THIRD PERSON’s POV
“Gabby, gusto mo ba ng fried chicken?” tanong ng Ina sa kaniyang anak.
“Opo naman, Mommy.” magiliw na tugon ng isang Batang babae sakaniyang Ina.
“Ibibili natin ng fried chicken si Gabby, ‘di ba Daddy?” tanong ng Ina ng bata sa kaniyang Asawa na nag-mamaneho.
“Oo naman, basta ang kailangan ay matulog na dahil gabi na. Mahaba pa ang magiging byahe natin, Baby Gabby. Bukas pagka-gising na pagka-gising mo ay may fried chicken ka.”, tugon naman ng Ama ng batang babae.
Agad namang pumikit ang bata, niyakap ang kaniyang manika. Ang bata ay mahimbing ng natutulog, ito naman ay pinapanood lamang ng kaniyang Ina.
“Isinuot mo ba ang seatbelt niya?” tanong ng lalaki sa kaniyang asawa.
“Oo, bakit?” nag-tatakang tanong ng babae.
“Isuot mo na rin yung seatbelt mo dahil hindi kumakapit yung preno, nasira yata. Pero huwag kang mag-alala at iisip ako ng paraan.” sagot ng lalaki sa babae.
Habang nanggigilid ang luha ay hinimas ng babae ang ulo ng kaniyang anak na mahimbing na natutulog. Hinubad nito ang suot niyang kwintas at isinuot sa kaniyang anak. Hinalikan nito ang noo ng kaniyang anak. Hindi na nito napigilan ang pagpatak ng kaniyang luha sapagkat hindi sigurado ang kanilang kaligtasan, at sila ay maaaring maaksidente. Ang daan na kanilang tinatahak ay madaming pakurba, ang lalaki ay nananalangin na sana ay wala silang maka-salubong na malaking sasakyan hanggang sila ay makarating sa deretsong daan. Ngunit, dumating na ang kaniyang kinatatakutan, may isang mabilis na truck ang kanilang kaharap, nasagi nito ang harapan ng kanilang sasakyan, nagpaikot-ikot ang sinasakyan ng pamilya. Ito ay nasa dulo ng kalsada at kaunti nalang ay malalaglag na ito sa bangin.
Nagising ang bata.
“Mommy, ano pong nangyayare? Mommy natatakot po ako. Mommy, Daddy. Gumising po kayo.” sambit ng bata habang ito ay umiiyak.
“Tulong, tulungan niyo po kami, tulungan niyo po kami. Si mommy po at si daddy madami po silang dugo.” dagdag pa nito.
May mga sasakyan na huminto, lumapit dito, tumawag ng ambulansya at humingi ng tulong. Ngunit narinig nila na tila malapit ng bumigay ang bakal na pumipigil sa sasakyan sa maaaring pagkahulog nito sa bangin. Naisip ng mga tao na magtulong-tulong upang pigilan ang sasakyan sa tuluyan nitong pagbagsak sa bangin, ang ilan ay humawak sa bintana ng sasakyan, magkabila.
“Ilalabas ka namin bata, sandali lang ha. Tumahan kana, padating na ang tulong.” sagot ng isang Babae sa bata upang ito ay tumahan at kumalma.
“Pagbukas ko ng pinto ng sasakyan, hilahin niyo agad yung bata.” sambit ng Babae sa kaniyang mga kasama.
Habang ang iba ay pinipigilan ang sasakyan sa tuluyan nitong pagkahulog sa bangin, binuksan ng babae ang pinto ng sasakyan, at ang isa naman ay inilabas ang umiiyak na bata mula rito. Pagkalabas ng bata ay isasara na nila ang pinto ng biglang nadulas ang isa sa kanila at naging dahilan ng pagkatumba nila, dahil dito ay napabitaw sila sa sasakyan. Nahulog ang sasakyan sa bangin kasama ang magulang ng bata.
“Mommy! Daddy!” sigaw ng bata nang kaniyang makita ang pagkahulog ng sasakyan kung saan nakasakay ang kaniyang magulang.
Pagkasigaw ng bata ay bigla itong nawalan ng malay. Isang oras na ang nakakalipas at dumating na ang tulong, dumating na ambulansya at mga pulis. Isinakay ang walang malay na bata sa ambulansya at dinala ito sa malapit na hospital, sumama ang isa sa mga tumulong sa pagsagip sa bata. Ang mga pulis naman ay tinitignan ang lugar ng pangyayare.
“Magiging ayos lang ba ang kaniyang lagay?” tanong ng babae sa Nars.
“Opo, maaaring nawalan lang po siya ng malay dahil sa pagka-bigla, hindi po kinaya ng bata ang kaniyang nakita kung kaya naman po siya ay nawalan ng malay.” sagot ng Nars sa babae.
Tumango lamang ang babae pagkatapos niya itong marinig. Dumating na sila sa hospital, maayos naman ang kalagayan ng bata. May iilan itong galos ngunit ayos lang naman ito. At hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay.
Ilang oras na ang nakalipas at nagising na ang bata.
“Mommy!” sigaw nito at tila ito ay nananaginip.
Gabrielle’s POV (Gabby)
“Mommy!”
“Nananaginip kana naman, Gab.” sambit ni Jenny habang ito ay umiiling.
Ilang taon na rin simula nung araw na iyon, at hanggang ngayon ay paulit-ulit ko pa rin iyong napapanaginipan. Sana nga ay panaginip nalang ‘yon, sana ay isa na lamang masamang panaginip, na kapag gumising ako ay nandito pa rin sila, sila Mommy at Daddy.
“Ano naman ngayon?” pagtataray na sagot ko rito.
Si Jenny ay isa sa aking mga naging kaibigan sa ampunan kung saan ako lumaki, ngunit hindi gaya niya ako ay hindi na nagkaroon ng magulang. Siya ay inampon ng mag-asawa na may magandang trabaho noon, ngunit ngayon ay wala na kung kaya naman kinuha ko si Jenny bilang aking sekretarya.
“Sa ilang taon mo akong kasama matulog, ngayon kapa talaga umiling ha” pagtataray ko muli rito.
“Sabagay, hindi ko na kinailangan ng alarm clock noon para magising. Dahil palagi ka namang nagigising sa ganiyang paraan.”, sagot nito sa akin.
Inirapan ko na lamang siya at piniling hindi umiimik sapagkat tama naman siya. Paulit-ulit ko naman talagang napapanaginipan ang aksidente na nangyare sa amin nila Mommy at Daddy. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang kanilang mga katawan.
“Anong oras na? May meeting ba ako ngayon” tanong ko kay Jenny.
“6:30 am na. Oo, may meeting ka mamayang 9:00 am.” sagot niya sa akin.
Agad akong tumayo upang maligo.
“Magpaluto kana ng almusal, ayaw ko ng rice ngayon.” utos ko rito.
Hay nako. Ang aga-aga ay nakangiti na naman si Jenny habang ito ay may binabasa sa kaniyang cellphone. Panigurado ay kausap na naman nito ang kaniyang kasintahan na kailanman ay hindi niya pa nasisilayan.
“Hoy! Hindi kita binabayaran para ngumiti ka na para kang nasisiraan diyan. Ang sabi ko ay magpaluto ka ng almusal. Ligpitin mo na rin tuloy itong higaan ko at igayak mo ang susuotin ko.” sigaw ko rito at binato ko sakanya ang isa sa aking mga unan.
“Eto na nga, palibhasa wala kalang lovelife eh. Ampalayaitera kahit kailan, hmp.” sagot nito sa akin habang nakasimangot.
Tumayo na lamang ako at dumeretso sa banyo. Hindi ako tanga para magaksaya ng oras sa pag-ibig na yan. Lahat naman ng tao ay iiwan din tayo bandang huli, kaya debali na lang. Tinawag na naman niya akong ampalayaitera, dahil daw ako ay bitter at lalaitera. Pasalamat talaga ‘tong si Jenny at wala akong panahon na maghanap ng ibang sekretarya dahil wala akong makasundo at lahat sila ay nilalayasan ako.
“Gab, nakahanda na ang pagkain.” sabi ni Jenny habang nakangiti.
“Susunod na ako. Pakisabi na rin sa driver na aalis tayo oras na matapos akong kumain. Okay?” sagot ko rito.
Tapos na akong gumayak. Ako ay bababa na para kumain.
Third Person’s POV
Bumaba na si Gabby matapos itong gumayak at ito ay agad na dumeretso sa hapagkainan.
“Hindi ba’t ang sinabi ko ay ayoko ng kanin ngayon? Hindi ka kasi nakikinig Jenny! Apura ang pagtetext at pagngiti mo diyan sa cellphone mo.” galit na panenermon ni Gabby kay Jenny.
“Sorry, hindi ko kasi narinig.” paghingi naman ng paumanhin ni Jenny.
“Paano mo nga naman ako maririnig, diba? Abalang abala ka sa pakikipaglandian mo diyan sa boyfriend mong ni daliri ay hindi mo pa nakikita.” inis na tugon ni Gabby sakanya.
Yumuko na lamang si Jenny at hindi na umimik. Ito ay nakaramdam ng lungkot sapagkat may katotohanan ang sinabi ni Gabby na ni dulo ng daliri ng kaniyang nobyo ay hindi niya pa nasisilayan. Matagal na silang magkakilala at nagkakausap sa cellphone ngunit ni minsan ay hindi pa nagtatagpo.
Napansin ni Gabby ang pagtahimik ni Jenny at ito ay nakaramdam ng pagsisisi, alam niya na siya ay sumobra sa pagkakataon na iyon sapagkat alam niya na matagal ng gusting Makita ni Jenny ang kaniyang nobyo. May pagka-maldita man itong si Gabby ay mahalaga sakaniya si Jenny dahil ito ang nagiisa niyang kaibigan.
“Sige na nga, pwede na yan. Umupo na tayo at magalmusal, male-late pa ako nito eh.” pagputol ni Gabby sa katahimikan.
Ngunit, hindi kumikibo si Jenny. Nagpapanggap ito na walang naririnig dahil ito ay nagtatampo.
“Sinong may gusto ng sundae?”, pagtatanong ni Gabby.
Nang marinig ito ni Jenny ay agad itong napangiti, kilala na talaga siya ng kaniyang kaibigan at alam kung ano ang kaniyang kahinaan at ito ay ang pagkain ng sundae.
“Dalawa ha, atsaka French fries” nakangiting sagot ni Jenny at dali dali itong umupo sa hapagkaininan.
Nang matapos kumain ang magkaibigan ay agad na silang umalis dahil ayaw na ayaw ni Gabby ang nale-late sa kaniyang trabaho.
Agad na binuksan ni Jenny ang pintuan ng sasakyan nang sila ay makarating sa harap ng hospital kung saan si Gabby ay nagtatrabaho. Sila ay binati ng mga nars.
“Good morning, Dra.”
“Magandang umaga po, Dra.Montemor”
Si Gabby ay dere-deretso lamang sa paglalakad at ni hindi nililingon ang mga bumabati sa kaniya.
May isang Nars ang nagmamadali at hindi inaasahan na nabangga niya ang balikat ni Gabby ngunit ito ay hindi niya napansin.
Napanhinto si Gabby at agad na nainis.
“Are you blind?” inis na pagtatanong nito. At agad na lumingon sa direksyon kung saan tumakbo ang Nars na nakabangga sakaniya.
Sapat na ang lakas ng kaniyang boses upang marinig siya nito ngunit ito ay nagpatuloy sa pagtakbo. At dahil dito ay lalong nainis si Gabby.
“Sino ‘yon?” pagtatanong nito sa Nars na nasa kaniyang harapan.
“Si Clyde po iyon, Dra. Kalilipat lang po niya rito kahapon.” sagot ng Nars.
“Mukhang kailangan na ulit niya maghanap ng lilipatan.”, bulong ni Gabby ngunit ito ay sapat na upang marinig ng Nars na kaniyang tinanong.
Nagpatuloy na sa paglakad si Gabby at dumeretso sa kaniyang opisina.
Clyde’s POV
Sino kaya yung babae kanina? Hindi siya tumitingin sa daan, kita niyang nasa hospital siya tas sa gitna siya dumadaaan at akala mo ay nagpo-prosisyon sa bagal niyang lumakad.
“Lagot ka Clyde, mali ka ng binangga kanina.” pananakot sa akin ng is akong kasamahan na hindi ko pa kakilala.
Kalilipat ko lamang kahapon kung kaya naman iilan pa lamang ang aking kakilala. Base sa kaniyang nameplate ay siya si Kristal.
“Bakit? Sino ba siya? Haharang harang siya sa daan eh. Kita niyang nasa hospital siya tas akala mo nasa prosisyon siya kung maglakad. Atsaka hindi ko naman sinasadya.” sagot ko rito.
“Naku. Iyon si Dra.Montemor or Dra.Mondemonyo kung tawagin namin. Masungit yon at maldita kaya magiingat ka lalo na at tinanong niya kung ano ang iyong pangalan.” sagot niya sa akin.
“Bakit naman ako matatakot? Hindi ko naman sinasadya atsaka kasalanan din naman niya dahil paharang-harang siya.” pagdepensa ko.
“Ah ganoon ba? Ako ba dapat ang humingi ng tawad sa’yo Mr.Clyde Ruiz Diego?” pagtatanong ng isang babae sa aking likuran.
Agad akong lumingon kung saan nagmula ang boses at mukhang malalagot nga talaga ako.