ANGELA
"Nakarating na nga kami rito sa rooftop nitong building na pag aari ng mga Saavedra. Nahiwalay naman sa amin ang dalawang lalaki na nagpakilala sa akin na sina Andrew, at Alec. mga kaibigan pala sila ni Hendrick at kababata. Hawak pa rin ni Hendrick ang kamay ko.
"Were here." pumasok kami sa isang pinto.
Agad sumalubong sa amin si Faye na katulad ko ay naka-dress din. mas magara nga lang ang sa kanya. Syempre, Birthday niya!
"Finally, dumating din kayo. akala ko hindi kana pupunta! Magtatampo talaga ako sa 'yo!" nakangusong sabi ni Faye.
"Sorry. nakalimutan ko nga, e. Mabuti na lang pinuntahan ako ni Hendrick." nahihiya kong amin.
Binitiwan ni Hendrick ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya pero nginitian niya lang ako. Agad naman nawala ang atensyon ko sa kanya nang kaltukan ako ni Faye!
"Ouchhy!" sabi ko habang hawak ang ulo ko na kinutongan niya.
Mabuti na lang hindi nakatingin si Hendrick dahil bahagya siyang lumayo sa amin. binalingan ko si Faye na nakairap sa akin. Gusto ko matawa pero pinigilan ko. Kung hindi niya lang birthday baka naiganti ko ang bombunan ko na nasaktan!
"Hindi ako magso-sorry! deserve mo 'yan! Anong klase kang kaibigan at nakalimutan mo na birthday ko!" halos marindi ako sa sigaw ni Faye. napapalingon na sa amin ang ibang mga bisita niya.
"Sorry. wag ka nang magalit nandito na naman ako, oh." pang uuto ko pa sa kanya. lumambot naman agad siya.
"Happy birthday! beshy, wish you the best always!" nagyakap kami at sabay na natawa sa isa't-isa.
We both know na biro lang niya ang mga sinabi niya kanina. That's why were both compatible to each other as bestfriends. Dinala niya ako sa table nila ng mga magulang niya at naroon din si Hendrick na ngayon ay nakatitig na naman sa akin. Hindi ko alam kong ako lang ba, pero may kong ano akong nararamdaman sa mga titig niyang 'yan.
Ipinakilala ako ni Faye sa parent's niya. magiliw naman sa akin ang mommy nila. ang daddy naman nila ay katulad ni Hendrick tahimik pero mabait naman. bahagya lang niya ko nginitian. Tahimik lang ako buong durasyon ng party. Mabuti nalang nariyan si Faye para kausapin ako. panaka-naka rin naman ako ni Hendrick kong kamustahin. Siya din ang naglagay nang pagkain sa plato ko. nahihiya tuloy ako sa mga kaharap namin at nakamasid lang sila, especially ang parent's nila. Nakangiti sila pero nahihiya ako baka isipin nila na assuming ako. na baka nagpapa-importante ako sa anak nila. Hanggang sa sumapit ang gabi at nakaramdam na nga ako nang pagod. Parang gusto ko na lang mahiga sa oras na 'to. Iwan ko ba, lately nararamdaman ko na lagi akong napapagod kahit hindi naman ako nagkikikilos. Nagiging antukin din ako. Kong hindi ko nga lang alam na v*rg*n pa ako. baka isipin ko na buntis ako. Dahil sa naisip agad nag init ang pisnge ko!
"Mas maganda ka pag nagba-blush," napaigtad ako nang bumolong si Hendrick sa gilid ng tenga ko. bahagya ko din naramdaman ang labi niya sa gilid nito.
"A-Anong S-Sinasabi mo?"
"Don't deny it. I saw you blush all of a sudden. Why?"
"H-Hindi noh!"
"Iniisip mo ba ako kaya ka nag blush?"
"Hell, no! Assuming ka rin e, noh?"
"Ok. I won't insist. But let's see..."
Nakangisi nitong turan saka marahan na dinampian ng halik ang gilid ng tenga ko. Agad naman ako napatingin sa mga kaharap namin at baka nakita nila ang ginawa ng lalaking malandi na 'to!
Busy naman sila sa kanya-kanya nilang pinaguusapan kong ano man 'yon. wala akong alam. Tungkol sa business seguro.
Sinamaan ko nang tingin si Hendrick. Kinindatan lang naman ako nito. Pagbaling ko kay Faye, nakangiti ito habang may nakakalokong ngiti sa mga labi habang nakatingin sa amin ng kuya niya.
Oh! No! alam na alam ko ang ngiting 'yan! may naiisip na naman 'tong kalukuhan!