Kinabukasan ay tulad ng dati, tahimik at hindi nagsasalita si Ford. Lagi lang siyang natutulog at kung hindi naman ay nagce-cellphone. Ngayon ay nasa tabi niya ako at nanonood siya ng balita sa internet tungkol kay Kristen. Halos lahat nan g balita ay napanood ko na, at ang masakit na nalaman ko ay buntis pala itong si Kristen sa boyfriend niya. Pinanonood ni Ford ngayon iyong video footage kung saan umiyak nang napakalakas ang nobyo nito at kung paano namin marinig ang pagkawasak ng mundo niya. Hindi na niya tinapos ang balita at pinatay na lang ang cellphone, tsaka ibinato sa gilid niya bago ako tinalikuran. Napabuntonghininga na lang ako dahil lagi na lang siyang ganito. Lagi akong tinatalikuran at hindi kinakausap. Hindi ito ang scenario na gusto kong makita sa pagpunta ko dito sa D

