Nang makarating ako doon ay nakita kong may ilan nang mga naglalaro doon pero mukhang practice pa lang. Inihatid ako ni Rex sa upuan na malapit sa puwesto nila, at may ilan na rin na mga babaeng nakaupo doon. May katabi akong babae sa puwesto na iniupuan ko, at mabilis ako nitong nginitian at nakipagkamay sa akin. Nalaman ko na lang na girlfriend siya ng isang teammate nila Rex.
"Cassandra. Rex's friend."
"Oh, friend." She teased; I almost rolled my eyes because I don't really see myself dating him. "Okay. My boyfriend used to be my friend too."
"Ahh, obviously..." I whispered.
Ilang sandali pa, habang naglalaro ako sa cellphone ko dahil naghihintay ako na magsimula ang game, ay may pumasok na dalawang tao. Ang isa ay sobrang kilala ko. I haven't seen him for few months already, and he doesn't really change at all.
And the girl he was holding hands to, is very...very pretty. She's petite but still, she's very pretty. No wonder, Ford can never move on from him. He may cheat on her, which I strongly disagree even though how reasonable he is, but I can see that he loves her dearly.
He kissed her hand before letting her sit on the other side of the bleachers. I can't take my eyes off of her. I still envy girls like her. Parang nasa kaniya na ang lahat, bakit gano'n? Lord, may kasalanan kaya ako sa past life ko para hindi ko ma-deserve 'yong mga bagay na meron 'yong ibang tao na tulad ng babaeng tinititigan ko ngayon?
Nakita kong bumalik na si Ford nang nakasuot na ng jersey at naupo sa tabi ng kaniyang girlfriend.
Yes, I know his name. I never forgot his name since the day he told me that his name is Ford Isaiah. I may not know his surname, but knowing his name is already a good thing. At least, alam ko kung sinong tao ang ipinagdarasal ko sa bawat gabi. At least, nababanggit ko kay Lord ang pangalan ng taong may pinakamalaking naitulong sa akin.
When I saw him looking at my direction, I waved my hands at him. Kita ko ang pagkunot ng noo niya kaya naman naglakad ako papalapit sa kanila.
"Hoy, Timmy!"
I saw how he laughed when I called him that. Mas binilisan ko ang pagtakbo papunta sa kanilang dalawa ng girlfriend niya na ngayon ay masama na ang mga tingin sa akin. Nang tuluyan na akong nakalapit sa kaniya ay nakipag-high five siya sa akin kasabay ng pagbati sa akin.
"Oh, Timmy! Long time no see, ah?"
Ngumiti ako sa kaniya, at nang maramdaman kong may nakatitig sa akin ay tiningnan ko ito pabalik. I don't mean to offend her but I'm not really scared of her. If she tried to intimidate me with her stare, I'll gladly give her that too. She needs to learn that not every girl that goes near her boyfriend is a threat. Masasakal sa kaniya ang boyfriend niya if every she continues to cage him with her invisible bubble that only she can see.
When she realized that I wasn't really afraid of her stare, she gives up and looked at her boyfriend.
"Babe, who is she?" she said in a sweet tone. I almost rolled my eyes after hearing those.
I know he'll ask me because I never told him my name. I didn't even expect the day that we'll meet again.
"Timmy, ano na ngang pangalan mo?"
I chuckled. "Gago ka, Timmy! Hindi mo alam yung pangalan ko?" Humagalpak ulit ako ng tawa para maitago ang inis ko sa babaeng kasama niya. Kita ko namang pati si Ford ay natawa na. "Cassandra ang pangalan ko. Maria Cassandra Torres."
Isa sa mga bagay na napansin ko kay Ford ay ang madalas na pag-awang ng bibig niya sa tuwing may nasasabi ako o nagagawa akong hindi niya inaasahan. Tulad ngayon, na kahit sinagot ko lang naman ang tanong niya ay napaawang ng bahagya ang bibig niya, ngunit mabilis niya rin itong isinarado.
May crush ba sa akin 'to? Nagagandahan kaya sa akin 'to?
"Oh, babe. Siya 'yung kinukwento ko sa 'yo na nakasama ko noon, si Cassandra. And Cassandra, she is my girlfriend, Alexa."
Ohh, Alexa.
At, naikwento na pala niya ako sa kaniya noon? Kaya naman pala ganito na lang kainit ang dugo nito sa akin. Bakit ba ganito makatingin 'to? Hindi ko naman aagawin ang boyfriend niya, ang payat-payat.
I've decided to focus on talking to her nang sa gano'n ay mawala ang pangamba niyang hindi ko aagawin sa kaniya ang boyfriend niya.
"Aba, aba, aba! Iba talaga itong si Timmy! Kaya naman pala base sa kwento niya ay nagmamakaawa siya sa 'yo, napakaganda mo nga naman pala! Nako, Timmy ha! 'Wag na 'wag mong papakawalan itong girlfriend mo, kung hindi, ako ang bubugbog sa 'yo!"
I smiled bitterly at the thought of letting her girlfriend go. Sana may nagbanda rin ng ganoon kay Paul noon, noong mga panahong hindi pa siya nagloloko. Noong mga panahong masaya pa kaming dalawa. Noong mga panahong...hindi pa siya naghahangad ng sobra.
"Sus! Hindi, 'no. Hinding-hindi ko na pakakawalan 'to."
Again, I smiled bitterly as he kissed her hair right after saying those words. I wished Paul was the same as him. 'Yung kahit na ilang beses na akong niloko, still, siya pa rin ang gagawa ng way para bumalik ako, and not the other way around. Lagi na lang kasi ako ang nagmamakaawa sa kaniya na bumalik siya sa tuwing iniiwanan niya ako matapos niya akong lokohin.
"Dapat lang! O sige, balik na ako doon, ha?"
Hindi ko na sila hinintay na sumagot, at tumakbo na ako pabalik sa dating puwesto ko. No, it didn't make me cry, not even a drop of tears. I'm just sad that I can't have the love that the other people are receiving. Am I not worthy of love? Am I not worthy to keep? Am I not worth the fight?
Napabuntonghininga na lang ako at ilang saglit lang ay nagsimula na silang maglaro.
As I've promised to Rex, I cheered for him and every time he shoots the ball, especially those three points, he always points me and winked at me. The girl beside me always pokes me with his elbow and if I don't know how to use the word respect, baka nasuntok ko na itong feeling close na ito.
I also saw how Alexa cheered for her boyfriend, Ford, and every time she did, he'll always throw the ball right inside the ring. Kahit na hindi naman ang team nila ang sinusuportahan ko ay sumasaya pa rin ako sa tuwing nakakapuntos sila, lalo na siya.
There are also times na nakikita kong tumitingin sa akin si Ford. Hindi ko pinapahalatang nakikita ko siya. He can't know that I knew that he's throwing me glances and creased her forehead whenever he saw me cheering for Rex. Hindi ko gustong mag-assume pero pakiramdam ko ay may crush ito sa akin. Kung wala lang itong girlfriend, hindi ako magdadalawang-isip dahil halata naman.
Also, it's normal to have a crush with another girl while you were on a relationship. As long as you know the limitations and boundaries, nothing will be a problem.
After the game, Rex's team won. Apat na puntos lang naman ang lamang but I saw how miserable the other team is. Paano pa kaya kung tambak, hindi ba?
Nag-alisan na ang mga tao, ang mga player ay nagpunta na sa kani-kanilang locker room para maligo at magbihis.
I have this sudden urge to get to know him.
Since, we already met, and he already knew my name, is it bad to get to know more about him? I just want to be friends with him.
Napabuntonghininga ako at kumuha ng ballpen sa bag ko, tsaka nagpunta sa locker room kung saan naghihintay rin ang ibang mga katulad ko na pinanood lang ng kanilang mga kaibigan/kasintahan.
"Oh, Cass. You should've wait for me outside, bakit nagpunta ka pa dito?" Rex said with his hair, dripping wet.
"Ah, wala. May kakilala kasi ako, pupuntahan ko lang. Sige na, mauna ka na doon."
"You sure? Want me to wait for you?"
"Hindi na, sige."
Pinagtulakan ko na ito palayo sa akin hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis. Inikot ko ang paningin ko at hindi ko nakitang nandito ang girlfriend ni Ford. Nasaan naman siya? I know that in her eyes, mali itong gagawin ko, but I've never been so eager on being friends with someone.
When I saw him walked out of the locker room, mabilis akong lumapit sa kaniya.
"Oh, Timmy! Nand'yan ka na pala, kanina pa kita inaantay!"
Bakas ang gulat sa kaniya nang makita akong nandoon. He smiled at me before talking.
"Oh, Timmy. Ano ba 'yun?"
I smiled at him before holding his hand. Nakita kong parang nagulat siya sa ginawa ko at bigla kong naramdaman ang panlalamig ng mga kamay niya nang gawin koi yon, but I chose not to pay attention. Mabilis kong isinulat sa mga kamay niya ang numero ng telepono ko. Matapos kong gawin iyon ay binitawan ko na siya dahil para akong kinakabahan habang tumatagal ang mga segundong magkadikit ang mga balat namin.
I smiled at him.
"'Yan 'yung number ko. Paki-text ako, ha? Pakisabi rin sa girlfriend mo na huwag na siyang mainis sa akin at magselos kasi hindi kita type. Ang payat-payat mo, e. At sobrang tangkad mo. Hindi ko type ang mga mapapayat. Pakisabi sa kanya 'yan, ha? Gusto ko lang naman tumanaw ng utang na loob kasi, kung hindi dahil sa 'yo, baka nagpapakahirap pa rin ako para mabuhay."
He laughed at my dialogue.
"Oo. At 'wag kang mag-alala, mabait naman iyon. Ganoon lang talaga first impression niya sa mga babaeng nakikilala ko."I nodded and smiled in response, before looking away because it wasn't really the thing I saw earlier. "O sige, aalis na ako, ha? Inaantay kasi ako ni Lexie sa labas. Ingat ka pauwi!"
Ohh...naunahan pa akong magpaalam. Sana hinintay na niya akong magpaalam kasi aalis na rin naman na ako...
Nang tumalikod na siya, ay hindi ko napigilan ang sarili kong tawagin siya at pigilan siya gamit ang paghawak sa kaniyang braso.
"Sandali, Ford Isaiah!"
Lumingon siya sa akin at bigla ay parang umurong ang dila ko. Bakit ko nga ba siya tinawag? At sa buong pangalan niya pa talaga, ha?
I heaved a sigh. "H-Hindi ko nakalimutan ang pangalan mo mula noong sinabi mo sa akin."
Mabilis kong inialis ang pagkakahawak ko sa kaniya nang mapagtanto kong mali iyon, hindi ko dapat siya hinahawakan nang biglaan.
"Ano 'yun, Cassandra?"
Ohh, f**k. What am I nervous about? It's normal to call you by your own name, Cassandra. Damn it.
Erasing that thoughts on my mind, I smiled at him. "M-Magkikita pa naman tayo, 'd-di ba?"
He laughed at what I asked him. Ginulo niya ang buhok kong mahaba bago siya sumagot.
"Oo naman. 'Wag kang mag-alala, itetext kita mamaya, okay?"
Para akong isang high school student na kinilig nang marinig ko iyong sinabi niya. Why am I feeling this way? This is so wrong in so many aspects! I can't stop myself from smiling widely, damn!
"T-Talaga?"
"Oo naman."
"S-Sige, ingat ka, Timmy!"
"Sige, ikaw rin!"
When he's finally gone, napahawak ako sa dibdib kong may mabibilis na t***k ng puso.
No, Cassandra. You shouldn't. Hindi ka dapat kiligin sa kaniya, may girlfriend na 'yong tao.
But I can't...
This is the first time that I feel this happiness right after Paul and I's breakup. And I don't know what to react.