Adelina's Point of View “Ang ganda mo, Adelina,” sabi ni Manang habang pinagmamasdan naming dalawa ang repleksyon ko sa salamin. Bagay na bagay sa akin ang puting dress na binili ni Amadeo. At mabuti na lang din at hindi pinakialaman ni Manang Pasita ang mukha ko—lipstick at powder lang ang inilagay niya. Pero kahit ilang papuri pa ang ibigay niya sa akin ay hindi ko magawang ngumiti dahil kanina pa ako nilalamon ng kaba. Ngayon na ang nakatakdang araw kung kailan sasabihin ko sa kanya ang totoo. Wala nang atrasan ‘to. Buo na ang desisyon ko. “Handa ka na ba?” tanong niya sa akin. Sumeryoso ang kanyang mukha. Bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala. “Opo, Manang,” sagot ko sa kanya at ngumiti. “Sasabihin ko na po sa kanya ang totoo.” “Basta, nandito lang ako. Susuportahan kita,” pani

