Maaga akong pumasok ngayon dahil plano ko sanang tapusin na yung research na kailangan naming gawin dahil may kasunod na activity na agad na naka linya sa schedule ko, ayoko naman na magahol ako sa panahon dahil pag nagkataon baka hindi ako payagan ni Dad na sumali sa national tournament na gaganapin sa Bohol.
Pagkababa ko ng sasakyan dumiretso na kaagad ako sa building namin. Malayo pa ako sa building namin na tanaw ko na si Elliot nan aka tambay sa isa sa mga bench doon. Mabilis akong umikot ng paglalakad at ayoko masira ang araw ko.
Pero sa kasamaang palad mabilis naman din syang sumunod sa akin nung na tanaw nya ako! Ganon kainam tong taong to!
Apaka galing hanep nay an.
Mabilis akong naglakad dahil ayoko talaga na magabot pa kaming dalawa.
Nung pakiramdam ko medyo naka layo na ako sa kanya medyo binagalan ko na ang paglalakad. Na pa layo pa tuloy ako imbis na andun na ako nag ikot ikot pa ako, nako ano ba yan.
Kinapa ko ang bulsa ng pants ko para humanap ng panyo kaya lang sa kasamaang palad wala akong dala!
Pag mina malas malas ka nga naman talaga sa buhay oo!
Huminto ako para kumuha ng tissue sa bag ko, I was about to open my bag when a hand suddenly showed a handkerchief.
Pag angat ko ng tingin ang naka ngisi pa din na si Elliot ang nakita ko.
Hayyy!
“Hay nako! Ano ba ang kailangan mo sakin ha?!” naiinis na sabi ko sa kanya.
Natatawa na kinuha nya ang kamay ko at inilagay doon yung panyo nya na hindi ko tinanggap kanina.
“Eh ikaw bat wagas ka kung makaiwas? As if I have COVID or any contagious disease?” masungit naman din na sagot nya sa akin.
Tinignan ko sya ng masama.
“Well una, ayoko masira mo ang umaga ko, pangalawa ayoko mahanginan mo dahil maaga pa masyado.” Masungit ko din na sagot sa kanya.
Lalo naman syang tumawa sa sinabi ko.
“Ikaw talaga ang lupet mo magsalita oo grabe ka sakin parang wala tayong pinagsamahan nyan. Porket ang ganda mo na ngayon mapanakit ka nang damdamin samantalang dati nung bata tayo nakikiusap ka pa saken para lang pansinin kita,” mayabang na sabi nya sa akin.
Inirapan ko nalang sya at saka nilagpasan.
Hay nako ayoko na makipag ungguyan dito kay Elliot.
“Hindi mo pa nga ako winewelcome back nagsusungit ka na? grabe ka Calixsha.” Sabi nya pa sa akin na parang hurt na hurt sya sa buhay nya.
May pahawak hawak pa nga sya sa dibdib nya na akala mo talagang nasaktan sya sa sinabi ko sa kanya.
Nakaka inis ang arte arte!!!
“Haynako Elliot ha, kung ano man yung dahilan kung bakit ka umuwi ng PIlipinas please lang ha please lang asikasuhin mo na at bumalik ka na sa pinanggalingan mo.” Masungit na sabi ko sa kanya.
Tinawanan nya lang ako ulit at saka ako sinabayan sa paglalakad.
“Inaasikaso ko nan ga ah,” he said while smirking and then looking at me.
Kunot ang noo na na pa hinto ako at tumingin sa kanya.
“Ako ba talaga eh pinagloloko mo ha?” masungit na sabi ko sa kanya.
“Alam mo lalo kang gumaganda pag nagagalit ka akala ko talaga dati magiging boksingera ka paglaki natin kita mo nga naman pwede ka pala magbeauty queen!” hirit pa nya ulit.
Huminto ulit ako at saka ko sya hinampas ng bag ko.
“Tantanan mo na ako ha! Bwiset ka!” pagkasabi ko noon ay mabilis na akong naglakad palayo sa kanya.
Akala ko nga makakatakas na ko pero hindi!
Hindi ako tinantanan ng impakto!
“You look s---” hindi nya naituloy ang sasabihin nya dahil biglang may kamay na bahagyang humaltak sa akin palayo sa kanya.
Pagtaas ko ng tingin ay ang salubong na kilay ni Eidrian ang nakita ko.
“Anong kailangan mo kay Cali?” tanong ni Eidrian kay Elliot.
Nagsukatan pa silang dalawa ng tingin bago nagsalita si Elliot.
He smirked at Eidrian and then looked at me.
“Whatever business that I have with Cali, it’s none of your fcking business.” Masungit na sabi ni Elliot sa kanya.
Eidrian’s eyebrows furrowed in anger.
“Cali is my business so you fck off.” Galit na sabi nya kay Elliot.
Nagsusukatan na silang dalawa ngayon ng tingin.
“How?” naka ngisi namang sabi ni Elliot sa kanya.
I can hear Eidrian’s heavy breathing already, nararamdaman ko na any moment now malamang sa malamang sasabog na sya sag alit.
“How? How? Fck you I am her besftrind.” Galit na galit na sab isa kanya ni Eidrian at saka sya kinwelyohan.
Nagsukatan na naman sila ng tingin.
Na pa tingin naman ako sa paligid at na pansin ko na medyo pinagtitinginan na kami.
“Eidrian tam ana bitawan mo na si Elliot,” pakiusap ko sa kanya.
Hindi naman nya ako sinunod naka tingin lang silang dalawaq parehas sa isat isa na parang walang may gustong bumitaw.
“Bestfriend your stupid as* best friend pa ba ang tawag mo sayo? Masyado kang selfish pare.” Sabi nya kay Eidrian.
“You are the worst!” buong diin pa ding sabi ni Elliot sa kanya.
Hindi ko na talaga maintindihan tong dalawa na ito kung ano ba talaga ang ikinakaganito nila.
“And you think you are better? Bbo ka ba? Di ba pinabayaan mo din naman si Cali? Sino ka bas a tingin mo?” gigil pa din na sabi nya.
Hindi ko na talaga alam kung paano pa silang dalawa paghihiwalayin.
I was about to call Siege when an arm grabbed me.
Pareparehas kaming na pa lingon sa taong humablot sa akin. Pag angat ko ng tingin nakita ko ang seryosong mukha ni Siege na hindi maganda ang tingin kay Eidrian at kay Elliot.
“This is not the proper place to kill each other. Go somewhere else.” Tipid na sabi nya at saka ako hinila palayo dun sa dalawa.
Nung medyo naka layo na kami ay binitawan nya na din yung kamay ko at naiinis na pa tingin na sya sa akin.
“You should’ve called me.” Tipid na sabi nya sa akin.
Na pa iling naman ako sa kanya.
“Tatawagan na nga sana kita talaga kanina pero dumating ka naman na dapat nga hindi talaga natin iniwanan yung dalawa na yon don pano kung magpatayan yung dalawa mo na yon alam mo naman silang dalawa,” mahabang liltanyang sabi ko naman sa kanya.
Sa totoo lang gaya ng sabi ko noon, Elliot and Eidrian used to be super close before. Nagkaroon lang din sila ng di pagkakaintindihan tapos nung nagaral sa ibang bansa si Elliot hindi na nila naisettle na dalawa.
“Pabayaan mo sila matatanda na sila alam na natin kung ano yung dapat at hindi na dapat pa nilang gawin. Ikaw naman ang dapat na iniintindi mo ay yung research mo at hindi yung mga abnormal na tao.” Masungit na sabi nya habang naglalakad kami papasok ng classroom.
Na realize ko nga namay point naman sya pero shempre hindi ko nga din kasi maiwanan yung dalawa don at baka kung anon g**g kabulastugan ang pag gagawin.
Ilang minuto bago ang first subject sabay na dumating sina Eidrian at Lili.
Mabilis na tumabi sa akin si Lili at bumeso.
“Hello my pretty friend Cali!” masayang sabi nya sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya.
“Tapos ka na bas a research?” tanong ko naman dahil malamang sa malamang di pa nya yari napaka kupad nitong taong to.
Kaya bagay to maging prinsesa eh bukod sa napaka prim and proper nya sobrang bagal nya ding kumilos. Sa sobrang bagal nyang kumilos papasa nga syang kapatid ng mga pagong.
“Ehh nasa chapter 2 pa nga lang ako.” Malungkot nyang sabi.
Kinuha nya pa ang notebook nya at ipinakita nya sa akin kung hanggang saan palang ang nagagawa nya.
Na pa iling naman ako sa kanya.
“Paano nay an may announcement na nung susunod natin na activity magagahol ka na naman sa panahon ng pag gawa mong activities.” Na stress na sabi ko sa kanya.
Nagpuppy eyes naman sya kaagad sa akin.
“Ehhh pwede bang tulungan mo na ako?” pakiusap nya sa akin.
Sasagot n asana ako sa kanya nung biglang nagsalita si Siege sa likuran ko.
“She can’t.” masungit na sabi nya kay Lili.
Agad namang na pa taas ang kilay ni Lili sa kanya at tinignan sya ng masama.
“And why is that?” tanong ni Lili sa kanya ng naka taas pa din ang mga kilay.
“Because she doesn’t have time to do someone else’ research. Hindi pa din sya tapos kaya wag mo ng ipagawa pa yung sayo. Kung tamad kang magaral wag kang mandamay ng iba.” Masungit pang sabi nito sa kanya.
Na pa iling iling nalang ako sa kanilang dalawa.
“Dude wag ka namang ganyan kay Lili,” bigla namang awat ni Eidrian kay Siege.
Na pa lingon naman ako sa kanya at halatang nagalala nga sya para kay Lili iniisip nya siguro nab aka na offend si Lili sa ginagawa ni Siege.
“Pare ikaw kasi ang tumulong sa girlfriend mo na mag gawa ng research nya kung di nya kayang gawin na magisa hindi yung kay Cali nya ipapagawa.” Mahinahon pero seryosong seryosong sabi ni Siege sa kanya.
Medyo na tahimik pa si Eidrian bago nagsalita.
“If it doesn’t bother Cali why doesit bothers you? Okay lang naman na tulungan mo si Lili di ba Cali?” tanong sa akin ni Eidrian.
His eyes were telling me to please say yes.
Hayyy
Paano ko ba naman matatanggihan ang ganyang klaseng tingin.
Na pa buntong hininga nalang ako bago sumagot.
“Oo Siege okay lang din naman sa akin dahil papayari na din ako sa may akin. May extra time pa naman ako para tulungan si Lili,”alanganin ang ngiti na sagot ko kay Siege.
Na pa iling nalang si Siege.
“Okay. Basta wag mong ipagawa kay Cali lahat. Di naman Calixsha ang pangalan mo kaya igawa mo ng sariling research yung sarili mo.” Masungit nanamang sabi ni Siege kay Lili.
Naiinis na inirapan naman sya nito.
“Whatever Mr. grumpy bahala ka sa buhay mo ang mahalaga pumayag si Cali. Che!” parang bat ana sabi nya kay Siege at dinilaan pa ito.
Buti nalang at dumating na si Ma’am Leila kaya natigil na din yung dalawa sa kaka asaran.
Makulit talaga tong si Lili kahit na kailan.
“Okay next meeting make sure na makakapag prepare na kayo ng report your groupings are posted outside please look it up and make surena yung first three groups ay makakapag perform are we clear?” tanong nya sa amin bago mag end ang discussion.
“yes Miss Leila,” sabay sabay naman naming sagot sa kanya.
“Okay that’s it. You are dismissed.” Sabi nya sa amin at saka umalis.
AGad agad din naman kaming nagsilabas para tignan ang groupings naming.
Ganun nalang ang nagging gulat ko nung makita ko na kami ni Eidrian angn magkapareha si Siege naman ay si Audrey ang kapartner samantalang si Lili naman ay si Dex.
Naiinis na na pa tingin sa akin si Eidrian.
“Cali would you mind if I ask Dex kung pwede tayong magpalit ng partners? Please don’t get me wrong. Neto kasing mga nakaraang araw madalas na hindi maganda ang pakiramdam ni Lili. I just wanted to spend more time with her to make sure she’s alright,” sinserong tanong nya sa akin.
Nabigla man ako sa sinabi nya.
At nalungkot dahil sa totoo lang napakaliit ng bagay nato para irequest nya pa na si Lili ang makaparehas nya dahil hindi lang naman siguro ito at hindi lang naman siguro ngayon magkakaron ng groupings.
Pero ganon pa man ay tumango pa din ako sa kanya.
“Oo naman wala naman problema sakin, mas okay nga yon tama ka para mabantayan mo si Lili,” naka ngiti kong sagot sa kanya.
Natuwa naman sya sa isinagot ko sa kaya mabilis nya akong niyakap.
Ngayon lang ata ako inakap ni Eidrian ng ganito kalungkot ang nararamdaman ko. It was too petty yet too painful for me.