Maaga ako pumasok ngayon dahil may urgent meeting na naman daw. Kaya no choice ako, gusto ko rin makabawi sa Manager ko. Ako nga first na dumating dito sa kompanya, halos magkasunod lang kami ni Belle. "Alam mo na ba, 'te?" pagtanong niya ay gets ko na agad. "Ay, 'yong kahapon ba?" tumango naman siya agad. "Oo, epal 'yong babae na 'yon. Ikaw dapat 'yon, ate. Kaso masiyadong epal at pabida." Natawa na lang ako dahil umagang-umaga ay badtrip na si Belle. "Relax, 'wag mo painitin ang ulo mo. Pabida nga siya kaya wala ka nang magagawa doon. Hayaan mo na lang." Sabi ko at kumunot ang noo niya. "Seryoso ka ba ate? Magpapatalo ka doon?" natawa na lang ako. "Hindi 'no. Just wait and see. 'Wag mo na muna siya pansinin." Sabi ko at saktong pumasok na si Ma'am Alyssa. "Excited ka na ba, Gisse

