Chapter 29

2661 Words
“O sya enough of Eidrian halika na kailangan ka na naming igayak ka dahil any moment now pwede nang dumating ang prince charming mo, anong oras na ba?” tanong ni Ate Vannah kay Miss Lyka. Agad naman din syang tumingin sa relo. “Ma’am three in the afternoon nap o,” sabi naman ni Miss Lyka sa kanya. “Ay omg! Kailangan na nating igayak si Cinderella let’s go na guys!” mabilis na sabi nya. Kaagad na nagpahilera sya ng mga damit, inilabas na din ng mga secretary nya yung mga makeups at mga hair equipments na dala dala nila. Yung ibang damit ay iniayos na din nila sa walk in closet ko. “Hmm anong kulay ang sa palagay mo ay bagay sayo?” tanong nya sa akin. Agad naman akong na pa isip. “Ah eh ate hindi kop o alam hehehe pero medyo pale po kasi ang kulay ng balat ko kaya baka po yung mga light colors lang din po,” sabi ko naman sa kanya. Tumango naman sya at ngumiti, “You know why you look pale? Kulang ka sa tulog at vitamins. Nagulat nga ako at hindi ka nangingitim kahit pa sa pagkaka kita ko sa mga pictures mo ay mukang napaka out-going mong tao. You love outdoor activities?” tanong nya sa akin. Marahan naman akong tumango at ngumiti. “Dahil na din po siguro ate puro lalake ang mga kaibigan ko mas nasanay din po ako sa mga activities na medyo extreme para sa mga babae. But nevertheless nag eenjoy naman din po ako talaga, lalo nap o kapag nagkakarera po ako.” Naka ngiti kong kwento. Ewan ko ba kung bakit feeling ko nag oover sharing na ako kay Ate Vannah pero okay lang, hehehe minsan lang din kasi akong may nakakausap na iba tungkol sa mga hobbies ko at interests. “Hahaha nako halata nga sayo, don’t get me wrong ha I mean halata na naeenjoy mo dahil andami mong pictures ng hiking, biking and motocross hindi naman kasi yan usual na gusto ng mga typical girls. Parang naiintindihan ko tuloy si Azi kung bakit ka nya type!” natatawang sabi nya. “Do you know that he probably likes you?” naka ngiti na sabi nya at saka iniangat ang isang damit at ipinakita sa akin. Isang simpleng satin dress na medyo body hugging ang design ang napili ni Ate Vannah kulay cream ito na ilang sequence design, simple pero napaka ganda. “Ang ganda po nyan ate,” komento ko sa kanya. “Yes, bagay to sayo. Pero sagutin mo muna yung tinanong ko sayo ah madaya ka naman eh,” natatawang sabi nya sa akin. Pakiramdam ko ay namumula na ngayon ang pisngi ko sa sobrang hiya sa tanong nya sa totoo lang kasi hindi ko na talaga sya sinagot dahil hindi naman talaga kami nasa ganoong level ni Siege baka mamaya bigla nya tanongin yung pinsan nya magulat pa pag ganun. Sabibin sa akin ni Siege nagiging mabait lang syang kaibigan sa akin nagging assuming na ako hano. Ayoko naman ng ganun. “Hehehe eh ate Vannah hindi naman po kasi kami sa ganoong level ni Siege, talagang magkaibigan lang po kami at sa po mabait po kasing tao talaga yon maalaga at maintindihin kaya po kung yung iba nga po siguro talaga iba ang iisipin pero para po sa akin, friendly gesture lang po talaga yun hehehe,” nahihiya kong sagot sa kanya. Tawa naman sya ng tawa sa isinagot ko/. “Hay nako mapapalaban ata si Azi sayo, haha o sya sige na magbihis ka na isuot mo na to,” na tatawa nyang sabi. Mabilis ko namang kinuha ang damit sa kanya at ngumiti Pagpasok ko sa restroom mabilis akong nagbihis dahil ayaw ko naman silang paghintayin. Ganon nalang din ang nagging gulat ko nung maisuot ko yung dress kasi ang ganda nya talaga sobrang galing mamili ng team nila Ate Vannah. Now I know kung bakit isa sila sa top styling firm sa bansa talaga iba yung quality ng service nila. Paglabas ko kanya kanya sila ng ginagawa si Ate Vannah naman ay nagsesetup ng vanity mirror. “Wow! Sabi ko na bagay na bagay talaga iyang dress nay an sayo!” masayang masayang sabi nya. Agad nya akong pinaupo. “Halika na ayusin na natin ang make up mo!!! Naku magugulat talaga si Azi pagnakita ka. Sino ang magsasabi na ikaw yung kaibigan nila na kasakasama nilang nagbobola? Hahaha! Hay naku Cali! You are missing out so much! Huhulaan ko kahit pa obvious na to! Wala ka pang nagigingn boyfriend ha no?” na tatawa nya nanamang sabi sa akin. Marahan akong tumango at ngumiti sa kanya. “I knew it!” tatawa tawang sabi nya. “I hope you don’t mind this pero alam mo ang g**g g**g ng loob ko sayo, namiss ko tuloy si Selene dati alam mob a ako ang nagsshopping para sa kanya kasi yung bata na yon napaka tamad! Hindi talaga sya mahilig maglalabas masyado. Kaya pati pamimili ng damit ako ang gumagawa pero okay lang din kasi natutuwa naman akong bihisan sya, if you don’t mind me asking ha, ano ang mas preferred mo? Gusto mob a talaga na boyish type or gusto mo din subukan yung maging babae na talagang babae without hesitations and all?” tanong nya sa akin. Sa totoo lang ayos naman ako sa kung ano ako ngayon I don’t mind people thinking that I am a lesbian dahil sa totoo lang? there is nothing wrong with being a lesbian or bisexuals as long as you can freely express yourself and love yourself more para sa akin dapat dun ka sa mas nakakapagpasaya sayo. Pero now nung nakita ko yung saya ng Dad ko kahapon nung makita nya ako parang napaisip ako, why don’t I try di ba? Baka din kaya hindi ako komportable sa pagiging girly girl ay dahil wala naman akong mother figure na pwedeng tumulong sa akin na mamili ng damit o magayos. Hindi naman din masama na subukan. “Hmm gusto ko pong subukan na maging mas maayos po as a woman, gusto ko lang pong itry ate since before po ay hindi ko pa naman nasubukan bukod pa po sa gusto ko pong maexperience eh saying naman po yung libre ni Siege sa akin kung hindi kop o susulitin hehehe madaming bata po ang nagugutom kaya dapat lagi tayong thankful sa kung ano ang narereceive natin,” mahabang sabi ko sa kanya. Natawa naman si Ate Vannah sa akin. “Hahaha yes I know, edi ayan may permission mo na ako? Tara na I promise you I will help you Cali! I will make it my mission to help you!” masayang sabi nya. Pinasandal nya ako sa upuan at saka sinimulan na make-upan, matapos ang ilang minute ay isinunod naman nila na ayusin ang buhok ko. Dahil mahaba ang buhok ko napagdesisyonan nila na ilugay nalang iyon at saka kulutin ang dulo. Pagkatapos ng ilang oars ay nayari na din nila akong ayusan. Habang naka tingin ako sa reflection ko sa salamin, parang nagugulat pa din ako dahil parang literal na glow up ang nangyari sa akin. Grabe, iba talaga ang power ng make up! “Ang ganda po talaga ni Maam Cali hano maam? Pwede po syang mag modelo maam,” komento ni Miss Lyka. Agad namang tumango si Ate Vannah. “Oo nga eh haaay, Cali sabihan mo ako pag gusto mong mag model ha madami akong kaibigan sa fashion industry!” masayang masayang sabi nya sa akin. “Nako ate Vannah parang hindi naman po ata ako pang ganon hehehe masaya nap o ako sa ganito na napapaganda nyo nap o ako parang hindi nap o ata ako pang ganun na level hehehe baka mapahiya ko lang po kayo sa mga kaibigan nyo ate pero salamat po,” naka ngiti kong sabi sa kanya. Ganito pala yung pakiramdam ng may ate, kakakilala ko pa lang sa kanya pero ang gaan gaan din ng loob ko sa kanya. “Hay nako ikaw bat aka wala ka manlang ka self confidence self-confidence sa katawan hano? Maniwala ka sakin dear kayang kaya mo yun with the right attitude and mentoring you can even go international sa ganda mo nay an! Kaya basta sabihan mo ako,” pagpupush nya na naman sa akin. Napapa iling nalang ako sa kanya habang naka ngiti. “Oh pano tapos na ang duties naming sayo dear, as much as I wanted to stay my husband texted me hinahanap na daw ako ng aking buchingching so I gotta go. Yari naman na din sila Lyka. All you have to do now is sit and wait for your prince charming to come okie?” naka ngiti na sabi nya sa akin habang nag aayos ng mga gamit. “Hay nako Ate Vannah haha baka po mamaya isipin ni Siege assumera na ako, talagang magkaibigan lang po kami ng pinsan nyo ate hehehe,” sabi ko naman sa kanya. Tumawa nalang sya sa akin at saka tumango. “Osige na sabi mo eh hahaha sige na byeee!” sabi nya sa akin at bumeso pa ulit bago sila umalis. Tahimik na naka upo lang ako sa living room naglalaro ako ng gardenescapes habang naghihintay kay Siege. Akala ko nga madadalawang indian ako for todays video pero narinig ko na kaagad yung pamilyar na tunog ng sasakyan nya. Ilang minute lang ang lumipas at narinig ko nan a binabati sya ng mga kasambahay naming. “Hey,” marahan nyang tawag sa akin. Paglingon ko naman sa kanya ay medyo nagulat pa ako sa itsura nya. Nakasuot lang sya ng itim na tshirt na tinernohan ng itim din na coat, wala syang salamin at mukhan g nagpagupit pa ng buhok. Sa totoo lang ang gwapo nya ngayon sa paningin ko, ewan ko parang ang fresh nya lang tibgnan hehe. “Huy! Akala ko hindi mo din ako sisiputin eh magtatampo na talaga ako!” biro ko kaagad sa kanya. Dahan dahan syang lumapit sa akin at saka ako hinalikan sa pisngi. Nanlalaki ang mga mata at pigil ang hininga ko nung lumapit sya sa akin. Ganon nalang ang nagging gulat ko sa ginawa nya. “Woah that was new?” hindi ko mapigilang sabihin sa kanya. Sa sobrang gulat ko siguro kasi hindi naman sya bumebeso sa akin! Nanalalaki pa din siguro ang mga mata ko ngayon at actually yung puso ko kumakabog pa din yata! Masyado ang nagging gulat ko sa kanya. Buset na Siege na to. “Hahaha why not? We are on a date right? And ang alam ko ganoon ang ginagawa ng magkadate? Kasi yung mga pasts dates ko ay ganun,” kibit balikat nyang sabi sa akin. Taas ang kilay naman na tinignan ko sya. “eh ako kaibigan mo hano sila ba kaibigan mo?” pang sisita ko pa din sa kanya., Mas okay yung ganito kahit na may naramdaman talaga akong awkwardness mas okay na naguusap kami. “Well all the more to be more close because were friends right?” naka ngisi nyang tanong sa akin habang naka pamulsa pa. Napapatulala nalang din ako sa kanya, ang gwapo nya lang din talaga ngayon hindi ata ako sanay nan aka gayak sya sanak ako ng naka simpleng pants at white tshirt lang sya palagi din kasi syang naka cap at salamin kaya parang nanibago ako sa itsura nya ngayon. This definitely suits him well. “Miss Calixsha Atarrah Ferrer may plano ka pa bang umalis o tititigan mo nalang ako ngayong gabi?” tanong nya sa akin. Tumingin pa sya sa relo nya. “You still have three more hours to drool over me,” naka ngisi nya na naman na sabi. Natauhan tuloy ako, ay nako ang yabang!!! Hindi naman magkakapatid yung limang mokong nato pero pareparehas ata ang dugo na dumadaloy sa kanilang lima. Puro mg mahahangin hahaha. “Ang yabang mo! Tara na nga!” masungit na sabi ko sa kanya at saka ako naunang maglakad. Tawa naman sya ng tawa sa likuran ko habang sinusundan nya ang pagmamartsa ko. Pagdating naming sa sasakyan nya ay mabilis syang naglakad para pagbuksan ako ng pinto. “I reserved on a restaurant in tagaytay would that be fine with you?” tanong nya sa akin. Tumango naman ako sa kanya dahil gaya nga ng sabi nya eh nakapag pabook na sya alangan naman tannggihan ko pa yung tao, ano ako gold? Hehehe. “Oo okay lang, basta may steak ha.” Sabi ko sa kanya. SObrang hilig ko sa steak as in kahit anong steak pa yan sobrang favorite ko talaga. Pero ang pinaka favorite ko ay yung rib eye na ginigrill lang tapos may mushroom sauce. Lagi akong ipinagluluto ni Dad ng ganun tuwing may panahon sya. “Opo seniorita, ikaw hindi ko alam kung ano ka talaga sobrang simple mong tao pero yung mga pagkain mong gusto hindi pang ganyang lifestyle sayo,” natatawang sabi nya sa akin. “Eh pano nga gagawin ko ganun ang mga gusto ko, sa pagkain manlang maging sosyal ako hano.” Natatawangs abi ko sa kanya. Tumango tango naman sya at saka tumawa. “Nga pala Siege, maalala ko lang bakit mo ako binigyan ng pang fashionista package? Wala ka na bang mapagdalahan ng pera mo?” tanong ko sa kanya. Na pa lingon sya sa akin at saka ngumiti. “Yeah think about it that way, isa pa kinulit ako ng kaibigan mo kaya napilitan ako.” Sabi nya naman. Nako Lili! Yan na nga ba ang sinasabi ko panigurado kinulit sya ni Lili o baka worse binlackmail pa sya pasaway din talaga yon eh. “You don’t have to pay it, I’ll asked my dad to wire you the money. Pasensya ka na kay Lili.” Nahihiya na sabi ko sa kanya. Tumawa naman ulit sya sa sinabi ko sa kanya. “You sounded like a rich princess right now, kapag pala gumaganda sumososyal talaga hano?” biro nya sa akin. HInampas ko naman kaagad ang braso nya. “Alam mo ikaw ang bwiset mo!” naiinis na sabi ko sa kanya. Tumawa naman sya ng tumawa sa sinabi ko. “Bakit? I am telling the truth! Kita mo nga herederang heredera ang datingan natin jan. Yan ang totoong anak ni Mayor Calixto Ferrer.” Natatawa nya pang sabi sa akin. “Alam mo di ko alam sayo kung compliment yan o sarcastic ka na hmp.” Seryosong sabi ko sa kanya. Tumawa naman sya at saka agad na piningot ang ilong ko. “Aww! Ano ba Siege! Masakit! Nakakainis ka talaga!” reklamo ko nanaman sa kanya., Napaka bwiset ng tao na to. “Kita mo ka gumanda ka lang ang sungit mo na din di ka na mabiro. Pwede ka na sa showbiz ah?” pang aasar nya nanaman sa akin. Hindi na ako kumibo sa kanya dahil hindi ako tatantanan nito sa pangungulit panigurado habang pinapatulan ko yung pang aasar nya. Patola din to e. “Matulog ka na muna,” maya maya ay sabi nya sa akin. Umiling namans ako sa kanya. “Okay lang nageenjoy naman akong tignan ang daan. Bat nga pala hindi ka nagpadrive eh sa Tagaytay pala tayo pupunta?” tanong ko sa kanya. Tamad din kasi tong taong to, di ba sabi ko lagi syang naka white tshirt at saka bcap? Kasi tamad syang humanap ng damit plus hindi din sya mahilig magsuklay. Kaya nga naninibago talaga ako sa itsura nya ngayon, mas nanibago pa nga ata ako sa kanya kesa sa akin. “Kung magpapdrive pa ako sa likod tayo sa sakay na dalawa, hindi ko naman kasi alam na gusto mo pala akong katabi. Hayaan mo sa susunod sa likod na tayo uupong dalawa,” naka smirk nyang sagot sa akin. Na literal na nagpalaglag ng panga ko. Ha? May kasunod pa to???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD