"Saan ka galing?" tanong ng Manager ko dahil naabutan niya ako na papasok pa lang sa condo building. "Nakakailang tawag ako sa 'yo dahil may urgent meeting ang team natin. Why did you not answer!?" Sa puntong ito ay kinakabahan ako dahil ngayon lang ako pinagalitan ng Manager ko. "M-May inasikaso lang po ako, ma'am." Nauutal kong sagot sa kaniya. "Are you sure?" Tumango ako agad. Sana naman ay hindi ako sumabit. "Then, bakit bumaba ka sa kotse with some guy?" hindi ko alam ang isasagot ko ngayon sa kanya. I need to think faster. "G-galing po ako probinsya namin. Tapos 'yong nakita niyo na lalake is p-pinsan ko po." Utal kong sagot sa kanya. "Then why are you sweating?" bakit ang daming tanong ng Manager ko ngayon? "Ma'am, may problema po ba?" Agad na tanong ko. Straight forward

