"Do you know each other?" tanong sa amin. "H-hindi 'te." Nagulat ako sa pagtawag na 'ate' ni Milo. Anong relasyon nilang dalawa? Magkapatid kaya sila? Magpinsan? "Okay. This is Milo, my cousin. Milo, you know her, right? Sikat ang alaga kong 'to." Proud na sabi ng manager ko. Napangiti naman ako sa sinabi niya. But—wait! Pinsan? Paano pag magsumbong siya sa manager ko!? Patay ako nito! Pero alam kaya ng manager ko na isa ring mafia si Milo? Habang nag uusap sila ay para akong lutang dito. Iniisip ko nga si Milo, sa dinami dami ng tao sa mundo si Milo pa talaga ang pinsan niya? Kaya itong si Milo nakatingin sa akin! "Okay, ayon lang ba ipapagawa mo? Wala bang advance payment, 'te?" seryosong sabi ni Milo kaya naglabas agad ng wallet ang manager ko. "Ito, sampung libo. Is that enough

