“Anak? Ikaw bay an?” hindi makapaniwala na sabi nya habang naka titig sa akin.
Lumapit pa sya sa akin at saka hinipo ang pisngi ko.
“You look exactly like your Mom Calixsha,” manghang manghang sabi nya sa akin.
Na pa ngiti naman ako sa sinabi nya, hindi man ako makapaniwala sa sinasabi nya nginitian ko nalang sya at yumakap.
“Thank you Dad, hindi nga po ako makapaniwala na kamukha po pala ako ni Mommy. Hehe buti po naka uwi po kayo ng maaga?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman sya sa akin.
“Maniwala ka na, kahit na gustong sumama ng loob ko dahil hindi ako ang kamukha mo eh okay na din atleast nakikita ko ang mommy mo sayo. Oo maaga akong umuwi dahil tumawag sa akin si Eidrian. Nagulat pa nga ako nung ibinalita nya na umattend ka ng auction, I wanted to see you so here I am,” sabi nya sa akin.
Niyakap ko sya ng mahigpit.
“Salamat po Dad,” naka ngiti kong sabi sa kanya.
Masayang masaya nya akong niyakap.
“By the way andyan sa bababa yung kaibigan mo,” sabi nya sa akin.
Nagtaka naman ako sa sinabi nya.
“Kaibigan po?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Sinong kaibigan po Dad?” tanong ko ulit.
Bumalik kaya si Siege?
“Si Eidrian, kanina pa sya naghihintay sayo sa baba. Hindi ka daw kasi sumasagot sa tawag nya kaya ayon pumunta dito. Kanina pa sya nandun sa baba.” Sabi nya sa akin.
Nanlalaki ang mga mata na na pa tingin ako kay Dad.
“Si Eidrian po Dad?” hindi pa din makapaniwala na tanong ko.
Kasi ang alam ko nga pupunta sila ng Fusion ngayon. Kaya nagulat ako talaga na andito sya ngayon.
Hinanap ko ang cellphone ko para icheck kung may texts or missed calls ba sya nakita ko na andami nga! 8 missed calls at saka may 12 messages pa sya asking kung gising pa ba ako at pwede ba kaming magusap.
“Osya sige na puntahan mo na yung kaibigan mo at matutulog na din ako maaga pa yung community service naming bukas. Sige na anak,” naka ngiti na sabi nya sa akin at saka nagpaalam.
“Sige po Dad, tatanungin ko lang din po si Eidrian kung bakit po sya nandito ang alam kop o kasi eh pupunta pa po sila ng Fusion, baka po may importanteng sasabihin lang Dad. Sige po magpahinga na din po kayo Dad,” sabi k okay Dad bago bumeso sa kanya at nag good night.
Mabilis akong bumaba at hinanap si Eidrian.
“Ma’am nasa harap po si Sir Eidrian,” sabi ni Manang Loida.
“Kanina pa po sya dun naghihintay eh,” sabi nya pa kaya mabilis naman akong lumabas at hinanap si Eidrian.
Inabutan ko syang naka sandal sa sasakyan nya habang may hawak hawak na sigarilyo mabilis nya naman yung itinapon at saka umikot sa driver seat.
Nagspray pa sya ng pabango nago lumapit sa akin at bumeso.
“Hey,” maikling sabi nya sa akin.
“Oh nalibot ka? Akala ko pupunta pa kayo ng Fusion? Saan si Lili?” tanong ko sa kanya.
“Wala inihatid ko na muna si Lili bago ako tumuloy dito.” Sabi nya naman
Tumango tango naman ako sa kanya.
“ Oh eh bakit ka pala nalibot?” tanong ko na agad sa kanya.
“Hehehe tignan mo hindi pa din ako nakakapagbihis,” sabi ko naman.
Ngumiti naman sya at saka hinawakan ang kamay ko para paikutin ako at tignan nya ang kabuuan ng itsura ko.
“You look good,” tipid at naka ngiti na sabi nya sa akin.
Na pa ngiti naman ako sa sinabi nya, eto nanaman yung puso ko na kasing lakas ng drum ang t***k habang naka tingin sa mga mata ni Eidrian.
“Salamat haha nako salamat kamo kay Lili at kahit isang araw eh natry ko naman magpaka babae,” natatawang sabi ko sa kanya.
“Well you should try it wearing girl close more often. Bagay naman sayo.” Sabi nya naman sa akin.
Tumango naman ako at nagpasalamat.
Ilang minutes din ang lumipas at walang nagsasalita sa amin. Magpapaalam n asana ako na papasok na sa loob dahil gusto ko ng maligo at makapag pahinga pero bigla syang nagsalita.
“Is there something going on between you and Siegfried?” deretsong tanong nya naman sa akin.
Hindi ko alam kung saan nya hinuhugot yung sinasabi nya pero mabilis naman akong umiling. SIguro kaya nya naiisip yung mga to dahil sa nangyari kanina sa auction.
“Ha? Wala ah. Hanep to wala shempre,” sabi ko naman sa kanya.
“Naawa lang siguro saken yon kanina sa auction dahil alam na alam nya naman na ayokong makipagdate kay Elliot at alam mo naman din yung tao na yon lahat gagawin para sirain ang buhay ko,” mahabang sabi ko pa sa kanya.
Tumango tango naman sya.
“But you guys seemed to be more close now kumpara noon,” dagdag nya pa.
Sabi nya nanaman. Hindi ko mapigilan na magisip kung bakit ganon nalang ang curiosity nya sa amin ni Siege ngayon.
Well mas nagging close nga talaga kami dahil siguro mas madalas kaming magkasama dahil si Siege lang namana ng hindi naguubos ng oras sa babae, pero minsan naman din ay kasama ko si Dex.
“Ahh oo eh kasi madalas kaming magkasama at di ba at yung tatlong kolokoy naman eh palaging busy sa pambabae kaya kami ni Siege ang madalas na magkasama. Baka ganon siguro,” kibit balikat na sagot ko naman sa kanya.
Tumango naman sya at ngumiti sa akin bago bumuntong hininga.
“Ahh oo nga,” sabi nya sa akin.
Inantay ko kung may sasabihin pa ba sya sa akin pero hindi naman na sya nagsasalita kaya napagdesisyonan ko na magpaalam na.
“Oh pano? Papasok na ako ha? Ikaw di ka ba pupunta ng Fusion?” tanong ko sa kanya.
Kasi panigurado na andon pa yung mga kaibigan namin. Yun pa ba namang mga yon? Naku di papahuli sa party ang mga yon.
“Ah hindi na siguro ako babalik, I promised Lili na uuwi na din ako pagkahatid ko sa kanya. She’s not feeling well so we just decided to ditch the party, baka magtampo pa yon pag nalaman na bumalik ako sa Fusion ng wala sya,” napapangiti na sabi nya.
This.
This is what I am talking about.
This is the Eidrian I saw and knew before. Kahit pa ang sakit sakit ngayon ng puso ko kasi nakikita ko na ang saya saya ng mga mata nya hindi ko pa din mapigilan na maging masaya din para sa kanya.
“I am happy that you are happy, really.” Seryoso kong sabi sa kanya.
Nakikita ko talaga kung paano sya nagbago ng dahil kay Lili.
“Hindi ka nakasama sa proposal ko kanina,” nagtatampo nyang sabi sa akin.
Na pa kamot naman ako ng ulo sa sinabi nya.
“Hehehe eh hindi ko naman kasi alam na ngayon mo na tatanungin si Lili kung pwede mob a syang maging girlfriend. Hindi mo naman ako sinabihan kaagad eh,” paninisi ko naman sa kanya.
Agad naman syang natawa sa sinabi.
“So it’s my fault then?” naka tawa nyang tanong sa akin.
Tumango tango naman ako sa kanya at saka tumawa din.
“Is it my fault Calixsha that you don’t open your damn phone?” natatawang sabi nya pa sa akin at saka tinusok ako sa tagiliran.
Ganon nalang ang tawa ko nung kilitiin nya ako.
“Hops na hops na! Sorry na nga eh hahaha hayaan mo kapag totoong proposal na ang gagawin mo sisiguraduhin ko sayo na andoon ako oks?” naka ngiti na sabi ko sa kanya.
Ngumiti sya sa akin at saka ako hinila para yakapin.
“I thought ipinagpalit mo ako kay Siege,” parang bata na sabi nya.
Tinawanan ko naman sya at saka kinurot.
“Ikaw walang kamalay malay yung tao pilit mong dinadamay di ka naman inaano. Saka di ba promise natin yun habang buhay tayong best friends?” sabi ko pa sa kanya.
Oo sa kasamaang palad pinangako naming talaga yon. Kaya nga din siguro heto ako at malala pa sa friend zone. Best friend zone ako hehehe.
“Oo naman kaya ikaw wag mo akong ipagpapalit kahit na kanino naiintindihan mob a ha?” masungit na sabi nya pa sa akin.
Tinawanan ko nalang sya at saka tinanguan.
“Oo nga oo nga, sige na umalis ka na para makapagligo na ako at maka tulog antok na antok na ako nahilo ata ako sa amoy ng hairspray ko sa buhok, SIeg na good night na,” taboy ko sa kanya.
Agad naman din syang u=yumakap at saka nagpaalam sa akin.
Mabigat ang puso na umakyat ako sa kwarto ko para maligo na at matulog. Nagvibrate naman bigla ang cellphone ko kaya sinilip ko pa muna kung sino ba yung nagmessage sa akin.
Si Siege pala, speaking of.
‘Good night Cali, thanks for tonight I hope you enjoyed your first ball.” Tipid na message nya sa akin.
Agad naman akong nagtipa ng sagot at saka nagpasalamat din.
Siguro nga nagging mas malapit na kami ni Siege nasanay na din ako kasi ng kami nga lang dalawa ang magkasama palagi lalo na nung dumating si Lili.
Nagvibrate pa ulit yung phone ko kaya tinignan ko muna habang nagtutooth brush ako.
“You looked really beautiful tonight. I am honored to be your date Miss Calixsha Atarrah Ferrer. I’ll see you on our real date tomorrow.” Dagdag nya pa.
Eh?
REAL DATE???