"Araw ng biyernes masama ang pakiramdam ko. Ayaw ko pang bumangon kung hindi lang ako kinukulit ni Mommy. Kanina pa siya pabalik-balik dito sa silid ko para lang gisingin ako. Imbes na bumangon ay mas lalo ko lang isinaklob nag kumot sa buong katawan ko.
"Angela, ano ba? Hindi ka pa rin ba d'yan babangon?" nahimigan ko ang iritasyon sa boses ni Mommy. Kapag ganyan na ang tono niya alam ko na galit na 'yan. Tsk.
"Mommy, Inaantok pa ako," padabog akong bumangon kahit nanghihina ako.
parang ta-trangkasuhin pa 'yata ako.
Sinamaan lang ako ng tingin ng mabait kong nanay. Nagtungo na ako sa banyo at ginawa ang morning routine ko.
Ilang sagli't lang at lumabas din ako. baka mainip na naman si mudra! Pansin ko lang these past few days laging masungit ang mommy, may pinagdadaanan ba 'to? Anu na man 'yon? love-life? Tsk..
Hindi pa nag tanda sa Daddy!
Talagang gusto pang umulit.
"May bisita ka. babain mo, bilisan mo d'yan," sabi ni Mommy. magtatanong sana ako kung sino 'yang bisita ko na disturbo sa magandang tulog ko!
Kaso, nakalabas na si Mommy sa pinto.
Matapos ko makapag-bihis lumabas na din agad ako. Naabutan ko sa sala ang isang bulto na hindi ko makakalimutan. si Hendrick Saavedra.
Ano naman ang ginagawa ng isang 'to dito sa bahay ko? Agad naman ito napatingin sa gawi ko, kaya lumapad pa ang ngiti nito na kanina ay nasa mga labi nito habang kausap si Mommy.
Nakangiti itong tumayo at namulsa sa harap ko. napatingin ako sa suot niya.
Simpleng damit lang ang suot niya ngayon. Malayo noong unang gabi na nagkakilala kami.
Wala ba siyang trabaho?
"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko. at tinaasan ko siya ng kilay.
"Angela--"
"It's ok, tita. Maybe she's surprise that I'm here." mas lalo naman napataas ang kilay ko sa sinabi niya kay mommy. saka anu daw, tita? Feeling din ang isang 'to!
Pinandilatan naman ako ni Mommy bago nagpaalam na papasok sa kusina para mag handa ng makakain ng kumag na 'to.
"Anong kailangan mo, mahal na prinsipe?"
"Well, aside sa gusto kitang kamustahin. Gusto din sana kita imbitahan mamaya sa bahay,"
"At bakit? ano naman mayro'n sa bahay niyo? Saka alam ba 'to ni Faye?"
"Yes, she said na sunduin kita rito, Hindi siya makakapunta at busy siya. Eh," he said.
Napasimangot nalang ako sa narinig.
Birthday nga pala ni Faye ngayon. Nakalimutan ko ang araw na 'to. Inimbitahan na niya ako tungkol sa party sa bahay raw nila. Umoo ako kasi hindi ko naman alam na may kuya pala siyang nakakainis.
Tapos ngayon ito pa talaga ang susundo sa 'kin? Eh hindi ba niya alam na allergic ako sa mga katulad niya?
"Pakisabi hindi ako pupunta," tinalikuran siya at sumunod kay Mommy sa kusina.
Tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon. Ayoko pumunta kung nandoon siya. mas mabuti dito na lang ako sa bahay makakapagpahinga pa ako.
Nakita ko si mommy na naghahanda sa lamesa. Tinanong niya ako asan si Hendrick. Sabi ko baka umalis na. Pinagalitan ako ni mommy at wag daw ako bastos. Wala namn daw ginagawang masama 'yong tao. Nakonsensya naman ako kaya lumabas ako para tignan kung nasa sala pa ba si Hendrick. Pero hindi ko siya naabutan roon. Lumabas ako ng bahay baka nasa gate pa siya.
Hindi naman ako nabigo at naroon nga siya. Nakaupo siya sa loob ng sasakyan niya at binubuhay na ang makina ng kotse niya.
Agad na ako lumabas at tinawag siya.
"Hendrick! sandali!" tumakbo na ako palabas ng bakuran namin. Lumabas naman siya agad at sinalubong ako na may pagtataka.
"Careful!" maagap naman siya ng bigla na lang ako mapatid ng hose na ginagamit ni Mommy sa pag didilig ng halaman.
"Thank you, wag ka muna umalis."
"Akala ko ba ayaw mo pumunta? It's ok, sasabihin ko nalang kay Faye na busy ka. Don't worry," nginitian niya ako ng matamis. parang gusto ko naman matunaw sa pinapakita niyang ito. Bakit napaka-bait niya sa 'kin?
"M-Magbibihis lang ako, Hintayin mo na ako. Please," pakiusap ko sa kanya. Mas lalo naman siyang napangisi.
"Your cute," sabi niya.
"H-ha?
"Ok, get dressed. I'll wait you inside." siya na humila sa akin pabalik sa loob ng bahay. Natanaw naman agad kami ni Mommy saka sinabi na kumain na muna kami.
Agad naman pumayag si Hendrick na kumain. Mabilis lang naman at matapos ko makapag bihis ay lumabas na ako ng silid ko. Nag suot lang ako ng simpleng dress na purple ang kulay. Bumagay naman sa maputi kong balat ang kulay nito. Off-shoulder din ang style nito na medyo kita ang cleavege ko.lagpas hanggang tuhod naman ang haba nito kaya kahit papaano disenti naman siya tignan.
Pagkalabas ko nakita ko si Hendrick na kausap si mommy.
Sabay sila napatingin sa akin. Si Mommy, bahagya pang napa-wow. nginitian ko lang siya.
Pero si Hendrick, medyo nailang ako sa paraan ng titig niya sa kabuoan ko. para bang may nakita ako sa mata niya na nag flash na kakaibang emosyon na hindi ko mapangalanan. Agad din itong napalitan ng paghanga. Nginitian ko lnag din siya. Kinuha naman niya ang kamay ko at saka kami nag paalam kay Mommy.
"Ikaw na bahala sa anak ko, Hendrick."
"Opo, Tita. wag po kayo mag alala ihahatid ko rin siya mamaya,"
Sagot naman ni Hendrick kay Mommy.
Bago kami sumakay sa kotse niya nilingon niya ako at nagulat ako sa ginawa niya.
"Your beautiful, I swear dudukutin ko ang mga mata ng kung sino mang titingin sa 'yo," seryoso niyang sabi na tila nagbabanta.
Bumilis na lang bigla ang t***k ng puso ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko pag siya ang kasama ko?
Kaya niyang pagrambulin ang kalamnan ko sa mga salita niyang 'yan.
"Para kang timang, d'yan! Tara na nga," agad na ako pumasok sa tabi niya. pumasok na din naman siya.
Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan.
"Ilang minuto lang nang makarating kami sa taguig. Nandito kami sa isang building na pag-aari nila. sabi niya dito raw gaganapin ang birthday ni Faye. Akala ko ba sa bahay nila?
"Sabi mo, sa bahay niyo?"
" Yeah, I forgot." nakita ko ang bahagyang ngisi na sinusupil niya. Sabi na e.
"So, ayuunn... lumabas din ang totoo, Balak mo lang 'ata ako manyakin eh, noh?" humagalpak naman siya ng tawa.
"What are you saying? Come on, hinihintay na tayo sa taas,"
Agad na niya ako hinila sa kamay at pumasok kami sa gusali.
Sinalubong kami ng dalawang lalaki na naka kurbatang itim at parehas matangkad at gwapo. Ngumiti agad sila ng makita kami at nag fist bump pa sila ni Hendrick.
Napansin naman nila ako dahil magkahawak kamay kami ni Hendrick. kinukuha ko ang kamay ko dahil nahihiya ako. pero ayaw bitawan ng lalaking 'to ang kamay ko.
Nakita naman ito ng dalawang lalaki sa harap namin at natawa sila.
"Pare, Hindi mo nasabi na sugar-daddy ka na pala ngayon?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ng isang lalaki na nasa kaliwa. mukha siyang badboy.
"Shut the f**k up!" mas lalo naman silang nagtawanan sa sagot ni Hendrick sa kanila.
Ano ba kasi ang pinag uusapan nila?
Hayss.. Parang gusto ko tuloy magsisi na sumama ako. Tsk.