Ang nakakainis sa sarili ko, matapos kong magmukmok ng ilang oras lang,a y lumabas ako para bumili ng pagkain. Pagkatapos noon ay dumiretso ako sa room niya dala ang mga pagkain na 'yon. Bakit hindi ko magawang tiisin ka kahit sobra-sobra na 'yung sakit at galit na nararamdaman ko dahil sa 'yo? Pagdating ko doon ay nakita ko na nakaupo siya sa kama niya habang naglalaro ng Mobile Legends. Dumiretso ako sa kusina para i-prepare ang pagkain na binili ko sa labas. Pinag-prepare ko siya ng pagkain niya at inilagay sa tray tsaka nilagay sa table sa gilid niya. Naupo ako sa gilid ng kama niya. "Kumain ka na para makainom ka ng gamot." Tumingin ako sa galos niya sa mukha at nakita ko na bahagya na itong anghihilom. "Medyo magaling na pala mga galos mo. Mamaya linisin ko sugat mo pagka-kain mo.

