GIGIL

1700 Words
AXEL POV. "Sigurado ka na ba at desidido ka na ba na pag-lalaruan mo lang si Frida? Kasi ang alam namin ay seryoso ka na sa kan'ya." Tanong sa akin ni Andrie. Kasalukuyang nagtatambay kami rito sa isang gazebo habang may kaharap kaming alak na magpapapalasing sa amin. Gabi na rin at hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita si Frida. Hindi ko alam kung saan nagpunta iyon kasama si Prising. Mabuti at hindi siya hinahanap ni Liam kanina. "Do I need to repeat what I told you earlier? Kailan pa ko nagseryoso Andrie? Isa lamang yung palabas. Lahat ng pinapakita ko sa kan'ya ay walang katotohanan. Kung may seseryosohin man akong babae. Not Frida! A single mom?" At pigik akong natawa. "She's not a virgin anymore." Gigil na sabi ko rito saka ko muling ininom ang hawak hawak kong bote ng alak. "Tsk! Ewan namin sayo. Mabuti na lang at umalis si Tito Ibrahim. Paano kung narinig niya 'yang sinabi mo? What about the girl you raped six years ago? Wala ka na bang pakialam sa kan'ya? You say she's a virgin. Talaga bang Hindi mo talaga siya namumukhaan?" Tanong sa akin ni Primo. Napakunot ang noo ko nang salubungin ko ang mga titig niya sa akin. Hindi ko talaga namukhaan ang babaeng yon because I am totally drunk at that time. Lalo na't may droga pang naihalo sa inumin ko. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko pa sa babaeng hindi ko kilala at sa kan'ya ko pa naibuhos lahat ng sama ng aking loob dahil sa pangloloko sa akin ng kasintahan ko. Pero hindi ko malilimutan ang gabing iyon na paulit ulit ko siyang inaangkin. Ang aking pagkasabik sa kan'ya nang angkinin ko siya ay parang may matinding pagnanasa pa rin ako sa kan'ya hanggang ngayon na hindi ko kailanman malilimutan. Kakaiba siya at ngayon ay nararamdaman ko na naman ang init na dumadaloy sa aking buong katawan sa tuwing naaalala ko ang gabing iyon. Tila isa siyang init na nagbibigay sa akin ng pagkasabik na matikman siyang muli. Sa tagal ng panahon, alam kong nasusuklam sa akin ang babaeng iyon dahil nakuha ko ang pinagkakaingatan niyang dangal. Kung sino man siya, sana napatawad niya ko sa nagawa ko sa kan'ya at sana ay makita ko na siya dahil hindi ko na kayang tiisin pa ang damdaming matagal ko nang nararamdaman ito para sa kan'ya. Damdaming nagpapainit sa akin tuwing gabi. She is my worst nightmare everytime I close my eyes. "Look Primo, tayong tatlo lang ang nakakaalam nito. At kapag nalaman ito ni Tito Ibrahim, tiyak na magagalit 'yon kay Axel." Si Andrie ang sumagot. "Bakit naman siya magagalit? Anong rason?" Tanong ko. "Axel, hindi mo ba alam na may dinala si Tito Ibrahim sa hotel na babae? At nandun din tayo ng gabing iyon sa hotel. Hindi natin alam kung sinong babaeng iyong dinala niya at kung sinong babae ba ang ginahasa mo roon sa hotel. Sabagay, wala ka namang pakialam sa babaeng 'yon dahil wala lang sayo ang mga babae." Saad ni Andrie. Umiling ako. " What if sabihin ko sa inyo na may pakialam ako sa babaeng ginalaw ko? I want it again and I want her to pleasure her body." Na halos mapatingin silang dalawa sa akin na tila nagulat ang mga ito. "What the? Huwag mong sabihing tinamaan ka na talaga ng husto sa babaeng iyon?" Sabay tawa ng dalawa. "May mali ba sa sinabi ko? I want it again and again. It will be great to be with her." Dagdag ko pa. "Tsk! Libog mo lang 'yan dahil wala ka ng ganun ng isang buwan. Pero tama lang 'yan na mag-bakasyon muna si manoy." Sabay tawa ni Andrie ngunit hindi na natawa si Primo dahil sa pagdating ni Tito Ibrahim. "Sinong manoy ba ang tinutukoy mo Andrie?" Tanong nito ngunit may kasama na itong babae na sobrang sexy sa kan'yang suot na see through. Halos mapatingin na kaming tatlo sa babaeng kasama niya. "Wala po Tito. Huwag niyo na lang pansinin 'yung sinabi ni Andrie." Sagot ni Primo. " Siya nga po pala, sino yang kasama ninyo?" Na halos mapangiti ito sa aming tatlo ang babaeng tinutukoy ni Primo. "She is my fiance. Siya si Helen," pakilala ni Tito Ibrahim sa aming tatlo. Sumunod naman niya kaming ipinakilala sa kan'yang nobya at ako ang pinaka-huling pinakilala nito sa kan'ya. Pero tila yata napaka-lagkit naman yata ng tingin niya sa akin habang nakatingin din ako sa kan'ya. Hindi ko alam kung tama ba ako sa aking nakikita dahil parang umiikot ang paningin ko sa kan'ya dahil na rin sa nainom kong alak na kanina pa namin pinagsasaluhang mag-kakaibigan. Kinunutan ko siya ng aking noo na hindi ko namamalayang kinakausap ako ni Tito Ibrahim. Kung hindi lang ako siniko ni Primo at malamang hindi ako makaka-iwas sa malagkit niyang mga titig. "Yes Tito, may sinasabi ka?" Tila gulat kong sabi. Tipid itong natawa. "Axel, ang sabi ko. Nasaan na yung babaeng sinasabi mong ipapakilala mo sa akin? I want to meet her." Sabi ni Tito Ibrahim sa akin. Umiling ako dahil ako rin ay hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Frida. Yun ngang binili naming two piece nila ay iniwan lang namin sa kanilang unit dahil wala naman sila roon kanina. Pero nagtataka na rin ako kung bakit wala silang dalawa. Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko rito dahil balak ko siyang hanapin. "Wait Tito, hahanapin ko lang siya." Saad ko ngunit tila yata sumilay ang mga ngisi sa labi ng babaeng kanina pa tumitingin sa akin. "Honey, let's go! Nag-aaksaya lang tayo ng oras dito." Saad nito. Parang balak ata niyang maligo dahil kita naman sa suot niyang see through dress. "Helen, just wait for 15 minutes, okay." Paunawa ni Tito sa nobya niya. "Sino ba kasi ang inaantay natin dito?" Naiiritang saad ng kan'yang nobya na halos pumantay na ang mga kilay niya dala ng pagkakakunot ng noo niya. Napailing na lang ako rito habang nagtatalo ang dalawa. Iniwan ko na lang silang dalawa at ako'y tahimik na umalis para hanapin si Frida. Bumalik ako sa unit ni Frida. Halos inabot ako ng tatlong minuto lang sa pagpunta ko rito dahil tinakbo ko ang daan papunta rito. Sa wakas ay nandito na siya sa kan'yang unit. Punong puno ako ng pagkakuryusidad kung bakit tila may kakaiba sa loob. Dinig na dinig ko mula rito sa tapat ng pinto ang ingay na parang nagdadabog. Pinakikinggan ko muna ito nang maigi bago ako kumatok. Pero may bagay na sadyang hindi ko maunawaan. Hindi ko rin alam kung bakit biglang bumibilis ang pitik ng puso ko. Parang nahuhuli niya at kayang kaya niyang palapitin sa kan'ya ang nararamdamang kinaiinisan kong mangyari. Bakit sa dinami daming babae pero bakit sa mukhang dragon pa yata ako mahuhulog. Hindi ko maintindihan kung bakit may kakaiba sa nangyayari sa akin ngayon. No! Hindi pwede ito dahil si Frida lang 'yan. "Sir Axel!" Bigla akong napalingon sa aking tabi nang sambitin ni Prising ang pangalan ko. Nagtataka siguro siya kung bakit ako narito. Ayaw kong magpahalata sa kan'ya na nagulat ako o kahit na anuman ang isipin nito sa akin. Mas tinitigan ko siya sa pamamagitan ng aking striktong mga mata. Natakot siya ngunit nakuha pa niyang magtanong. "Ano po ang ginagawa niyo rito sir?" "Prising, you don't have the right to ask me something like that. Ako ang may-ari ng hotel na ito. You should shut up and stop asking questions like that." Maawtoridad na sabi ko rito. "Sir sorry po. Hindi na po mauulit." Ani nito habang nakayuko ang ulo niya. " Aalis na po ako sir," paalam nito sa akin saka ito umalis sa harapan ko. Bumuntong hininga ako rito at muling tumingin sa pinto. Hindi ko alam kung kakatok pa ba ako or bubuksan ko na lang ang pinto? Ngumisi ako rito. Why do I respect her? I'm Axel Hugo. Wala pa yung babaeng magpapatino sa akin. Kung si Frida lang naman ito ay isa lang naman siya sa mga babaeng nakapila sa akin. But damn it! Nilalason ako ng nararamdaman ko nang makita ko siya pagkabukas ko agad ng pinto. Natulala lang ako rito habang hawak ko ang seraduhan ng pinto pagkasara ko. Isinara ko agad upang walang ibang makakita sa kanya. Dahil gusto ko ay ako lang makakita sa kan'yang mala-dyosang katawan. Para siyang isang magandang diwata na biglang nagtransform sa aking harapan. Para siyang isang dyosa na bumaba sa lupa. Nakatitig lamang ako sa kan'ya habang natataranta siya nang makita niya ko. Binalot agad niya ang kan'yang katawan gamit ang roba. Galit niya kong hinarap ngunit ako ay pasimpleng nakatayo lang rito. "Anong ginagawa mo rito sir? Ni Hindi ka man lang marunong kumatok sa pinto?" Bahagyang lumapit pa siya. Umiiling ako rito dahil mas malapitan ko na siyang mapapasadahan ang katawan nito. Pinamewamgan niya ko. Ngumisi ako ng nakakaloko habang nakatitig sa kan'ya. "Why? May mali ba sa ginawa ko?" Nagsalubong ang mga kilay niya at bigla na lang ba akong nakaramdam ng takot sa mga titig niya. Isang malakas na sampal niya ang dumapo sa aking kaliwang pisngi na walang habas na takot sa ginawa niya. Gusto kong magmura pero tila naumid ang aking dila dahil bigla kong naalala si Liam ang anak ni Frida. Bumuntong hininga ako rito habang sinasalubong ang nag-aapoy niyang mga titig. Wala siyang sumbat na narinig mula sa akin. Kung para sa akin lang, magagawa ko naman iyon sa kan'ya. But damn it! Bakit hindi ko magawa? Tila mahihirapan yata ako na makuha ang nais ko sa kan'ya. "Frida" "Mag-sorry ka sa akin sir!" "What?! Ikaw ang nanampal sa akin. Why should I apologized na ikaw dapat ang mag-sorry?" "Kasi nga sir, ikaw naman ang may kasalanan. Bigla ka na lang pumapasok sa loob ng silid ko. At isa pa may mas karapatan akong magalit dahil sa panghihimasok mo." Naiinis na saad niya sa akin. Fvck! "Bakit kailangan mo pa kong sampalin kung karapatan mong magalit? Be angry with me but you don't need to slap me." Natakot siya sa sinabi ko at napaurong sa panlilisik ko ng mga mata sa kan'ya. Wala naman akong gagawin sa kan'ya pero bakit siya umuurong?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD