PROBINSIYA

1827 Words
FRIDA'S POV. Mabilis kaming nakarating dito sa aming Probinsiya. Hindi na namin kasama si Liam na umuwe rito dahil isinama na nila ito. Susunod na lang kami roon sa resort kapag nasundo na namin si mama at ang aking kapatid. Andito pa lang kami sa loob ng sasakyan ay dinumog na ng mga tao ang sasakyan ni Axel mula sa labas ng sasakyan. Kasama nga pala namin si Primo at ang isa pa nilang kaibigan na si Andrie. Paano na lang kaya kapag lumabas ang mga ito sa sasakyan tapos makita pa nilang nag-iisa lang akong babae rito? Naku! Tsismis na naman ito at sabihin na naman nilang mga lalaki ko sila. Pero siyempre, kasama ko si Prising dahil gusto niyang makita ang bahay namin. Tuwang tuwa nga siya at siya pa ang naunang bumaba ng sasakyan. "Hello! Ngayon lang ba kayo nakakita ng artista?" Pabirong saad ni Prising na ikinailing ko naman rito habang pangiti ngiti siya at kumakaway sa mga tao. Sumunod na rin akong lumabas ng sasakyan at sabay sabay naman ang tatlo sa paglabas ng sasakyan na kinatulala na lamang ng mga tao rito. Kita sa mga mata nila ang pagkuryusidad at pang-uusisa dahil sa mga kasama kong mga lalaki. "Frida, iba na naman yata yang mga kasama mo at mukhang mas yummy at yayamanin pa. Saan mo ba sila nakilala ha? Saan ba makakahanap ng mga gan'yang kakaguwaponhg mga lalaki? Sa dating site na naman ba?" Sabay halakhak ng mga tao rito sa akin. Dahil sa pakiki-usyuso nila ay napalabas na rin sina mama at Carmela mula sa loob ng bahay. Sarado ang tindahan namin dahil tumigil na rin si mama sa pagtitinda. Palugi kasi ng palugi ang aming tindahan dahil karamihan dito ay ang kakapal ng mga mukha nila. Hindi sila nagbabayad ng kanilang mga inutang sa tindahan dahil marami naman daw pera si mama. Ganito talaga ang tingin ng mga tao sa amin dito. Umangat ka lang ng konti ay gusto ka na nilang hilain paibaba. Kaya itong tindahan namin ay naging bodega na lang. "Hoy kayong mga tsismosang palaka! Kaya kayo hindi umaasenso eh dahil wala kayong ginawa kundi ang magtsismisan. Masyado kasing mga pakialamera sa buhay ng ibang tao!" Galit na singhal ni Prising. "Wow! Bravo! Yan ang gustong gusto ko sa isang babae. Yung tipong palaban. Halika na babe!" Saad ni Andrie na kinatulala na lang ni Prising. Kakasabi lang niya kaninang umaga na sana ay magka-jowa na siya at heto siya. Her wish is granted. "Umiiral na naman 'yang pagiging babaero mo Andrie." Puna ni Primo. "Tsk! What's wrong with that Primo? Nagbago na rin ako simula ng makita ko si Prising," saad pa ni Andrie. " Selos ka lang eh dahil wala kang jowa," pambabara pa nito. " Saka isa pa, pare-pareho lang tayong mga babaero lalo na yang si Axel." Sabay tingin ng dalawa kay Axel at pati rin siya ay nadamay na kaya naman naningkit ang mga mata ni Axel sa kanilang dalawa. Napapailing na lang ako rito. Kahit naman malaman ko ang bad sides ni Axel ay okay lang naman dahil iyon na yung naturang mga gawain niya kahit magturuan pa silang tatlo. Ngunit si Prising ay parang namimilipit na ito sa kilig habang naka-akbay sa kan'ya si Andrie. Shutek! Parang nakakainggit naman silang dalawa. Napatikhim ang aking katabi kaya yung abot tenga na ngiti ko ay biglang umuurong. "Kinikilig ka Frida." Kumunot ang noo ko. Bakit naman ganito makatingin si Axel sa akin? Nakaka-ano na parang maiinis ka tapos kikiligin ka na ewan dahil parang nakakatunaw kasi ang mga titig niya. Makalaglag panty ba naman ang mga nanlilisik niyang mata. Parang sinasabi nito na bawal akong kiligin sa dalawa. Parang inuutusan niya kong huwag tumingin sa dalawa dahil nasa tabi ko naman siya. "Ano ba ang paki mo," inis na sabi ko. Narinig ng mga kaibigan niya kaya sila napatingin. "Ano 'yan? May MU kayong dalawa?" Tanong ni Andrie. "Mind your own business!" Madiing saad ni Axel at mukhang magtatalo pa ang mga ito rito. "Oh siya, tama na 'yan. Pumasok na tayo sa loob. Hayaan niyo na ang mga kapit-bahay namin dito. Ganito talaga sila kapag nakakakita ng bisita." Sabi ko at sakto namang narito sina mama at Carmela. Halos natulala rin ang mga ito sa akin. Napakunot naman ang aking noo nang yumuko ang aking kapatid. Parang nahihiya ito sa mga kasama kong mga lalaki. Ganito ang aking kapatid. Sobrang napakamahiyain. "Sino yang mga kasama mo Frida? Nasaan si Liam ang apo ko?" Tanong ni mama. Sasagot na sana ako nang unahan ako ni Isang na magsalita. Ang numero unong tisismosa ng aming kapit-bahay. Siya ang tiyahin ni Helen at ewan ko ba kung bakit walang magawa sa buhay ang tita niya. "Naku! Kasama niya na ang bagong tatay niya tapos may iba na namang inuwe si Frida." Na kinangiwi ko na halos tumaas ang dugo ko sa sinabi niya. "Gagawa na naman ng panibagong bata para makahuthut lang ng pera. Saan pa sila magmamana ang mga anak mo Emily? Kundi sayo!" Saad ng inggiterang kapit-bahay namin. "Hindi mo gayahin ang kaibigan mong si Helen. Naku sobrang yaman ng bf nun. Umuwe pa nga rito yung lalaki eh. Tsk! Wala talagang binatbat yang mga pipitsugin mong kasama." "Isang! Hindi ka ba titigil sa kakabunganga mo? Kahit sino na lang ay ginagawaan mo ng storya. Nagmumukha ka tuloy mangmang sa inaasal mo. Sabagay, mangmang din ang nagpalaki sayo kaya ang naging resulta ay ikaw." Natawa si Prising sa sinabi ni mama. " Ay tumpak po kayo diyan tita! Mangmang siya," sabay halakhak nito habang napapakamot ng ulo si Andrie. "Kung siya ba naman ang magiging syota mo, naku. Hindi ka makalaligtas kay Prising. Baluktot agad ang t*ti bird mo sa kan'ya." Dinig kong saad ni Primo habang natatawa. Napapailing na lang si Axel na katabi ko. Mabuti at tahimik lang siya at hindi nakikialam sa mga tao rito. "Okay lang maputol, kung papayag din siyang magpawasak," pabirong sagot naman nito kay Primo habang napapailing ito. "Ma, hayaan niyo na po silang magsalita. Prising, huwag ka na ring makipagtalo sa kanila dahil hindi ka mananalo sa mga taong walang ginawa kundi ang mang-husga. Tara na sa loob. Carmela, pumasok ka na rin sa loob." Utos ko sa kapatid ko. " Sige ate," sagot niya dahil naabala na namin ang mga ibang mga sasakyang dumadaan dito sa kalsada. Andaming taong gustong maki-usyoso rito lalo na't itong mga kasama kong mga nag-gwagwapuhang galing Maynila ang kanilang naging sentro ng tingin para magkaroon ng trapik dito. Attractive sila sa mga tao rito dahil ang tatangkad kasi ng mga ito. Eh ano naman ngayon kung kasama ko sila? Si Axel naman ang namilit na umuwe kami rito tapos bigla namang sumama ang dalawang kaibigan ni Axel at pati si Prising ay sumama na rin. Pagkapasok namin dito sa loob ng bahay ay pinaupo na namin ang mga kasama ko. Kinausap ko agad si mama kung ano ang pakay namin dito. At nang matapos kong sabihin ay agad na itong nag-impake sa loob ng silid kasama si Carmela. "Guys! Parang ang ganda rito noh." Saad ni Prising at wala ng sir sa pagtawag niya. Talaga nga namang feeling niya ay mga kaibigan niya ang mga amo namin. Jusko naman! Napakafilinggera niya. Napatingin ako kay Axel at patungo ito sa labas kaya naman sinundan ko siya. Naglabas siya ng yosi saka niya ito sinindihan. Hindi niya napansin na sinundan ko siya. "Sir, okay lang po ba kayo?" Tanong ko rito habang umuusok ang sigarilyo sa bibig nito. "Paano nakakatiis ang mama at kapatid mo rito? Mabuti at nakakaya nilang tiisin ang mga kapit-bahay niyo." " Sir, matitiis naman nila dahil nasanay na rin sila rito. Ganito po talaga rito pero hindi naman po lahat ay ganito ang mga ugali ng mga kapitbahay namin. Naiinggit lang ang iba sa amin dahil kung ano ang makita nila na umaangat ka sa buhay. Gagawaan ka na nila ng kwento." "Gaya ni Liam? Gusto mo bang ako na lang ang maging ama ni Liam?" Na halos mapanganga ako sa sinabi niya. Umiling ako. "Hindi po sir." Dahil hindi pa ko handa sa ganito. Gusto kong makausap muna si Ibrahim kung siya ba talaga ang ama ni Liam. Ayaw ko naman magpadalos dalos kay Axel at tanggapin agad ang offer niya. What if one day ay magkrus ang landas namin ni Ibrahim at makita niya si Liam? Ano kaya ang masasabi niya kung sakaling makita niyang si Axel ang makitang ama ni Liam? Ayaw ko ng gulo kung sakaling dumating yung araw na pagkikita namin. Mayaman si Axel at mayaman din si Ibrahim. Paano kung humantong na ito sa korte at Kunin sa akin ni Ibrahim si Liam? May magagawa kaya si Axel kung hindi naman siya ang ama ni Liam? Paano na? Or tatanggapin ko na lang ang offer ni Axel para may laban kung sakaling ikasal nga kaming dalawa. Hindi, masyado na kong assuming nito. Naghahangad na naman ako ng walang kasiguraduhan . "Why?" Dismayadong tanong ni Axel. "Dahil ba hindi ako ang ama ni Liam kaya ayaw mo dahil umaasa ka pang babalikan ka ng tatay na nang-iwan sa inyo ng anak mo?" Umiling ako. " Hindi naman sa ganun sir. Ayaw ko lang po kasi dumating yung time na bigla siyang dumating at ayaw kong mangyari na malaman niyang may anak kaming dalawa tapos makikita niyang may ibang sumalo sa anak niya. Paano ako makakasiguro para hindi niya malaman ito lalo na't narito lang siya sa Pilipinas?" Nangangambang saad ko. "Who is he? Pwede ko bang malaman kung sino siya?" Umiling ako dahil may nais pa kong matuklasan tungkol sa kanila ni Ibrahim at kung sino yung sinasabi ni Isang na may kasama si Helen na mayamang lalaki. At kung makumpirma kong si Ibrahim nga iyon ay saka ako kikilos na hindi nalalaman ni Helan. " So, anong plano mo sa ama ng bata?" Umiling ako bilang pagtugon dahil gulong gulo talaga ang isip ko eh. Hindi ko naman pwedeng ikwento kay Axel yung mga nangyari sa akin noon. "So, sa dating site mo siya nakilala?" Kumabog sa lakas ang aking dibdib dahil sa pangtsitsismis ni Isang at ngayon naman ay binabato na ko ng mga katanungan ni Axel. Ayaw ko ng buksan ang mga nangyari sa akin noon dahil nanggagalaiti ang inis ko kay Helen dahil sa kakapalan ng pagmumukha niya. "Ahmm... Pwede po ba sir huwag na natin pag-usapan ang tungkol sa amin ni Liam." "Bakit ayaw mo Frida? Anong kinakatakot mo sa nakaraan mo? I just want to know dahil handa naman akong makinig eh." Giit pa nito. " Seryoso ka ba sir?" Takang tanong ko. Tumingin naman siya sa akin. Kay tagal niyang tumitig. " Ano ba ang tingin mo sa mga matang ito Frida? Pag-aaksayahan ba kita ng oras para kausapin ka? Pag-aaksayahan ba kita ng panahon para lang makapunta rito sa lugar niyo?" Na parang seryoso nga siya sa mga sinasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD