WARNING: RATED-18 "Ikaw si Milo, 'di ba?" tanong ko dahil nandito ako sa mansion ni Cris. May kausap kasi sa cellphone si Cris at iniwan ako dito sa sala. "Yep, buti naaalala mo pa ako." Sabi niya at nahihiya nga ako makipag-usap dahil ang dami nila dito sa sala. 'Yong iba nakapagpa-picture sa akin kanina habang busy si Cris. Pero sinabi ko na 'wag nila ipo-post dahil baka may makakita. "Ang ganda mo talaga ma'am sa personal." Napangiti naman ako sa sinabi ng isa. "Thank you. Ako lang ba nadala ni Cris dito sa mansion niya?" I asked suddenly. "Mayroon ma'am. Si Kelly, ex-girlfriend niya." Biglang hinampas ni Milo ang nagsabi 'non. Kelly... "Wala, wala 'yon." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Milo. "Hindi ko ba puweding malaman, Milo?" tanong ko at umiwas siya ng tingin sa akin. "H

