Sabay sabay kami na naglakad papunta sa parking.
“Wala ba tayong after-party party?” na bobored na tanong ni Yago.
Na pa tingin naman kaming lahat sa kanya.
“Oo nga,” sagot naman ni Dex sa kanya.
“We’re up,” tipid at naka ngiti naman na sagot ni Eidrian habang naka tingin kay Lili.
Tumango naman din si Lili, kaya napa lingon na silang lahat sa amin ni Siege.
Gustohin ko man na umoo sa kanila eh gustong gusto ko na kasing magbihis. Hehe hindi ako sanay sa ganitong damit talaga.
“Ahhm oo, sige kaya lang baka di na ako makasama. Gusto ko na kasing magpalit ng damit hehehe,” nagaalangan na sagot ko sa kanila.
“Magpapasundo nalang ako dito kay Mang Tomas para makasama si Siege,” sabi ko sa kanila sabay lingon kay Siege.
Mabilis naman umiling si Siege sa akin.
“Hindi na ako sasama ihahatid ko nalang si Cali,” sabi nya naman sa kanila.
Na pa tingin naman sila sa akin, na para bang siinasabi nila na sumama na ako.
Umiling nalang ako kasi hindi talaga ako komportable lalo pa at sa bar pa kami puppunta. Hindi ko kaya na maglibot ng naka ganito ng damit.
“Dude hindi na!” natatawang sabi ko sa kanya.
“Sumama ka na sa kanila hanep na to okay lang ako,” pangungumbinsi ko pa Siege.
“No, ako ang nagdala sayo dito kaya ako din ang maguuwi sayo. Kung wala pa si Tito sa bahay baka hintayin ko na din muna sya kesa maiwanan si Cali sa bahay ng magisa,”sabi naman ni Siege sa kanila.
Pareparehas kaming na pa tingin sa kanya na nawiwirdohan.
Actually ako kahit ako ay nawiwirdohan din.
“Really?” sarcastic na sabi ni Eidrian sa kanya.
Nagsukatan pa sila ng tingin na dalawa bago sumagot si Siege.
“Yes. Really. Pumunta na kayo sa Fusion kung pupunta kayo baka crowded na don pagdating nyo,” sabi naman ni Siege sa kanya.
Akala ko naman eh lalakad na sila,
“No. ako na ang maghahatid kay Cali.” Sabi niya kay Siege.
Na pa tingin naman kami parepareho kay Eidrian.
Nalaglag nga din ang panga ko sa sinabi nya, seryoso ba sya?
“Eh sino ang maghahatid sa girlfriend?” naka smirk na sabi ni Siege sa kanila.
Tinignan pa sya ng matagal ni EIdrian bago sya sumagot.
“I can drop them off both, uunahin ko munang ihatid si Lili and then I will drive Cali to her house.” Seryosong sabi ni Eidrian sa kanya.
Umiling iling na na pa tingin sa kanya si Siege.
“No A, ako na kay Cali,” seryosong sabi ni Siege sa kanya.
“You should know your priorities.” Tipid na sa ni Siege sa kanya at saka ako hinawakan sa kamay at inakay na papunta sa sasakyan nya.
Lumingon pa ako sa kanila ate kumaway, hindi na ako naka pagpaalam sa kanila dahil mabilis na din akong hinila ni Siege papunta sa sasakyan nya.
“Huyyy slowdown!” sabi ko sa kanya.
Naka tingin lang sya sa akin ng naiinis tapos inunlock nya na yung kotse.
Nauna pa nga syang pumasok sa akin sa sasakyan. Naka kunot pa yung noo nya.
“Huy, napaka grumpy mo! Okay ka lang ba? Sabi ko naman kasi kung hindi mo ako gusting samahan okay lang para makasama ka sa kanila sa bar,” sabi ko naman sa kanya.
Hanep na to di ko naman pinilit eh masama pa ata ang loob sa akin.
Hindi naman sya kumikibo sa akin,
“Huuuuy Siege,” sabi ko naman sa kanya kasi ayaw nya pa din nya akong kibuin.
Tinignan nya lang ako na parang hangin ako sa harap nya, lumingon sya sa akin na para bang asar na asar sya.
“Hoy bat ka ba ganyan?” sabi ko sa kanya.
“Wala ka talaga plano kausapin ako? Ihinto mo na nga lang ako!” na gagalit na sabi ko sa kanya kasi ayaw nya naman akong kibuin.
“Shut up Cali, let me think straight. Ayokong kausapin ka ng galit ako so behave your pretty little arse there and wait for me to calm the fck down,” seryosong sabi nya habang nakatingin lang sa daan.
Bigla naman akong natahimik sa upuan ko dahil nagulat ako sa sinabi nya.
Na realize ko din kasi na talagang galit sya pero hindi ko naman alam kung ang dahilan ang dahilan ng ikinagagalit nya kung dahil ba dapat sasama kami sa after party o ano.
Ilang minute pa ay nakarating na din kami sa mansion. Parehas kaming tahimik at walang nagtatangka na magsalita hindi pa nga din ako bumababa ng sasakyan dahil hindi nya naman pinapatay yung engine.
“Salamat nalang sa paghatid papasok na ako,” paalam ko sa kanya at binuksan ko na ang pinto bababa n asana ako pero bigla syang nagsalita.
“Cali do you think you have a shot with Eidrian?” seryosong tanong nya sa akin.
Nagtaka naman ako bigla nyang tanong.
“Tinatanong pa ba naman yan Siege?” sabi ko sa kanya.
Seryoso syang tumingin sa akin.
“I just need answer. A simple Yes or No,” sabi naman nya sa akin.
Sa totoo lang nawiwirdohan ako sa kanya. Ayokong magisip ng ibang bagay sa kabaitan na ipinapakita ni Siege dahil kilala ko din naman sya.
Na pa buntong hininga ako bago seryosong tumingin sa kanya.
“No.” tipid na sagot ko sa kanya.
“No?” ulit nya naman sa sinabi ko.
“Oo Siege No. kasi alam ko naman kung hanggang saan at ano lang ako. Alam kong hanggang kaibigan lang ang tingin nung tao sakin at okay na ako don. Mabuting kaibigan naman sa akin si Eidrian, tulad nyo tulad mo at okay na ako doon. Umaasa ako n asana, one day mabigyan ako ng chance na masabi sa kanya yung nararamdaman ko. Kasi siguro yun yung isang bagay na habang buhay kong dadalhin kapag hindi ko manlang sa kanya maamin yung nararamdaman ko,” mahabang sabi ko sa kanya.
“Pero sa saya na nakikita ko sa kanya ngayon? Yung paraan ng pagtingin nya kay Lili? I know he found his ‘the one’ I remember the look so vividly. Ganyan na ganyan nyang tignan noon si Selene at alam kong alam mo din yon. Gusto ko nalang maging masaya para sa kaniya. Sa kanila dahil sa totoo lang ay tinuturing ko naman na ding kaibigan si Lili,”
“Kung dumating man yung araw na sasabihin ko sa kanya yung nararamdaman ko? Gusto ko yung araw na wala na akong nararamdaman para sa kanya para hindi na sya magiguilty kung sakaling sabihin nya sa akin na hindi nya kayang ibalik yung nararamdaman ko,” seryoso at walang kagatol gatol na sabi ko sa kanya.
Tahimik na tumango sa akin si Siege.
“I get it,” simpleng sagot nya sa akin at ngumiti.
“I got you Cal,” tipid na sabi nya sa akin at saka ngumiti.
Napaka genuine nung ngiti nya, yung tipo ng ngiti na alam mong galing sa puso.
“Ihahatid na kita sa loob,” sabi nya sa akin.
Mabilis naman akong umiling sa kanya.
“Hindi na ano k aba andito naman na ako sa bahay naming okay na ako dito. Bumalik ka na panigurado hinihintay ka na nila. Pakisabi nalang na kaya kailangan ko umuwi dahil may kailangan kaming pagusapan ni Dad at hinihintay nya ako.” Sabi ko naman sa kanya.
Ayoko na isipin nila na nagiinarte lang ako hahaha pero sa totoo lang hindi talaga kasi ako komportable sa damit ko.
Yun naman ang totoo na nahihiya akong sabihin kasi tinanggap ko naman yung makeover na sinabi ni Lili ayoko din naman na mapunta sya sa tight position, knowing my friends panigurado hindi nila magugustohan na hindi naman ako komportable sa pinasuot sa akin ni Lili.
“Are you sure?” tanong nya sa akin.
Tumango naman ako.
“Oo naman hano sure na sure hanep na to, sige na. Pumunta ka na.” naka ngiti na sabi ko sa kanya habang may pagtaboy pa ng bahagya.
“Sige na sige na!!!” sabi ko s akanya at saka sya itinulak pabalik sa sasakyan nya.
Mabilis naman din akong pumasok sa mansion pagkaalis na pagkaalis ni Siege.
As usual wala pa din si Dad panigurado may inattendan nanaman syang event, netong mga huling lingo ay masyado syang abala sa pagtulong sa mga Indigenous People sa community kaya madalas syang wala sa bahay at nasa mga malalayong mga bara barangay.
Pagpasok ko ng kwarto ay agad akong nagpunta sa bathroom para maligo.
Sinulyapan ko pa ulit ang reflection ko sa salamin.
“Hmmm atleast nasubukan ko manlang na maging maganda kahit isang araw lang, mukha naman din pala akong babae kapag naayusan.” sabi ko sa sarili ko habang sinisipat sipat ang salamin
“At medyo kahawig ko pala si Mommy?” nagulat kong sabi sa sarili ko dahil ngayon ko lang narealize na nagging kahawig ko ang mommy ko.
Maghihilamos n asana ako ng marinig ko si Dad na nasa kwarto ko.
“Calixsha?” tawag nya sa akin.
At dahil hindi pa naman ako nagsisimula na maligo eh lumabas na muna ako, nagulat pa nga ako kasi nakauwi na sya.
“Dad andito na po pala kayo,” naka ngiti kong bati sa kanya.
Hindi kaagad naka pagsalita si Dad at naka tingin lang sa akin.
“Dad???” tawag ko pa ulit sa kanya.