhang kamukha nya si Selene!
“Yes,” tipid at malungkot syang naka ngiti sa akin.
I was lost for words for a minute hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
“ She is such a good friend po, kaibigan ko din po yung ex boyfriend nya. Actually po best friend ko po. Hindi kop o alam kung huli na ba para sabihin ko sa inyo ito pero sobrang nasaktan din po si Eidrian sa nangyari kay Selene at hanggang ngayon po sinisisi nya pa din po yung sarili nya sa nangyari kay Selene. Sana po mahanap nyo po sa mga puso po ninyo na patawarin po yung kaibigan ko,” malungkot kong sabi sa kanya.
I would really mean a lot to Eidrian kung dadating yung panahon na mapapatawad din sya ng pamilya ni Selene.
“Hindi nya naman kailangang humingi ng tawad dahil aksidente ang nangyari. Ipinaliwanag na ni Azi sa amin ang lahat noon pa hindi na lang din hinayaan ng mga magulang ko na makalapit pa si Eidrian kay Selene because that time they were looking for someone to blame for what happened to my sister. You can only imagine the pain of losing a child kaya hindi nyo din talaga kami maisisi. But as time passes by we realized that it was nobody’s fault. Walang may gusto sa kung ano man ang nangyari at alam naming na kahit si Selene ay hinding hindi nya sisisihin si Eidria,” mahabang sabi ni Ate Savannah sa akin.
“We know how much they loved each other, their love was really young you know? But it was true. And I hope na katulad namin, mapatawad na din ni Eidrian ang sarili nya. I hope nothing but the best for him. IKaw nalang ang magsabi nito sa kanya ha?” naka ngiti na sabi nya sa akin.
Pinunasan nya pa ang mumunting luha na tumulo sa mga mata nya.
Mabilis akong lumapit sa kanya at saka yumakap.
“Salamat po Ate Vannah,” I sincerely said to her.
I just hope too n asana nga, sana mapatawad na din ni Eidrian ang sarili nya. Sasabihin ko to kaagad sa kanya sa susunod na agkita kami.