Gabby’s POV
Ako pa raw ang may kasalanan? Aba!
“Ano? Ako ba dapat ang humingi ng tawag Mr.Diego?” pagtatanong ko rito.
Hindi ko malaman kung iniinis niya ba ako o inaasar sa hindi niya pagsagot sa akin. Kanina ko pa siya tinatanong ngunit hindi siya sumasagot at nakatingin lang.
Maka-alis na nga lang. Inaaksaya ko lamang ang oras ko sa aroganteng lalaki na ito. May meeting pa akong pupuntahan.
“Jenny tara na, ayaw kong sayangin ang oras ko sa isang tao na mukhang hind ilang bulag kundi pipi at bingi rin.” pagaya ko kay Jenny.
Naglakad na ako at sumunod naman ito.
“Pasensya na, hindi ko naman po sinasadya na ikaw ay mabangga. Pero sa uulitin ho sana ay iwasan natin na humarang sa daanan lalo na po at tayo ay nasa hospital, madami pong emergencies.” sagot nitong magaling na lalaki na kanina ko pa kinakausap ngunit hindi sumasagot, at kung kailan ako ay paalis na atsaka magsasalita.
“Excuse me? Is that your way of saying sorry?” inis na sagot ko rito.
Dali dali akong naglakad ulit papalapit sa kaniya. Agad ko itong tinaasan ng kilay. Nakakainis, siya na nga itong nakabangga tapos ako pa ang sisisihin niya.
“Dra.Montemor, pasensya na ho, hindi ko po talaga sinasadya.” sagot nito habang nakatingin sa akin. Grabe! Ang lakas ng loob na tignan ako sa mata.
“Sige, hindi mo nga sinasadya ang pagkabangga mo sa akin. Pero tama bang ako ang iyong sisihin?” inis na tugon ko rito.
“Sinasabi ko lamang po ang totoo. Nasa hospital ho tayo, natural ho na may emergency kadalasan at ang daan ho ay hindi ninyo dapat hinaharangan.” sagot nito sa akin.
“Paging Dra.Montemor to the conference room. Dra.Montemore to the conderence room.”
Napalingon ako sa speaker, ang bad timing naman. Nang tumingin ako sa aking harapan ay wala na ang lalaki na kanina lamang ay kausap ko. Agad kong tinignan ang Nars sa aking gilid at tinuro niya ang lalaki na tumatakbo at may dalang mga gamot.
“Hoy! Hindi pa tayo tapos!” sigaw ko rito.
“Pasensya na ho Dra. pero hindi ho kasali Job Description ko ang manuyo. Humingi na ho ako ng tawad sa pakakabangga ko sainyo at sa tingin ko ho ay sapat na iyon.” sagot nito habang tumatakbo.
“Mukhang may isang tao na ang hindi takot sa’yo ha?” pang-aasar ni Jenny sa akin.
“Gusto mo bang sa’yo ko ibunton ang inis ko?” sagot ko rito habang nakatingin ng masama sakaniya.
“Eto naman hindi mabiro!” sagot niya sa akin habang tumatawa.
“Tara na nga! Late na ako sa meeting.” inis na pag-aaya ko.
Third Person’s POV
Nang dahil sa ginawang ‘yon ni Clyde ay naging tampulan siya ng usapan at chismisan sapagkat siya lamang ang naglakas loob na sumagot ng gano’n kay Dra.Montemor o Dra.Mondragon kung kanila ay tawagin. At dahil na rin dito ay palagi na rin siyang tinutukso ng kaniyang mga kasamahan. Siya ay binansagang “Transferee” sapagkat anila ay maghahanap na muli si Clyde ng kaniyang lilipatan na hospital ng dahil sa kaniyang ginawang pagsagot kay Gabby.
“Lagot ka Clyde the transferee! Hahahaha, ipanalangin mo na hindi kayo magtagpo ng landas ni Dra.Mondragon hanggat hindi niya nakalilimutan ang ginawa mong pagsagot sa kaniya kanina.” panunukso ng kaniyang kasamahan.
“Lagot ka Clyde, mukhang lilipat kana naman ng hospital.” dagdag pa ng isa.
“Goodluck pare, mukhang magiging transferee ka ulit.” dagdag pa ulit ng isa niyang kasamahan habang tinatapik ang kaniyang balikat.
Ngumiti na lamang siya at napakamot sa kaniyang ulo. Hindi niya malaman kung siya ba ay dapat na matuwa dahil sa mga biro, o dapat na matakot dahil sa mga banta ng kaniyang mga kasamahan.
Habang si Clyde ay tunutukso ng kaniyang mga kasamahan, si Gabby naman ay kasalukuyang nasa isang pagpupulong. Ito ay hindi makapag-focus sapagkat dala pa rin niya ang inis mula sa kaganapan kanina. At ito ay napansin ng kaniyang matalik na kaibigan na si Vince. Si Vince ang may-ari ng hospital na pinagtatrabahuhan ni Gabby, ito ay isa sa kaniyang mga naging kaklase sa med school.
Nang matapos ang pagpupulong, agad na tinanong ni Vince ang kaibigan.
“What’s bothering you Gabby? Hmmm” tanong nito habang nakatingin sa kaibigan niyang nakahaba ang nguso dahil sa pagsimangot.
Hindi sumagot si Gabby sapagkat ito ay hindi niya narinig, abala siya sa pagiisip ng mga paraan kung paano siya makakaganti kay Clyde.
“Nakahanap kasi siya ng katapat niya eh. Yung poging nurse na kakalipat lang daw. Clyde yata yung pangalan.” natatawang sagot ni Jenny kay Vince.
“So, ano ngang nangyare Gabby? Huwag kang sumimangot ng ganiyan at baka mahipan ka ng hangin, mukha kang bibe. Ikaw din, sige ka.” panunukso ni Vince kay Gabby.
“Eh kung pagbiberahin kaya kita diyan? Bastos yung bago mong hinire. Sana man lang chineck mo muna yung background niya bago mo kinuha at tinanggap. Nakakainis.” sagot ni Gabby habang nakasimagot.
“Actually, nacheck ko yung background niya, kaya ko nga siya kinuha eh. Isa siya sa pinaka-magaling na nars du’n sa hospital na pinanggalingan niya.” sagot ni Vince kay Gabby.
“Pinaka-magaling nga, pinaka-bastos naman. Siya na ngaa ng nakabangga sa akin tapos ako pa ang kaniyang sisisihin? Ako pa raw ang nakaharang sa daan. Ang kapal.” pagrereklamo ni Gabby.
“Eh hindi ka nga ba nakaharang sa daan?” pagtatanong ni Vince.
Natigilan si Gabby nang ito ay marinig. Alam niya sa kaniyang sarili na may katotohanan ang sinabi sakaniya ni Clyde. Totoo na siya ay nakaharang sa daaanan kung kaya naman siya ay nabangga.
“Ah basta! Arogante at bastos pa rin siya!” inis na sagot ni Gabby sa kaniyang kaibigan.
Bago pa man magsalita muli si Vince ay inunahan na siya ni Gabby.
“Mauna na kami ni Jenny at titignan ko na ang mga pasyente ko.” pagpapaalam nito.
Matapos itong sabihin ni Gabby ay agad itong tumayo at lumabas sa conference room. Ito ay dumeretso muna sa kaniyang opisina upang magpalit ng damit.
Gabby’s POV
Gabby, huwag mong sirain ang araw mo. Inhale, exhale. Hindi mo puwedeng sirain ang araw mo ng dahil lang sa lalaki na ‘yon.
“Jenny, iikot na ako. Maiwan ka muna rito ha. Kung sakali na may maghanap sa akin ay tawagan mo ako, pero kung letter MH, alam mo na ha.” pagbibilin ko kay Jenny.
MH stands for mahirap. Ayaw kong sayangin ang oras ko sa mga mahihirap na tao, hindi ako nagaral para lang makinig sa mga pagpapaawa nila para lang makakuha ng tawad sa serbisyo ko.
“Good morning, Sir John. Kumusta na po ang pakiramdam ninyo?” magiliw na pangangamusta ko sa aking pinaka-paboritong pasyente.
“I am doing good, Dra. Anyway, kakauwi lang ng asawa ko galing states at may ipinapabigay siya sa’yo.” sagot nito sa akin.
“Sally, pakikuha yung paper bags duon sa cabinet." utos nito sa kaniyang bantay.
“Naku. Si Ma’am Victoria talaga, nagabala pa.” nakangiting sagot ko.
Kaya ikaw talaga ang pinaka-paborito ko sa lahat ng aking mga pasyente eh. Silang mag-asawa ang isa sa mga mag-asawang mayaman na regular patients ko na, hindi na sila nagpapatingin sa iba kundi sa akin lang.
Inabot na sa akin ni Sally ang mga paper bags, apat na paper bags ito at may kabigatan. At mukhang ang lahat ng ito ay mga bag. Ang isang paper bag ay Gucci, ang dalawa naman ay Chanel, at ang pinaka-paborito ko sa lahat na Louis Vuitton. Magaling talagang kikilatis si Ma’am Victoria, at alam na alam niya talaga ang mga bagay na gusto ko.
“Nakakahiya, Sir. Hindi ko po ito matatanggap.” pagkukunwaring pagtanggi ko rito.
Kailangan ko pa ring mapanatili ang maganda kong imahe, ang imahe ko na isa akong doktora na hindi lang sa pera.
“Dra. para kana naming anak, alam mo ‘yan. Alam mo naman na wala kaming anak na babae at ikaw ang itinuturing na anak ng aking asawa. Malulungkot ‘yon kapag hindi mo ‘yan kinuha. Is that what you want?” pangungumbinsi nito sa akin.
Ayan, ganyan.
“Ayaw ko pong malungkot si Ma’am Victoria. Thank you po rito ha. Kailan po ulit siya bibisita sainyo para personal naman po akong makapagpasalamat sakaniya.” pagpapasalamat ko rito habang nakangiti.
Nakangisi talaga ako.
“Naku, matatagalan pa ‘yon dahil umalis siya kasama ang aming bunso. Pumunta sila ng Japan.” sagot nito sa akin.
“Thank you po talaga, Sir. Kapag po may kailangan kayo ay ipatawag niyo lang po ako. Mauna na rin po ako at hinihintay pa po ako ng iba ko pang mga pasyente.” pagpapaalam ko rito.
Agad naman siyang tumango. Pinipigilan ko ang mapangiti ng sobra hanggang sa makalabas ako ng kwarto. At nang ako ay makalabas, hindi ko na ito pinigilan pa. Napansin ko naa ng ilan sa mga Nars ay nakatingin, at ang ilan ay nagbubulungan.
“What are you looking at?” pagtataray ko sa mga ito.
Agad naman silang nagsiyuko at ang ilan ay naglakad papalayo. Babalik muna ako sa opisina ko upang iwanan ang mga paper bags na ito. Habang ako ay payapang naglalakad pabalik sa aking opisina ay may nakabangga sa akin. Nanaman. Dahil dito ay nabitawan ko ang mga paper bags na dala ko. Agad kong nilingon kung sino ang bwiset na bumangga sa akin.