Malungkot na pinagmasdan ni Pasita ang kama ni Adelina. Ilang araw na ang lumipas mula nang umalis ito at hindi pa rin niya matanggap na tuluyan na nga itong lumayo sa kanila. Pakiramdam niya'y hindi na kompleto ang araw niya; ang bawat umaga niya. Kung tutuusin ay dapat wala lang sa kanya ang paglisan ni Adelina, ngunit naging parte na ito ng buhay niya. Naging malaking bahagi ng buhay niya ang babae. Dahil kasi rito ay naranasan niyang maging ina muli. Naranasan niyang muli ang sarap ng pakiramdam ng may kinakalinga at inaalagaan. Mapait siyang napangiti saka hinaplos ang kama ni Adelina. "Kumusta ka na kaya ngayon, Adelina? Miss na miss na kita," mahinang sambit niya habang pinipilit ang sariling ngumiti. Mahirap man, pero kailangan na niyang tanggapin ang katotohanan na wala na

