Kanina ay tumawag sa akin si Tita Sheila at tinanong kung tumawag na ba sa akin si Ford. Nag-aalala na raw siya dahil dapat daw ay 10:00 AM pa lang nasa Cebu na si Ford pero hapon na raw ay hindi pa rin tumatawag o nagti-text sa kaniya. Ako naman ay nakaramdam rin ng kaba at tinadtad siya nang tinadtad ng tawag. It turns out, nakatulog pala siya. Noong nakausap ko siya ay biglang lumambot ang puso ko. 'Yung galit at pag-aalala ay napalitan ng pangungulila sa kaniya. The whole day, hindi ko man lang nagawang ngumiti kahit na nagkakasiyahan sila ngayon sa office dahil wala ang manager naming bakla. Gusto ko rin sanang makisali sa kasiyahan nila pero napupuno ng lungkot at pangungulila ang puso ko. Hanggang sa matapos ang oras ng trabaho, pagkalabas ko ng kumpaniya ay nakita ko na nandoon

