IBRAHIM

1704 Words
AXEL POV. "Frida, tara na muna maglakad lakad sa labas." Pag-aya ni Prising kay Frida pagkalabas nila sa room. Hindi nila kami napansin dito na nakatambay lang sa labas ng aming mga silid. Magkakatabi lang naman ang aming room dito dahil ito lang ang mga room na bakante nang gabi na kami makarating. Takang nagkatinginan kaming tatlo nila Primo at Andrie rito habang nakabihis pang-ligo na kami. Nasa pool na yung iba at yung iba ay nasa dagat naliligo. "Wala na atang balak maligo ang mga iyon?" Pakamot kamot ng ulo si Primo habang pinapanood naming papalayo ang dalawa. Naka-short kasi ang mga ito at naka-shirt. "Baka naman hindi pa sila maliligo at balak pa nilang mamasyal." Sagot naman ni Andrie. "Pwede bang hayaan niyo na lang sila. Tara na sa beach." Pag-aya ko sa dalawa at nauna na nga akong naglakad patungo roon. Subalit nakaramdam ako na parang hindi naman sila sumusunod kaya naman binalikan ko silang dalawa na tila may binabalak. "Sama ka ba sa amin?" Tanong ni Andrie na tila may balak ang mga ito. "Anong balak mo?" Takang tanong ko. "Dahil ako ang hari sa mga kalokohan. Sumunod na lang kayong dalawa sa akin." Mayabang na saad nito kaya naman napapailing kaming sumunod kay Andrie. "Walang hiya! Anong gagawin natin dito?" Tanong naman ni Primo dahil narito kami sa tapat ng pinto ng silid ni Frida at ni Prising. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito kaya naman nauna na kong pumasok sa loob ng silid habang nakasunod sila sa akin. "Oh see! Alam ni Axel ang gagawin natin. Kahit hindi ko sabihin ay alam niya. Ikaw Primo, paganahin mo minsan ang utak mo." Pang-mamaliit na saad niya kay Primo. "Nagsalita ang bobo," sisi ni Primo kay Andrie. "Tumigil na nga kayong dalawa." Suway ko sa kanila. I-lock niyo ang pinto." Utos ko. " Naka-lock na." Saad naman ni Primo. Habang narito kami sa loob ay inumpisahan na naming tatlo ang mangalkal ng mga gamit nila. Hindi namin malaman kung saan namin uumpisahan ito. Basta si Andrie ay abala siya sa pangangalkal ng gamit ni Prising. Mga panty at mga bra ang isa'-isa niyang tiningnan. Ako naman ay parang ayaw kong gawin ito gaya ng ginagawa niya. Baka malaman pa ito ni Liam ay magalit pa ito sa akin. Kung magalit ay parang ako lang noong bata. Ugali ko pa naman ang hindi namansin at ayaw ko namang gawin niya iyon sa akin. "Guys look!" Sabay kaming napalingon kay Andrie. Paborito pala ni Prising ang soen na panty." Sabay hagikhik nito. " Look, yung bra niya halos luma na." Na mas lalo naman itong napahagikhik. "Kaya pala walang balak maligo ay wala silang magandang maisusuot. Napapailing naman kaming dalawa ni Primo rito habang pinagpapatuloy niyang mangalkal. "Sige kalkalin mo pa 'yan. Tignan natin kung hindi mabasag yang itlog mo mamaya." Paalala ko. "Hmmm... Bakit hindi na lang natin sila bilhan ng bago?" Suhestiyon ni Andrei. "Magandang idea yan." Saad naman ni Primo. "Pero kung bibili kayong dalawa ng bago. Isali niyo na rin bilhan yung kapatid ni Frida." Nagkatinginan kaming dalawa ni Andrie. "Oh bakit? Anong problema niyong dalawa sa sinabi ko?" "Siguro type mo rin yung kapatid niya noh?" Tanong ni Andrie. "Siraulo! Ang bata pa nun." Inis na sabi ni Primo. "Eh bakit gusto mong ibilhan namin siya kung ganung bata pa? Ikaw talaga. Halatang manyak ka talaga." Sabi ni Andrie na kinainis ni Primo. "Hoy! Mas manyak ka. Tignan mo nga yang mga hawak mo? Ibalik mo na yan." Utos ni Primo sa makulit naming kaibigan na si Andrie. "Tama na nga 'yan. Ang mabuti pa ay lumabas na lang tayo rito. Maabutan pa nila tayong narito sa loob eh." Sabi ko at nauna na kong umalis dito. Sumunod naman ang mga kaibigan ko. Nag-uusap kami habang naglalakad palabas ng hotel pero biglang may nagtawag sa amin. Tinatawag kami ng Tito ni Primo. Si Tito Ibrahim. Siya ang bunso sa magkakapatid na Smith. Hindi namin akalain na rito rin pala siya nag-i-stay sa resort namin. "Tito, what are you doing here?" Tanong ni Primo. Tipid na ngumiti siya. "Narito ako to meet his parents. My meeting kami mamaya." Sagot nito. " Oh Axel, hindi mo man lang ako babatiin?" Nakangising tanong nito sa akin kaya naman tipid akong ngumiti sa kan'ya at nakipag-shake hands na rin ako sa kanya. Nagkatinginan lang kaming dalawa na walang anumang kamustahang naganap. "I just wondering Axel. Tila yata may nagbago na sayo? Are you fell in love to someone?" Tiningnan naman ako ng mga kaibigan ko. Nginisian ko siya. "Walang nagbago sa akin Tito. Ako pa rin ito gaya ng dati. Bakit mo naman natanong 'yan Tito?" Tanong ko. Tito na rin tawag ko noon pa dahil Tito naman siya ni Primo. "Alright, namiss ko kayong maka-bonding. After kong i-meet ang parents mo. Kayong tatlo, kita-kita tayo sa bar at exactly 7pm. Huwag niyong kakalimutang isama ang mga ka-date niyo." Saad nito. "Whoa! Tito naman... Alam mo namang mga single kami. Saan naman kami kukuha ng ka-date namin? For sure, kami na lang pupunta na walang isasamang babae. Sa panahon ngayon, wala na yatang single na babae na makikita rito. Halos taken na lahat." Saad ni Primo. " Ako may Prising na ko. Si Axel may Frida at Ikaw lang naman ang wala eh. Hindi naman pwede si Carmela sayo dahil bata pa siya kamo." Sabi ni Andrie. Pansin ng mga ito na tila natulala si Ibrahim. "What did you say Andrie? Did you say Frida?" Pag-uulit na sabi nito. "Yes Tito. Si Frida, yung personal cook ng Lola ni Axel." Sabay tingin sa akin ni Tito Ibrahim. "So ibig mong sabihin. Nandito si Frida at nagtatrabaho siya inyo?" Takang tanong ni Tito Ibrahim na kinakunot ng aking noo. "Why Tito? Kilala mo ba siya?" Tanong ni Primo habang kami naman ang nagkakatinginan. Hindi ko alam kung bakit kilala niya si Frida. Or baka may ibang Frida lang siyang kilala. "Hmm... May kilala akong Frida pero hindi ko sigurado kung siya nga si Frida. Pwede ko ba siyang makita?" Tanong ni Tito Ibrahim. Tumaas ang mga kilay nila sa akin ng mga kaibigan ko nang tumingin sila sa akin. " Oh, bakit gan'yan kayo makatingin?" Takang tanong ko saka ko sila iniwan na at nagtungo na sa labas. Hindi ko na nagawang sagutin si Tito Ibrahim dahil ewan ko. Parang may part sa akin na hindi ko nagustuhan. Why he wants to see Frida? "Wait Axel!" Tawag sa akin ni Tito Ibrahim kaya naman ako huminto sa paglalakad. "Pwede ba tayong mag-usap after my meeting?" "Pwede tito kung hindi ako busy mamaya." Sagot ko saka ko siya tuluyang tinalikuran. Nakasunod lamang sina Primo at Andrie sa akin. Hinahayaan ko lang silang mag-usap na dalawa habang ako naman ay napapaisip tungkol kay Frida. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa kong kausapin na hindi naman kami rati nag-uusap. Mukhang seryoso yata ang pag-uusapan naming dalawa. But what if kung tungkol lang ito kay Frida? Ano ang koneksiyon ng dalawa na parang may kaugnayan ang mga ito? Hindi ko napansin na nakarating kami agad sa pamilihan ng mga two piece. Halos pagtinginan na kami rito ng mga tao dahil sa pag-babalak nilang bumili ng two piece. Hindi ko talaga napansin na rito kami pupunta. Iba kasi ang nasa isip ko kanina at isa pa ay hinahanap ko talaga si Frida kung bakit wala ito sa dagat nang maglakad lakad kami. Si Liam at ang kan'yang Lola lamang ang nakita ko kanina. Hindi ko rin nakita yung kapatid niya at mukhang sila yata ang magkakasama kaya wala sila rito. "Hey! Look this! Bagay ito kay Frida lalo na't maputi siya." Sabi ni Andrie sa hawak niyang pulang two piece. "Kunin mo na ang lahat ng mga paninda nila. Nakakahiya kayo sa mga ginagawa niyo. Halos pagtinginan na kayo ng mga tao rito sa mga hawak niyo." Sabi ko at pati rin yung dalawang sales lady rito ay lihim na natatawa sa kanilang mga hawak na two piece. Nataranta ang mga ito na bitawan ang mga hawak nila nang makita nila na nakatingin ang mga tao sa kanila. Ang iba kasi kanina ay kinukuhanan na sila ng mga larawan. "Miss, ibalot niyo na lahat ang mga ito. Pati mga sarili niyo ibalot niyo na rin!" Naiiritang utos ni Andrie habang salubong ang mga kilay nito dahil sa inis niya sa dalawang babae. Si Primo naman ay nagpipigil sa tawa dahil may Isang pares pa na bra ang nakasabit sa balikat niya. Ako naman ay lumalayo sa dalawa dahil hindi ko rin mapigilan ang hindi tumawa sa dalawang ito. "Ikaw Axel kahit kailan talaga wala kang pakialam sa kahihiyan ng mga kaibigan mo." Inis na saad ni Andrie habang hawak ang mga pinamiling niyang mga two piece. "Hintayin mo kasi dahil ako ang pang-wakas dito." Saad ko kay Primo. Kaya naman ang ginawa ko ay inilock ko ang pinto ng tindahan nila. Nakulong ang dalawang babae sa loob habang nagsisigaw ang mga ito. Natulala at napanganga ang dalawa kong mga kaibigan dahil sa ginawa ko. Yeah. This is me. Axel Hugo Dawnson. Ang lalaking bangungot ng mga kababaihan. "Gago! Ang lupit mo talaga Axel." Saad ni Andrie habang napapailing. Nginisian ko sila. "A BADBOY is always a BADBOY. Kailan pa ko nag-tino Andrie?" Saad ko sa kan'ya na parang wala ng wagas itong mga masasamang ginagawa ko. "Kulang pa nga 'yung ginawa ni Axel eh. May mas masahol pa nga diyan sa ginagawa natin noon. Bakit? Nagbago ka na ba Andrie?" Tanong ni Primo habang nililisan na ang lugar na parang walang pakialam sa mga nangyayari. "Tsk! Kailan pa ko nagbago Primo?" Nagkatinginan kami ni Primo. "What do you mean Andrie? Pekeng pera na naman ba ang binayad mo sa tindahang 'yon?" Tanong ko. " Oh com'on guys! Kailan pa tayo nagbago sa pangloloko nating tatlo? Titino lang siguro ako kapag may babaeng magpapatino sa akin." "Ako rin," saad ni Primo. Tumingin ang dalawa sa akin. "What about you Axel?" "I am the worst nightmare and I will always be. Nothing change Primo." Sagot ko sa kanila. Pagkasabi ko ay hindi na sila muling nagtanong pa kung alam nilang seryoso ako sa sinasabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD