Nasanay naman ako mag-isa. Makakasanayan ko rin na wala ang mag-iina ko sa aking piling.
Nang makaalis ang mag-iina ko ay balik pagtuturo ako sa pamantasan. May mga bago akong mga estudyante na mula sa iba-ibang panig ng kapuluan na mga scholars sa pamantasan. Mga kumukuha ng kursong Agriculture at Agricultural Engineering.
Isa sa mga estudyante na umagaw sa pansin ko si Adelina. Bukod sa madaling tandaan ang aperyedo nya ay lagi kong napupuna ang madalas nyang pagtitig sa akin.
“Ms Adelina Bacucanag…” tawag ko sa roll call habang hawak ko ang kanyang class card. Nang tumayo siya ay tumango ako at kinambatan ko na siyang umupo. Isang pangkaraniwang estudyante lang si Adelina sa isang pangkaraniwang asignatura na hawak ko.
Pero, hindi pangkaraniwang relasyon ang mamamagitan pala sa amin.
Bata pa si Adelina. Nasa dalawampung taon pa lang ang edad nya. Karaniwan lang ang hitsura nya at tipikal na Pilipina. Balingkinitan ang kanyang katawan. Mahaba ang itim na itim na buhok, makapal ang kilay at normal lang ang tangos ng kanyang ilong na bagay naman sa hawas ng kanyang bilugang mukha.
Kayumangging kaligatan ang kutis nya na makinis at makikita namang maayos at malinis siya sa katawan. Ang mga features nyang ito ay hindi ko sana mapapansin, kundi nga dahil sa pagtingin-tingin nya sa akin. Nako-conscious ako lalo pa at nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at saglit na nagtatama ang aming mga mata.
Malapit nang matapos ang semester. Medyo nangungulila na ako sa aking mag-iina. Kahit pa madalas naman ang video call namin. At natutuwa ako sa bunso ko na nagkakaroon na ng slang na diction ang kanyang pagsasalita. Si Jenny naman ay nasa freshman na nya doon. Home study lang muna siya at next year ay sa regular na siyang school mag-aaral.
Nagulat ako ng lapitan ako ni Adelina sa lamesa ko sa loob ng classroom. Vacant period ko. Katatapos lang ng finals ng mga estudyante.
“Can I talk with you for a while sir?” tanong ni Adelina. Kanina ko pa napuna ang kanyang paglapit matapos maglabasan ang kanyang mga kaklase.
“Pwede naman,” sagot ko at inilipat ko sa kanya ang aking tingin mula sa binabasa ko sa aking lecture notes.
“Tungkol ba saan ang pag-uusapan natin?” tanong ko sa kanya.
“Personal request lang sir… I hope you won’t mind…” sabi nya na alanganin ang ngiti.
Tinitigan ko siya. Hindi ko makuha yung sinasabi nyang personal request.
“Ano bang personal request yun?” diretsong tanong ko kay Adelina.
“Sem-break naman na natin sir next week pwedeng maanyayahan ka sa birthday ko sa katapusan sa Caranglan?” sabi nyang naka-kagat labi.
Wala sanang dating sa akin yung request nya. Yung sinabi nyang lugar ang pumukaw sa interest ko.
“Taga Caranglan, Nueva Ecija ka?” naka-mulagat kong tanong.
Tumango siya at ngumiti. Si Lissa ang pumapasok sa isip ko kapag naririnig ko ang Caramglan. Si Lissa at si mang Usting.
“Matagal na ba kayo nakatira sa Caranglan?” tanong ko kay Adelina.
“Mag-lilimang taon pa lang sir. Mula kami sa Mindanao. Nakabili kami ng ilang lupang pang-sakahan sa Caranglan,”sagot naman ni Adelina.
Lalo akong naging interesado. “Ano na ang nangyari sa lupang sinasaka ni mang Usting? Kumusta na si mang Usting?” ito yung mga katanungang gusto kong masagot. Pero, nag-uugat iyon kay Lissa.
Aminin ko man sa hindi ay interesado pa akong malaman kung kumusta na siya.
“Susunduin ako ng sister ko sir, convoy na lang tayo papunta sa Caranglan…” sabi ni Adelina.
Parang kainip-inip ang byahe namin mula Laguna hanggang Caranglan. Inabot din kami ng mahigit dalawang oras dahilan sa traffic. Pero nang tumambad sa akin ang highway at daang papasok sa barangay na dati kong tinirhan sa Caranglan ay nawala ang pagka-inip ko. Anim na taon na ang nakakaraaan mula ng huli akong mapunta sa lugar na iyon.
Huminto kami sa isang malaking bahay sa kabayanan ng Caranglan. Maunlad na ito. Hindi mo na masasabing farming community ang lugar.
“Ito ang bahay namin sir…” nakangiting sabi ni Adelina nang bumaba ako sa kotse at salubungin nya. Naka-mata lang sa amin ang ate nya na ipinakilala nyang si Rosanna.
“Pa, si Prof. Greg Silvestre…yung sinasabi kong iimbitahan ko sa birthday ko…” pagpapakilala sa akin ni Adelina sa kanyang ama.
“Pasensya ka na Prof eh medyo mahirap tanggihan si Adel. Hindi ka nakatanggi ano?” sabi sa akin ng kanyang ama na nagpakilalang si Ador.
“Dalawa lang yang Maria ko…at balo na ako ng lumipat kami mula sa Mindanao…’ sabi pa nito.
“Sa katapusan pa ang birthday nya… pwede kang mag-stay dito sa bahay may spare pa kaming silid…” sabi pa ng ama ni Adelina.
“Nasabi po ni Adelina na may bahay kayo sa farm nyo…pwede po bang doon ako tumuloy?” sagot ko naman.
“Pwede naman kaya lang maglalakad ka papunta doon at wala pang access road kundi mga pilapil…”
“Sanay po ako sa bukid may naging project akong palayan dito na kasapi sa Caranglan Farmer’s Coop. Yung bukid ni mang Usting Batilaran,” sabi ko pa.
“Tingnan mo nga yan, eh ikaw pala ang sinasabi nila dito na tumulong magtayo ng kooperatiba. Ako ang kasalukuyang pangulo ng kooperatiba dito,” sabi pa ni Ador.
“Kilala mo si mang Usting?” tanong ko sa tatay ni Adelina.
“Oo, nabili ko ang lupa nila. Ang natira nilang lupa ay yung kinatitirikan ng bahay nila,” sabi ni Ador.
“So parang balewala din ang pagpapakasal ni Lissa sa Australyano at nawala din sa kanila ang sinasaka ni mang Usting…” ito yung pumasok sa isip ko.
“Nasaan na po sina mang Usting?” muli kong tanong kay Ador.
“Balita ko ay nasa Australya at nagbabakasyon doon…” sagot nito.
Naglalakad na kami sa pilapil papunta sa farm nila nang humabol sa amin ang kapatid ni Adelina na si Rossana. Pababa na ang araw. Sa kanila na kami nananghali.
“Sasama ako sa inyo,” sabi ni Rosanna matapos umagapay sa amin. Nauuna si Adelina. Nasa gitna ako kasunod ko ang ate nya. Sa tantya ko ay limang taon ang nakapagitang edad sa magkapatid. Pero maputi si Rosanna.
“Sa farm ka rin matutulog ate?” tanong ni Adelina.
“Hindi.Sasama ka sa akin pabalik. Si Greg lang ang matutulog at mag-stay sa farm…” matigas na sagot ni Rosanna.
“No, ate, bisita ko si Greg at ayokong mag-isa siya sa farm…” sabi nito at nagtatatakbo na patungo sa natanawan naming bahay sa gitna ng farm. Nakita ko ang pamilyar na punong mangga at ang maliit na pala-isdaan sa likod nito.
“May dapat kang malaman sa kapatid kong si Adel,” bulong ni Rosanna mula sa likuran ko.
“Autistic si Adel. Isang special child…” sabi nya.
SUBAYBAYAN.