Chapter 08

1436 Words
Akala ko naman ay sa kung saan niya ako dadalhin. Buti na lang at sa cafeteria lang kasi baka makita ako ni Kuya na lumabas ng campus nang may kasama na namang lalaki. Siguradong pangangaralan na naman ako no'n kahit na hindi ko naman iyon kailangan. Nag-order siya ng pizza at ng maiinom namin. Habang kumakain kami ay ikinuwento ko sa kaniya ang bagay na nangyari sa akin last week, few days after their game. "Binabalikan ako ni Paul. Sabi ko, 'di ko na kaya kasi nauntog na ako. Pinagbintangan pa nga ako na may iba na raw ba ako kaya ayaw ko na, e." I shook my head while laughing. Of course, pinakita ko sa kaniya na hindi ako naaapektuhan base sa kuwento ko, but his moving lips has always been repeating on my imagination. Hindi na niya puwedeng malaman iyon. Hindi niya puwedeng malaman na marupok ako sa pag-ibig. "Anong sabi mo?" "Eh di sabi ko, wala kang pakialam kung may iba na ako. Ikaw nga ilang beses nagkaroon ng iba habang tayo pa, e. Ayon, basag siya." Again, I chuckled. He can't know that Paul has giving me so much hard time since that day. Kailangang maisip niyang natututo na ako. But even though it's real na natututo na ako, nasasaktan pa rin ako at minsan ay sumasagi sa isip kong talikuran ulit ang lahat para kay Paul. Good thing there is someone like him, and my family and friends, who always reminds me that there's better guys than him. "Akala ko babalikan mo pa, e." Kung alam mo lang, Ford. Muntik na. "Ha! Excuse me, ang ganda ko kaya! Ang dami na ngang nagpapapansin d'yan sa akin simula nung nalaman na break na kami ni Paul, e." Well, that's true naman. Minsan kasi ay sinama ako ni Kuya sa bar dahil birthday ng kaibigan niya na kaibigan ko rin naman. Guys na acquaintance ni Kuya are trying to get my number pero dahil nandoon si Kuya, si Kuya ang nakakausap nila. Also some of my blockmates, and yeah, Rex. "Anong year ka na ba? At anong course mo?" he asked. Of course, he wouldn't know. He never seem to be interested in me. Mukhang ako lang naman. "Second year na ako. Financial Management ang course ko." I answered. He nodded. "Mas matanda ako sa 'yo. Fourth year na ako next sem, e." "Alam ko." I said while eating my slice of pizza. "Anyway, kumusta na si...Lexie?" Nakita kong nagulat siya. Of course, he wouldn't expect it from me na kumustahin ang girlfriend niyang bulgarang inilalantad sa akin ang selos niya. Wala naman kasi akong pakialam sa kaniya, hindi naman siya ang kinakaibigan ko at hindi naman siya ang tumulong sa akin. "Okay naman siya. Busy lang siya sa course niya na Law. Hanggang gabi nga ang klase niya ngayon, e." He heaved a sigh. Hindi namman masiyadong halata na name-miss na niya ang girlfriend niya. Gusto kong umirap dahil sa pagiging clingy niya. Feeling ko naman lagi silang magkasama, there's no need to miss her all the time. I just laughed it all out, a bit. "Tss. Mahal na mahal mo talaga 'yon, 'no? Parang ngayon pa lang ay namimiss mo na siya, e." He smiled a little. He started to tell me stories of how he and his girlfriend were not together as always. Bihira lang silang magkita, hindi tulad ng nasa isip ko. But that is one of the things that made the relationship stronger, right? Kaya siguro nagsawa sa akin si Paul, kasi araw-araw kaming nagkikita. "Swerte niya." This girl may be a hero in her past life. I'm so envious that she have everything I'm longing for. "Bakit?" "May isang taong handang maghintay para sa kanya, e. Pangarap ko 'yun, alam mo ba 'yun?" I chuckled. "Puro na lang kasi ako ang naghihintay. Kailan ba ako hihintayin?" "Malay mo, may isang tao d'yan na naghihintay na pala sa 'yo? Hindi mo lang alam." I smiled a little. "Kung ganoon, nasaan siya? Bakit hindi ko siya makita?" Hindi siya nakasagot sa tanong ko. I know that he just said that to comfort me. I don't really like comforting words. Most of it is just lies. Better tell me hurtful truths, at least I won't be happy for something that isn't real. When I saw him looked like he was scared at what I asked him, I talked again. "Naiintimidate ka ba sa akin?" I said, laughing. "Huwag, kasi hindi ako kasing-tapang tulad ng iniisip mo at ng ibang tao. Mukha lang akong gangster, pero malambot ang puso ko." He smiled. "Alam ko...at nakita ko." Ahh, oo nga pala. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "Ayoko sanang may ibang taong makaalam no'n. Gusto kong itago mo na lang." "'Wag kang mag-alala, hindi ko ugaling magkalat ng balita." When we finished eating, he walked me outside the campus. Nagpupumilit pa nga siyang ihahatid ako sa bahay but Kuya is on his way and he can't see him, not now. Hindi pa sila handa na magpakilala ako ng panibagong lalaki sa buhay ko, matapos ni Paul. Well, they know Rex pero alam naman nilang hindi ko papatulan iyon. Ilang sandali pa ay iniabot niya sa akin ang cellphone niya. Ako naman ay kinabahan at nagtataka, kasi hindi naman ako tanga. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. "Ano namang gagawin ko d'yan?" patay-malisiya kong sabi. "Uhm, kukuhanin ko ulit 'yung number mo." Nakaiwas ang mga tinging sabi niya. "Tss." I chuckled. "Magwawala ang girlfriend mo kapag nalaman niya 'yan." He shook his head. "Bukas na ang isip niya sa pakikipagkaibigan ko sa 'yo, huwag kang mag-alala." Nagulat ako sa sinabi niya. No, hindi 'yan ang nakikita ko, e. I never met a paranoid girl na hindi inaway ang kaibigan na babae ng boyfriend nila. Alam kong darating din ang araw na sasabunutan ako ng girlfriend niya. Anyway, wala pa rin akong pakialam. Tumango na lang ako bago kinuha ang cellphone niya at itinype doon ang number ko. Nanginginig pa ang kamay ko, dahil siya lang ang taong nag-abot sa akin ng cellphone na malugod kong tinanggap. Siya lang talaga. Ibinalik ko na sa kaniya ang cellphone niya. "At hihingi sana ako ng pabor sa 'yo." Napakunot ako ng noo sa sinabi niyang iyon. "Huh? Ano naman 'yun?" "W-Wag ka na ulit magpapaalam sa akin." Kitang-kita ko kung paano mamula ang mga tainga niya sa sinabi niyang iyon, kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko. Magsasalita na sana ulit ako nang magsalita ulit siya. "Gusto kong maging kaibigan ka. 'Wag ka nang lalayo sa akin." Hindi ko kaagad nahanap ang mga salitang dapat kong isagot sa kaniya, dahil sa totoo lang, simula nang pinigilan niya akong umalis kanina ay nagbago na ang isip kong hayaan na lang siya. Habang kasama ko siya at kakuwentuhan kanina, habang mas nakikilala ko siya, mas nagiging mahirap sa akin ang balewalain na lang siya. Gusto ko siyang maging kaibigan. Gusto ko siyang manatili sa buhay ko kahit isang kaibigan lang. Gusto kong nand'yan lang siya, and the thoughts of myself, living without him, is kind of sad. Living my life without knowing more about him, living my life wasting someone like him, as a friend, is making me regret everything. He is one of the most genuine person I've ever met. I can't just lose him...even if he's just a friend. He made me realize so many things that made me live easier than the way it should. No, Lord. I can't lose him. I chuckled slightly. "'Wag kang mag-alala, hindi ko rin pala kaya." I heard the familiar honk of my Kuya's car, so I hurriedly bid my goodbye to him as I saw his mouth opened again, probably shocked at what I just told him. Nang maupo ako sa tabi niy Kuya sa shotgun seat ay kita ko ang kunot sa noo niya habang may mga ngiti sa labi ko. "Lawak ng ngiti mo, ah? Sino 'yon, ha?" "Tss. He's someone who helped me leave Paul. Dapat nga ay magpasalamat ka, at hindi 'yung nakakunot ang mga noo mo d'yan." Inirapan niya ako. "Is he courting you?" "May girlfriend 'yung tao! He's just a friend, ano ba? Soon, ipapakilala ko rin siya sa inyo." I finally said it. I have a reason para maipakilala siya sa pamilya ko, lalo na sa kuya ko, since he said that he wants to remain friends with me. After all the pain that came back to me after my encounter with Paul, now, I feel so happy. My pain has been washed out for what happened today.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD