Chapter 49

1335 Words

Nang makapananghali ay nakisali ako sa mga magsasaka. Nagpaturo ako sa kanila kung paano ba magtanim ng palay dahil naiinggit ako na nakikita kong nagsasaya sila habang ako ay lakad lang nang lakad at nanonood lang sa kanila. "Akala mo lang madali, hija. Nako, sasakit ang balakang mo," nagtawanan sila sa sinabi ng lalaking nagtuturo sa akin. "Pero kung maiisip mo naman na maraming tao ang napapakain ng trabaho mo, pakiramdam mo naman ay mawawala lahat ng sakit ng katawan mo." Napatango ako sa kanila bilang pagsang-ayon. Nang matutunan na ang pagtatanim ay ginawa ko na nga ang ginagawa nila. Sobrang init, at sobrang sakit nito sa balat, pero ayos lang. Minsan lang naman. Nakakatuwa rin maglakad sa pitak, kung saan itinatanim ang mga binhi, Ang lambot kasi. Feeling ko ay namamasahe ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD