Chapter 4

2201 Words
PAGPASOK ni Lucas sa silid na akupado ng kuya nito. Nagulat pa ito na makitang gising ang kapatid niya. Nangunotnoo pa si Matteo na nakamata dito. “Where did you go, young man? Madaling araw at nasa probinsya tayo pero lumalabas ka?” pagalit ni Matteo dito na napakamot sa ulo. “I'm sleepy now, Kuya. Night,” ani nito na naghubad ng sapatos at sumampa sa kama kung saan nakahiga ang kanilang ina. “Paano kung napahamak ka ha?” pagalit pa ni Matteo dito. “Sabihin mo kaya iyan sa sarili mo, Kuya? Kasi sa ating dalawa, ikaw itong matigas ang ulo. Look at yourself. Hindi ba't kaya tayo nandidito ngayon sa hospital dahil sa katigasan ng ulo mo?” balik pagalit ni Lucas ditong napailing na lamang na nakamata sa kapatid nito. “May narinig akong boses ng babae na kausap mo kanina d'yan sa tapat a. Sino iyon?” pag-uusisa pa ni Matteo dito. “Hwag mo nang alamin, Kuya. Hindi ko iyon ipapakilala sa'yo. Dahil tiyak na ikakama mo lang siya at pagsawaan ang katawan, saka iiwan na parang basura, katulad sa mga ginagawa mo sa mga bedmate mo sa Manila.” Ingos ni Lucas dito. “Fvck! Matiris kita d'yan e,” ingos din nito sa nakababatang kapatid na napahagikhik sa tinuran ng kuya nito. Napadantay ito ng braso sa noo na napapikit. Kumikirot na naman kasi ang ulo at isang binti nito. Natulog naman na ang nakababatang kapatid niya kaya kampante na rin si Matteo na magpahinga. Natakot ito kanina nang makagisnang wala si Lucas sa silid! Wala pa naman itong bantay ngayon kaya kabado ito na baka mapahamak ang kapatid niya o kaya ay maligaw ito sa hospital. Hindi naman niya ito matawagan at hindi dinala ni Lucas ang cellphone nito. May pinuntahan itong lupain sa probinsya ng Zambales na plano nilang bilhin at tayuan ng hotel at resort. Kaso hindi pumayag ang mag-asawang may-ari ng lupang naiibig niyang bilhin. Kaya umuwi na lang ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may nakasalubong itong kotse na umagaw sa linya niya kaya sila sumalpok na dalawa sa gilid ng daan! Mabuti na lang at nakapagpreno pa siya bago sumalpok sa poste ng kuryente sa gilid ng daan. Pero ang nakasalubong nitong kotse ay sumalpok sa puno ng acacia na nasa gilid ng daan. Kaya mas malala ang natamo ng kotseng nakasalubong nito kaysa sa kanya. He is Matteo Payne. One of the most famous tycoon billionaire in the country! Kilala ang Payne's Corporation na pinamumunuan nito ngayon. At sa edad na thirty-five, wala pa rin itong matatawag na girlfriend. Kung babae lang kasi ang pah-uusapan, marami na siya niya'n. Mga babaeng naghahabol sa kanya at kusang iniaalay ang katawan sa kanya para paligayahin ito. Papalit-palit ito ng kinaka-fling na babae. Pero hindi basta-basta ang mga ikinakama nito. Ang mga kinaka-fling lang nito at ginagawang bed warmer niya, ay pawang magaganda, sexy, matangkad at malalaki ang hinaharap! Mga kilalang beauty queen, model at artista sa bansa maging abroad! Kung kani-kanino na nga itong babae nali-link. Mga actress, model, beauty queen o mga anak ng mga kilalang pulitiko ng bansa. Pero lahat ng iyon ay pinabulaanan nito at tinatawanan lang. Kaya marami pa rin ang naghahabol sa kanya at alam ng publiko na single ito! Maloko si Matteo pagdating sa mga babae. Halos gabi-gabi nga itong may kasamang babae. Pero palagi naman itong nag-iingat ng mga ikinakama niya. Tinitiyak niyang kanya ang lugar para iwas scandal. Gumagamit din ito ng condom para maprotektahan ang sarili nito at hindi makabuntis ng kung sino-sino. Marami na nga ang naghahabol sa kanya at sinasabing buntis sa kanya. Ang iba ay bata na ang dala-dala at ipinapaako sa kanya ang responsibilidad. Pero lahat ng mga iyon ay nag-failed sa DNA test ni Matteo. Palagi nga itong nakakatikim ng kurot sa singit mula sa kanyang Mommy Tarah dahil sa mga nali-link sa kanyang babae. Palagi itong nasasabon ng kanyang ina na lagi na lang may mga babaeng nali-link sa kanya sa social media at ang iba pa nga ay pinupuntahan siya sa mansion nila o kaya sa kumpanya! Hindi na mabilang ni Tarah kung ilang babae na ang sumusugod sa kanila. Umiiyak at nagmamakaawa kay Matteo na panindigan nito. Ang iba pa nga ay nagdadrama sa kanila na pinalayas ng magulang kaya wala ng mapuntahan. Pero lahat sila ay hindi pumasa kay Matteo. Wala sa mga ito ang pinagtuonan pansin ng binata. Dahil bago niya ikakama ang mga ito, lilinawin na niya na walang habol ang babae sa kanya. Na ang pagsasaluhan lang nilang dalawa at init ng katawan lamang. No special feelings involved. Pumapayag naman ang mga babae at pangarap nila iyon. Ang maikama ng isang famous tycoon billionaire ng bansa na si Matteo Payne! Pero lahat sila, pagkatapos gamitin ni Matteo sa kama, iiwanan niya lang ng pera at parang walang nangyari. Magaling si Matteo sa pagpapaligaya ng babae. Sa dami ng mga dumaan sa kamay nito, nakakaya nito ang magdamag na bakbakan, lalo na kung palaban ang babaeng kaniig nito! Lahat ng mga babaeng dumaraan sa kanya ay nababaliw sa kanya kung gaano siya kagaling magpaligaya ng babae! Bawat ulos nito ay tumatatak sa isipan ng kanyang mga nakakaniig. At walang babaeng makakahindi sa karisma nito. Kapag may natipuhan itong babae. Isang titig niya lang doon ay bumibigay na ang babae sa kanya at kusang ibibigay ang anumang naisin nito! Napahilot ito sa noo na mahinang napapadaing sa pagkirot ng ulo niya. Hindi tuloy siya dalawin ng antok at sumasakit ang ulo nito. Naiinis itong bumangon ng kama at nagtimpla ng kape. Tulog na kasi ang mommy niya kaya ayaw niyang gisingin ito para ipagtimpla lang siya ng kape niya. Isa pa, kasama nila si Lucas na nakababatang kapatid niya. Tiyak na aawayin lang siya nito kapag inistorbo niya ang ina nilang nagpapahinga na. Iika-ika itong dala ang kape niya na nagtungo sa balcony ng silid para magpahangin. Hindi rin naman kasi ito dalawin ng antok. Ayon sa doctor na sumuri dito ay maaari na siyang lumabas bukas. Minor injury lang naman ang natamo nito pero kailangan niya pa ring magpahinga ng ilang linggo para makabawi-bawi ang katawan niya at talagang fully recovered ang katawan niya. Napasimsim ito sa kanyang kape habang nakamata sa paligid. Maganda ang probinsya ng Zambales. Kaya gusto niya sanang bumili ng lupain dito na tatayuan niya ng resort at hotel. Tiyak niyang dadagsain ng mga turista ang lugar at mababawi kaagad ang gastos pero dahil mahigpit na tumanggi ang may-ari ng lupaing kursunada nitong bilhin, wala siyang ibang magagawa kundi humanap ng ibang lupa na magandang pagtayuan niya ng resort at hotel niya. Paubos na ang kape nito nang may mahagip ang paningin niya sa ‘di kalayuan na isang babaeng lumabas ng balcony. Parang may sariling pag-iisip ang leeg nito na lumingon sa gawi ng babae at nangunotnoo na makilala ang suot nitong jacket–ang jacket na suot kanina ni Lucas! Napatuwid ito ng tayo na nakamata sa babae. Nakatalikod ito sa gawi niya. Napalunok pa siya na napasuri sa kabuoan ng dalaga. Manipis kasi ang suot nitong pajama. Mahaba ang nakalugay niyang itim na buhok na unat na unat. Hinahangin pa iyon na nagpalakas ng datingan nito. “Damn. Turnaround, baby.” Usal nito na napakagat ng ibabang labi. Nakatitiyak kasi siyang ito ang dalagang kasama kanina ni Lucas. Kaya bigla siyang na-curious sa itsura nito at base sa hubog ng katawan nito, sexy naman ang dalaga at maputi. Hindi man ito katangkaran katulad sa mga bed warmer niya ay mukhang malakas ang karisma ng dalaga. Kabisado kasi nito ang nakababatang kapatid. Mabait naman talaga si Lucas. Pero hindi iyon malapit sa mga babae lalo na kung strangers. “Sige na, baby. Humarap ka na. I just wanna see your face,” usal nito na matiim na nakatitig sa dalaga. Tila naramdaman naman ni Gabby na may mga matang nakatutok sa kanya kaya napalinga ito sa paligid. Naningkit pa ang mga mata nito na kinikilala ang lalakeng nasa ‘di kalayuan mula sa kinatatayuan nito sa balcony at ito lang naman ang tao doon. Pero dahil inaantok na rin ito, hindi niya mamukhaan ang binata na nakasuot ng hospital gown. Pumasok na ito ng silid na ibang-iba ang dating sa puso nito ng mga titig ng lalakeng iyon. Pakiramdam niya ay hinuhubaran na siya ng lalake sa isipan nito, the way kung paano siya nito titigan ng matiim! “Sino kaya iyon? Parang manyakis,” usal nito na napailing sa naiisip. KINABUKASAN ay nagulat si Gabby na isang malakas na sampal ang nagpagising sa kanya! Naalimpungatan pa ito mula sa pagkakaidlip sa gilid ng kama ni Anton habang nakaupo siya sa silya katabi ito. Napasapo ito sa pisngi niyang dama niyang namanhid sa lakas my pagkakasampal sa kanya--ng ina ni Anton! "M-mommy? Bakit po?" utal nitong tanong na sapo pa rin ang pisngi. Pagak namang natawa ang ginang na itinulak ito sa balikat. "Sino ang mommy mo? Ako ba? Bakit, Gabby? Anak ba kita para tawagin mo akong mommy mo, ha?" sarkastikong pang-uuyam ng ginang dito na namutla at naguguluhan kung bakit galit na galit sa kanya ang byanan nito! Napalunok si Gabby na parang binuhusan ng nagyeyelong tubig sa mga oras na iyon. Nang-uuyam ang tingin sa kanya ng mga kasama nila sa silid na tila ang rumi-rumi nitong babae! "P-pasensiya na po, ma'am. Hindi ko po kayo maintindihan," paumanhin nito na pinipigilan ang pangingilid ng luha. Tumawa naman ang ginang, maging ang asawa nito at ilan nilang kaanak. Kaya lalong pinamumulaan ng mukha si Gabby na parang ang liit-liit nito. "Comatose ang anak ko, pero nagawa mo pang makipaglandian sa ibang lalake at dito pa talaga sa hospital!" singhal ng ginang dito na napapitlag pa dala ng takot! "Po? Nagkakamali ho kayo. Hindi ko naman iyon magagawa--" Napapikit si Gabby na muli siyang nakatikim ng sampal mula dito! "Sinungaling! Akala ko ay iba ka, Gabby! Kung ipagmalaki ka sa akin ni Anton, daig mo pa si Maria Clara sa kahinhinan mo! Humahanga ako na hindi ka makati katulad sa ibang babae d'yan na pinipikot ang anak ko! Pero nagkamali kami ng pagkakakilatis sa'yo! Tama nga ang kasabihang, ang mga mababait, nasa loob ang kulo! Kunwari mahinhin ka sa paningin naming lahat, pero ang totoo. . . mas nakakasulasok ka pa sa bilasang isda sa palengke! Umalis ka dito! Hindi ka namin kailangan dito! Alis!" pagbubulyaw ng ginang dito na sunod-sunod tumulo ang luha at para lang siyang ligaw na aso na itinataboy sa mga sandaling ito! Napahagulhol na si Gabby na hindi na makaya ang inabot nitong pamamahiya sa kanya ng babaeng itinuturing niyang pangalawang ina niya! Napatakip ito ng palad sa labi na nakayukong patakbong lumabas ng silid! Buong buhay niya ay ngayon lang siya napahiya nang gan'to! Na parang ang rumi-rumi niyang babae. Naguguluhan man siya kung bakit galit na galit ang ina ni Anton, minabuti na lamang niyang lumabas ng silid at hindi na niya kaya any pang-uuyam at pangmamata sa kanya ng mga tao doon. Napahagulhol ito na patakbo ng hallway palabas. Nang biglang may nakabunggo ito at muntik pa siyang matumba kung hindi lang siya nahila ng kung sino kaya napasubsob siya sa malapad nitong dibdib! "Urgh fvck!" impit na daing ni Matteo na sumakit ang dibdib niya kung saan tumama ang ulo ng babaeng nakasalubong nito na tumatakbong nakayuko! Napababa ito ng tingin sa babaeng napahagulhol na nananatiling nakasubsob sa dibdib nito. Napapalingon na tuloy ang mga dumaraan ng hallway, maging ang mga naka-duty na nurse na nasa station nila dahil dinig na dinig ang pag-iyak ng dalaga. Nagbubulungan pa ang mga ito na mukhang siya ang iniisip na nagpaiyak sa dalaga! Pagagalitan na sana niya ito nang mapansin ang suot nitong jacket na ikinatigil nitong bumilis ang t***k ng puso! "Fvck! It's her," piping usal nito na namimilog ang mga mata at hindi makakilos sa kinatatayuan! Sunod-sunod na napapalunok si Matteo na ibang-iba ang bilis ng t***k ng puso niya sa mga sandaling ito! Parang may sariling pag-iisip ang kamay nito na umangat at dahan-dahang hinagod sa likuran ang dalaga. Natigilan naman si Gabby na natauhan na may taong kinasusubsuban nito ngayon dito sa hallway! Kaagad itong tumuwid ng tayo na napaatras at yumuko sa kaharap. Base sa sapatos at suot nitong pants ay nakatitiyak siyang lalake ito. "P-pasensiya na po, sir. Sorry po. Hindi ko po sinasadyang mabangga kayo. Pasensiya na po," panay ang paghingi nito ng paumanhin na nanatiling nakayuko sa kaharap. Napaawang ng labi si Matteo na marinig ang malambing boses nito. Gusto niya sanang magsalita pero tila naninigas ang kanyang dila. Hanggang sa umalis na ang dalaga na hindi niya manlang nakita ang mukha na ikinamura nitong kinakastiguhan ang sarili! "Damnit! Bakit ba ako natutulala sa kanya? Chance ko na iyon e!" kastigo nito sa sarili. Napahilot pa siya sa sentido na akmang aalis na nang masulyapan ang isang bracelet mula sa sahig na pangbabae. Yumuko ito na dinampot iyon at pinakatitigan. Nakatitiyak kasi itong galing sa dalaga ang bracelet na ikinasilay ng ngisi sa mga labi nito. "You can run but you can't hide forever, baby. I'm pretty sure-- mahahanap at mahahanap pa rin kita." Piping usal nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD